Chapter 25

1 0 0
                                    

ACE'S POV

Ilang araw makalipas yung mga nangyari, I'm happy to tell you na nakalipat na kami ni Jace at ngayon naman ay nagbalak si Mommy na magbakasyon kami. Nung una hindi sana kami sasama kase si Jace may pasok pero pinagpaalam siya ng mabait kong nanay na hindi makakapasok si Jace ng isang linggo. O diba? ilang araw lang naman kami pero isang linggo dinahilan. Ang galing diba? Pinahihirapan anak ko.

"Ma, para saan nanaman ba 'tong bakasyon na to?" tanong ko naman kay mommy habang papunta na kami sa unknown place na surprise daw sa akin ni Mommy.

"Para naman makapagisip isip ka.. Hindi yung sa kwarto ka nagmemeditate palagi." sabi naman sa akin. How sweet of you, mother, to think of me after all these years.

"Bakit sa panahong sobrang naghihingalo na ako kay Jeremy, hindi mo nagawang isipin to? Bakit ngayong susuko na ako?" sabi ko naman sa kanya. Napatingin naman siya sa akin.

"Susuko ka na? Kaya nga tayo magbabakasyon para malaman mo kung tama na nga ba desisyon mo na kalimutan siya o hindi.." sabi naman niya sa akin.

"Okay, fine." may magagawa pa ba ako kung paguusapan nanaman namin ulit yung sa amin ni Jeremy? ay hindi pala sa amin, ako at si Jeremy, dahil walang kami.

-

Gaanong ba kabilis ang araw at pag mulat ko, aalis na kami. Ano pa nga ba namang aasahan ko kung wala na akong ginagawa kundi ang asikasuhin ko si Jace sa bahay.

"Ma, sabay na lang kami ni Jace sa car mo." sabi ko naman kay Mama habang kausap ko siya sa phone. Mas hassle kase kung kotse ko pa dadalhin, mapapagod lang ako, eh diba dapat kunin ko ang time na 'to para makapagrelax ako at sabi nga ng nanay ko Kaya nga tayo nagbakasyon para malaman mo kung tama na nga ba desisyon mo na kalimutan siya o hindi.

"Okay, sige. We're on our way there." sabi naman niya at binaba na niya ang tawag, mukhang nasa byahe na kase. Ayaw na ayaw ni mama na gumagamit siya ng cellphone kapag nasa kotse siya kahit pang hindi siya ang nagmamaneho. Nata takot siya sa mga pwedeng mangyari.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin sila Mommy. Agad ko namang sinakay gamit namin ninJaxe at pinapasok kaagad sa kotse si Jace. After non, umalis na rin kami. Natulog ako sa buong byahe namin. Wala pa kase akong tulog dahil kay Jace, sobrang tagal niyang umiyak dahil sa kanyang napanaginipan na hanggang ngayon hindi ko pa alam kung bakit.

Hindi ko alam kung anong oras na akong naka tulog pero nagising na lang ako nang maramdaman ko ang init at pawis sa katawan ko. "Nasan na tayo, ma? Ang init?" tanong tanong ko naman habang ako'y naka pikit at pinupunasan ang pawis sa leeg ko at padampi dampi naman sa aking mukha.

Napamulat naman ako ng tuluyan nang wala ng sumasagot sa akin. Wala na sila sa kotse. Ang galing ng nanay ko diba? Agad naman akong lumabas sa kotse at binasa ang bilang ko sa daliri na text message ni Mommy.

Hindi na muna kita ginising. Nasa loob na kami, Room 6 kayo ni Jace.

Napatigil naman ako nang mahinga ko ang fresh air. Langhap na langhap ko ang simoy ng hangin nang dahil sa beach. Ang sarap sa feeling, nakakawala ng problema.

Umalis kami nila Jace, nagpasyal muna kami. Kung gusto mong magpahinga. Matulog ka na muna sa kwarto mo.

TULOY PA RINWhere stories live. Discover now