Chapter 23

112 1 0
                                    

Agad na nagising ang aking diwa sa hindi matukoy na dahilan. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata. At sinubukang damahin ang sariling temperatura. Mukhang mas maayos kumpara sa kahapon.

Inayos ko ang kama at nagtungo sa banyo upang makapaligo.

Agad akong nag-ayos ng sarili at nagpalit ng damit nang makalabas sa banyo. Doon lamang ako nakampante na silipin ang labas.

Bumungad sakin ang napakaayos at tahimik na lugar dito sa parte ng unit. Nilibot ko ang paningin sa buong lugar at napansin ang isang liham na nakapatong sa lamesa. Agad ko itong kinuha at binasa.

"Drink your meds. And if ever you feel better, there's a car waiting for you outside. From Dom."

Napalunok ako at natulala saglit. Pumasok ulit ako sa kwarto at muling nagpalit ng maayos na damit. I wore my red cocktail dress and black high heels. I even straighten my hair. I just feel like something important will be happening.

Isang oras matapos ang preparasyon at paglalakbay mula sa unit ay nakita ko agad ang isang white limousine sa tapat nitong building. Halos lahat ng tao na dumadaan ay napapalingon doon. Hindi ko alam kung lalapit na ba 'ko doon o babalik nalang sa taas. Nahihiya ako.

Nagmamadali akong lumakad palapit sa kotse at laking gulat ko nang bumaba ang driver at pinagbuksan ako ng pinto. I smiled at him before coming in.

"Bagay na bagay po sa inyo ang inyong suot." Ani driver at nginitian ko siyang muli bilang sagot.

Tahimik lang ang buong byahe namin, tanging ang tugtog sa kotse ang maririnig. At dahil nga curiosity is killing me,

"Sir, saan po tayo?"

He smiled and then cleared his throat before answering.

"Malapit na, ma'am. Congratulations in advance." Aniya.

Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Now, I'm more curious. Ilang sandali pa at mukhang nakarating na kami sa aming hantungan. Pinarada niya ang kotse at pinagbuksan muli ako ng pinto. Huminga ako ng malalim bago lumabas.

Pinagmasdan ko ang buong lugar. Isang magarbong mansion na kulay itim at pula. Tanging ang sinakyan kong kotse ang nakaparada malapit doon. Kapansin-pansin din ang hardin ng mansion na nasa gilid lang nito. Lumapit ako doon at agad na nakapukaw ng aking atensyon ang mga rosas na iba't ibang kulay. Nilibot ko ang buong hardin, halos lahat ng uri ng bulaklak ay nandoon. At nagbabaka sakali na rin na may makitang hardinero. Dahil sa gantong kalawak ay hindi pwedeng mawalan.

"Ash!!!!!" Sigaw ng isang pamilyar na boses. Sa gulat ko ay agad akong napalingon.

Sinalubong ko si Bella na papalapit na rin sa akin. Nagyakapan kami at sabay na lumabas ng hardin.

"Bakit ka nandun? Kararating mo lang ba?" Tanong niya.

"Oo- Teka nga, nasan ba tayo? Anong meron ngayon? Bihis na bihis ka ah."

"So, hindi mo alam?" Tumawa siya.

"Kaya nga nagtatanong." Inirapan ko siya.

"Malalaman mo rin." Aniya.

Tumango nalang ako bilang sagot. Wala rin akong mapapala kung magtatanong pa ako. Paniguradong hindi niya sasagutin ng maayos.

"Sino pang nandito?" Tanong ko nang tumigil kami sa paglalakad at naupo sa isang bench, kaharap ng fountain na sentro ng lugar.

"Everyone." Aniya.

"What do you mean?"

"Can you just wait?" Medyo iritado nyang tanong.

So I shut my mouth.

Ilang sandali pa, bumukas ang pinto ng mansion at doon sunod-sunod na lumabas si Irwin, si Mommy, parents ni Dom, si Daddy at ibang bisita na hindi familiar sakin. Lahat sila ay malalaki ang ngiti at nakatingin sa akin. Very formal ang mga suot nila. Laglag ang panga ko hanggang sumarado ang pinto at nagtaka. Nasan na yung hinihintay ko?

Hinawakan ni Bella ang kamay ko at saka lang ako natauhan. Hindi parin nagsi-sink in sa akin ang nangyayari. Napalunok nalang ako nang tumahimik sila.

"Bethany, anak, I'm so happy for you." Ani mommy. Sinuklian iyon ng lahat ng ngiti.

Kumunot lang ang noo ko.

"Welcome to our family!" Bati ng mommy at daddy ni Dom.

Someone cleared his throat before speaking.

"First of all, ang ganda mo ngayon, anak. And I just want to apologize for everything I did wrong to our family. I'm sincerely sorry. But I'm happy for you as well." Pilit ang kanyang ngiti.

Namuo ang luha sa mga mata ko habang nakikinig sa kanya. How I missed you daddy!

"I'm more happy that everything's fine now, dad." Sagot ko sa kanya.

Nakita kong nagpupunas ng luha si mommy habang naka-ngiti parin. I know what you feel, mom.

Nabasag ang kadramahan namin nang may tumugtog na concert band malapit sa kinatatayuan namin. Hindi familiar sa akin ang kanta subalit napaka gandang pakinggan lalo na't live nilang tinutugtog.

Chopin - Spring Waltz (Mariage d'Amour)

Sa kalagitnaan ng kanilang pagtugtog ay sumulpot ang isang matipunong lalaki na naka suot ng suit and tie. Hindi ko mapigilang tumitig sa kanya. Abot tenga ang kanyang ngiti habang naglalakad patungo sakin?

Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na sya at inabot nya sa akin ang bouquet ng mga rosas. Napakabango ng halimuyak nito. Si Bella na nasa tabi ko ang kumuha nun para sakin at sinadya nya akong dalihin saka lamang ako natauhan. Nginitian ko si Bella at lumayo na sya samin.

"A-anong ibig sabihin n-nito?" Tanong ko sa kanya.

Nanatili ang ngiti sa kanyang mukha at pinatapos niya ang pagtugtog ng banda.

"Bethany Ash Idanelle L. Yver... Hmm ulitin natin, parang mas bagay, Bethany Ash Idanelle Y. Dominic..." Tumawa sila.

"Una kitang nakilala sa larangan ng pagsayaw, para kang tugtog at ako ang iyong mananayaw, marinig lang kita, titigil ang mundo ko at ikaw lang ang magiging laman ng isip ko. Walang ibang gagawin kundi sumunod sa nadarama habang pinapakinggan ang magandang tugtog na tila nagbibigay buhay sa akin." He cleared his throat.

"Bethany, this is it. There's no going back, no jokes. I'm putting my heart into this. Can you be my wife?" Aniya sabay luhod sa harap ko.

Wait, what? Ilang segundo bago nag-sink in sa akin lahat ng sinabi nya ngunit ang mga huling kataga ang tumatak sa akin. Sa di malamang dahilan ay tumulo ang luha ko.

He pulled out the ring while sincerely smiling at me.

I gave my hand. "YES!"

Nilusot nya ang singsing sa daliri ko nang mabilis bago tumayo at niyakap ako ng sobrang higpit. Pumalakpak sa tuwa ang lahat at muling tumugtog ang banda. Habang magkayakap kami ay naaninag ko sa madilim na langit ang fireworks. Pinagmasdan ko ito habang patuloy ang pagtulo ng luha ko. I'm just so happy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In the Name of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon