Chapter 12

5 1 0
                                    

JEREMY'S POV

"are you ready, bro?" tanong naman sa akin ni Blake habang nagaayos ako ng gamit ko.

"Hindi ko alam, bro. Kinakabahan ako pero maraming salamat sa lahat ng tulong mo!" sabi ko naman sa kanya habang hinahatid niya ako at nila Liza sa airport. Oo, ayos na kami ni Liza. Wala namang mangyayari kung patuloy lang akong magtatanim ng sama ng loob sa kanya.

"Ingat sa byahe. Goodluck!" sabi naman sa akin ni Blake. Sunod sunod naman nila akong niyakap.

"Sana may abutan ka pa, see you soon!" sabi naman sa akin ni Liza. Sana nga may abutan pa ako. Hindi ko alam mangyayari sa akin kung wala na si Ace sa buhay ko.

Nakasakay na ako.

Pauwi na ako.

Malapit na ako.

Limang taon ko'y tapos na iniintay pa rin ba niya ako? May iiniintay pa rin nga ba ako? Alam kong hindi na siya ang susundo sa akin sa airport dahil sino nga naman ba ako umasa na siya pa sa limang taon naming walang komunikasyon? Sino nga ba ulit ako para mag-intay kung ako lang din naman ang unang nang iwan?

"Ladies and gentlemen, welcome to NAIA Airport. Local time is 8:45 PM..." announce naman ng isa sa mga flight attendant namin habang ako eto, tulala. Ayaw magsink sa akin na nandito na ulit ako.

Pagkalabas ko ay tama lang ang lamig. Bigla akong nagbago sa weather pero all I know is pagod na pagod na ako at kailangan kong magpahinga.

"Jess!" rinig na rinig ko ang sigaw ng kuya ko pagkatapak na pagkatapak ko sa escalator. Nakita ko si mama at si papa pati si Kuya. In short, buo silang pumunta dito para sunduin ako. Napangiti naman ako sa kanila.

"Je!" sigaw naman ng mama ko at agad ko namang nakita sa kanya si Ace. Naimagine ko na siya ang sumundo sa akin. Naimagine ko na mapagpapatuloy ko pa ang pagmamahal ko sa kanya pero hindi eh. Wala na. Nanay ko 'tong tumawag sa akin at hindi siya.

Snap out of it.

Kumawaykaway naman ako sa kanila at tumakbo na pababa sa escalator.

"Kuya!" niyakap ko naman kaagad kuya ko. Napaka malapit kase namin sa isa't isa, mula nung magkakilala kami. Naging mabait siya sa akin kaya ngayon, ganito kami kalapit sa isa't isa.

"Jess! Mas pogi ka na sa akin!" sabi naman ng kuya ko na tuwang tuwa.

Niyakap ko si mommy't daddy. "pero syempre, mas pogi ang tatay niyo.." sabi naman sa amin ni Papa. Lahat naman kami nagtawanan sa pagsingit niya.

"Jess, Kamusta na kayo ni Ace?" tanong naman sa akin ni Kuya Chris na agad namang nakapagpabago sa mood ko. Napatingin din sila mommy sa kanya. Hindi pa kase alam ni Kuya.

"Okay okay, sa bahay na lang." sabi naman ni Kuya. Syempre, ayoko namang matapos ang araw ko na nawala ang mood dahil kay Ace. Kaya naman si kuya naman binola ko.

"Dad, diba may girlfriend na si Kuya? Seryoso na ba yan?" tanong ko naman kay Dad na tahimik lang. Ayaw maglabas ng kahit anong salita.

"Oo, 4 years na sila halos pero girlfriend niya pa rin." sabi naman ni Mommy. Napatingin naman ako kay kuya. "Improving! Akala ko mananakit ka nanaman eh." sabi ko naman sa kanya.

"No. she's different." sabi naman niya. Dumeretso naman kami kaagad sa bahay, imbis na kumain muna kami sabi ko na lang na uwi na kami para makapagpahinga na ako. Next time na lang siguro ang party.

-

"Ano? Sisimulan mo na bang hanapin si Ace?" tanong naman sa akin ni Blake kasama sila Liza, kaskype ko sila right now. Madaling araw pa lang kase tinatawagan na nila ako. Ayaw akong patulugin.

TULOY PA RINWhere stories live. Discover now