Chapter 1.5

948 8 0
                                    

"Sir..."

Nagising ako nang may biglang humawak sa braso ko at agad naman akong natauhan nang maalala kong nasa eroplano ako at siguro ay nasa Manila na ako.

"Manila na?" Tanong ko agad sa stewardess na gumising sa akin.

"Opo." Ngumiti siya at ganun din ako.

Inayos ko na ang mga gamit ko at tuluyan ng lumabas ng eroplano. Sinuot ko ang aking shades at hila-hila ko ngayon ang luggage ko. Medyo madami ang aking dala dahil dito ako magbabakasyon. Bibisitahin ko ang aking mga kamag-anak at susunod ang aking mga magulang na nasa U.S sa isang buwan.

Nang makalabas ng airport ay agad akong naghanap ng taxi. Pinara ko ito at tinulungan ako ng driver na ilagay ang mga gamit ko dito. Pumasok na ako sa taxi at nagkatinginan kami ng driver.

"San po tayo?" Tanong niya.

"May alam po ba kayong hotel around here? Dun na muna siguro ako pansamantala."

"Sige po."

Habang nasa byahe ay di ko maiwasang makatulog at buti naman ay nagising ako bago pa kami makarating sa hotel.

"Sir, dito na po."

Inabot ko na ang bayad sa driver at kinuha ang mga gamit ko tsaka lumabas ng taxi. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang hotel. Yverson Hotel. Agad akong pumasok at nag-check-in dito. Mabilis ang service nila kaya nakakuha agad ako ng room. Sa 5th floor.

Nang makarating ako sa ika-limang palapag ay nahanap ko na agad ang kwarto ko. Nang sinususian ko na ang doorknob ay nakarinig ako ng tunog na ikinataas ng balahibo ko. Lumingon ako sa magkabilang banda at nanggagaling uto sa isang kwarto.

"Ooooh y-yeaaaah. F-fasteeer baby. Ugh ugh..."

Ungol. Ungol ang narinig ko at napatawa na lamang ako dahil dito.

"How I wish nandito si Erin." Sabi ko sa isip ko. Si Erin din ang dahilan kaya ako nandito sa Pinas. LDR kami at sa isang linggo ay balak ko siyang surpresahin para sa aming anniversary. May naisip na akong plano subalit hindi ko pa nasisimulan.

Binaba ko na ang mga gamit ko sa kama ng kwarto at hinubad ang suot kong damit. Naupo ako sa sofa at nagpahinga dito saglit. Kaharap ko ngayon ang t.v kaya naman naisip kong manood ng palabas. Pagbukas ng t.v ay bumungad ito sa balita. Ililipat ko na sana subalit naging interesado ako sa aking nakita.

"Soul Beasts nakamit ang 1st place sa naganap na Grand FOT 2016."

Yan ang nakita kong headline ngayon umaga. Dahil nga gusto kong matuto kung paano sumayaw para sa gagawin kong surpresa para kay Erin ay pinanood ko ito. Nalaman ko rin kung paano sila macocontact dahil kasama ito sa details ng balita. Agad kong sinave ang telephone number na iyon at nagmadaling maligo dahil excited na ako. Nang bihis na ako ay dinial ko na iyon at agad namang may sumagot. Hindi ko alam ang sasabihin ko noong una subalit naalala ko ang pangalan ng isa sa mga miyembro ng grupo na si Bailey kaya naman ito ang ginawa kong pambati. Kahit awkward, dahil pareho kami ng pangalan ay hinayaan ko nalang. Di pa naman kami magkakilala.

"Bailey?" Tanong ko nang walang kasiguraduhan.

"It's Bethany. What do you want from me?" Sagot ng babae sa kabilang linya.

Halata sa boses niya ang pagka-irita kaya bumati muna ako.

"Oh sorry, good morning nga pala."

At mukhang lalo pa siyang nainis.

"Ano nga kailangan mo? Tsk."

So, sinabi ko sa kanya na magpapaturo ako ng sayaw sa kanya at pumayag naman siya. Magkita nalang daw kami para mapagusapan ng mas maayos.

Ilang sandali pa ay nag-vibrate ang phone ko. Isang text galing sa unknown number.

"Kita tayo sa MOA, 11 am. Is it fine with you?"

Nalaman ko agad na si Bailey ay este, si Bethany iyon. Sinave ko ang number niya at agad na nag-reply.

"Okay. See you."

Ilang sandali pa ay napagpasyahan ko ng pumunta ng MOA dahil 10:30 na din naman. Sumakay ako ng taxi patungo dito at dumiretso sa Starbucks.

In the Name of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon