Chapter 15

4 1 0
                                    

Sarap pala sa feeling na kahit isang araw lang lahat ng problema mo makakalimutan mo. Lahat ng problema mo sa past mo, nakakalimutan mo dahil sa present mo. Sarap pala sa feeling na nakalimutan ko si Jeremy. Nabubuhay dugo ko. Nabubuhay yung buong ako. Ngumingiti ka sa iba kase totoo na yung ngiti mo kapag nakakalimutan mo siya. Tumatawa ka kase na tatawa ka at hindi dahil kailangan kase gusto mo.

"Ingat sa school, Jace. I love you!" sabi ko naman kay Jace na sinusundo na ng service niya. "I love you too mama!" sabi naman niya at takbo takbo naman siya papalabas ng bahay.

Pumasok naman na ako sa bahay at nakita sila mama at papa na aalis. "Saan kayo pupunta?" I asked them.

"Magdedate, hindi lang kayo ang pwede mag-date, Ace." pangaasar naman sa akin ni Mama. "Oo nga, pupunta ba dito si Christian? Sige, kayo na muna dito at kami magdedate sa labas ng mama mo." sabi naman ni papa na ginagatungan pa yung pangaasar sa akin ni mama.

"Ay! Sige! Bahala kayo! Uwi kayo kaagad." I kissed them both goodbye.

Pagkarating naman ni Christian dito, kumain na muna kami at dumeretso kami sa living area para, as always, magdaldalan nanaman. Paano hindi pumasok sa office ni Daddy niya. Whole day daw pasok niya sa bahay ko. Baliw diba?

"Dala ko na pictures namin!" excited na excited naman tong mokong na to ipamukha sa akin na cute siya nung baby at pogi siya ngayon, na walang moment na mukha siyang ewan.

"Dali dali! Game!" sabi ko naman at agad naman niyang binuklat ang first page ng photo album nila na naka lagay Chris and Jess Photo Album.

"Eto kaming dalawa ni Jess!" Nakita ko bay picture nilang dalawa ni Jess. Familiar yung baby picture nila lalo na yung kay Jess. Familiar na familiar, parang nakita ko na somewhere. Hindi ko lang matandaan kung saan.

"Ang cute niyo naman!" sabi ko kay Christian.

"Eh syempre. Pogi ngayon, cute dati, dapat!" sabi naman niya. Next page naman kami. puro pictures lang nilang magkasama na bata pa sila. Around kinder to grade 1 days. "Ang cucute niyo naman! Sana hindi ka na lumaki Christian!" sabi ko naman sa kanya at napasimangot naman siya sa akin.

"Syempre, joke lang. Hindi mabiro. O next page na!" sabi ko naman. Sumunod naman ang mga solo solo pics nila pero nauna kay Christian. Laughtrip nga eh. Andami niyang epic pictures puro mga stolen pero cute pa rin siya kahit sobrang nakakatawa na mga pictures niya.

"Bakit pati pag tae mo pinicturan?" tawa ako ng tawa habang tinatanong ko to. "Ewan ko ba kay Mommy! Eto! mas nakakatawa sa kapatid ko!" tawa naman siya ng tawa.

Pagturn na pagturn niya sa next page. Nanlaki agad mata ko. It can't be. "Tinanggal ni Jess yung isang pic kase ibibigay niya sa girlfriend niya dati." sabi ni Christian. Hindi ako makapagsalita sa nakita ko parang kinain ako ng sarili kong salita.

Hindi to pwede, Hindi pwedeng si Jeremy si Jess.

Kada lipat ni Christian, pataas ng pataas ang percent na si Jeremy nga ay si Jess pero paano? Naka dikit pa nga yung picture namin doon pero this is impossible talaga. Paano?

"Eto yung crush niya noon. Nakalimutan ko na pangalan neto e, tagal na kase neto! Yan din yung girlfriend niya noon. Ay ayon! Si Ace!" sabi naman ni Christian.

"Oo nga pala, ano naman ng status niya don sa girl? yung kay Ace?" tanong ko naman sa kanya. Or mali bang itanong ko sa kanya 'to kase baka magtaka siya? pero Okay lang, na tanong ko na eh, It's now or never. "I don't really know. I heard him na umiiyak last night at isa lang naman reason kung bakit.. dahil kay Ace." sabi naman niya sa akin.

Napatingin naman ako kay Christian, hindi ko alam magiging reaksyon ko. Nasabi na niya pangalan ko pero wala siyang idea na ako na yung Ace ngayon, sa Ace dati. Malaki ang pinagbago ko noon na halos hindi mo masasabi na ako 'yon nung bata ako.

TULOY PA RINWhere stories live. Discover now