Chapter 10

581 8 0
                                    

Lahat ng kamag-anak namin dito sa Pinas ay sa side ng nanay ko. Fausto Family. May isang lugar dito sa Cebu na pagmamay-ari lang namin. Doon kami lahat nakatira bago pa mangibang bansa ang iba. Sobrang malawak ang lugar na yun.

Ilang sandali pa, pinark na ni Red ang kotse niya sa kanto at may dalawa pang nakaparada na sasakyan katabi nun. Nakita niyang pinagmamasdan ko yun kaya nagsalita siya.

"Kila Martin yan." Aniya.

Madilim ang daan patungo sa bahay, sa dulo lang nito ang may ilaw. Naaninag ko na ang magkakadikit naming bahay at mukhang tulog na ang mga tao dahil sa katahimikan ng lugar.

"Ehem!" Sigaw ni Red na ikinagulat ko.

Tinignan ko siya at siya nama'y nakangisi. Pinatigil niya ako sa paglalakad at maya maya pa ay nagbukas lahat ng ilaw sa lugar at naglabasan ang tatlo ko pang pinsan. Nagunahan silang lumapit sakin at nginitian ko naman si Red dahil dito.

"Kuya Bailey!" Sigaw ng dalawa kong pinsan na babae habang papalapit sakin.

"Baby girls!"

Sinalubong ko naman sila at agad niyakap.

"Bro!"

Nagulat ako nang biglang yumakap sakin si Martin at agad ko naman siyang tinulak.

"Ganyan mo ba ko kamiss? Hahaha."

Umamba pa itong hahalikan ako sa pisngi kaya tinulak ko na naman siya. Nagtawanan kaming lahat.

"Tumigil ka! Kadiri!"

"Parang wala tayong pinagsamahan." Aniya.

"There was never an us, Martin."

Nagkatitigan kami habang seryoso ang mga mukha subalit hindi na din naming mapigilang matawa.

Nagtungo kami sa isang kubo sa likod ng mga bahay. Nauna na kaming mga lalaki dahil kukuha pa daw ng pagkain sina Rianne at Irene.

"Kamusta dito?" At tinignan ko naman ang dalawa.

"Masaya. Daming kaibigan nung dalawa na chix." Aniya ni Martin at nag-brofist sila ni Red.

"Pakilala niyo ako." Sabay tawa ko.

"Bro, niloko pala tayo ni Erin. Sabi niya diba matagal na silang break neto. Eh ngayon lang pala."

Napakunot ang noo ni Martin.

"Matagal na kong may hinala dyan. Ayaw naman makinig neto!"

Sabay siko niya sa dibdib ko.

Dumating na ang dalawa na may dalang mga chichirya at isang bucket ng San Mig. Inabutan nila kami ng tig-iisa.

"Kuya, ngayon lang kayo nagbreak ni Erin?!" Gulat na tanong ni Irene habang nakatingin sakin.

"Anniversary pa nga namin ngayon kaso may kapalit na pala ako." Pinilit kong tumawa kahit naalala ko na naman ang mga nangyari kanina.

Bigla niyang tinignan ng masama si Martin na kapatid niya.

"Diba sabi ko sayo sabihin mo yung nakita ko?! Walang kwenta ka talaga!" Aniya.

"Anong nakita?"

Nagkatinginan ulit kami ni Irene.

"Kuya, last month pa may bago si Erin. Lagi ko silang nakikita na magkasama dyan sa tabi tabi." Aniya.

"Nung nakita ko din sila, matagal na yun eh, sabi niya sakin break na daw kayo. Edi naniwala naman ako." Dagdag pa ni Rianne.

"Bakit di niyo sinabi sakin?" Tinignan ko ngayon si Martin at siniko siya ni Red dahilan para magkatinginan kami.

In the Name of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon