Chapter 9

488 8 0
                                    

"Ladies and gentlemen, we have started our descent in preparation for landing. Please prepare yourselves..."

Nagising ako nang marinig ito mula sa flight attendant at agad na inasikaso ang mga gamit ko. Sinukbit ko sa balikat ang backpack ko. Tuluyang naka-landing ang eroplano at nagbabaan ang lahat ng pasahero. Bago ako makababa ay may isang lalaking humarang sa daan at tinitigan ako ng masama bago tuluyang umalis. Wala akong ideya kung sino yun kaya hindi ko na pinagtuunan ng pansin.

I missed Cebu.

Isang sakay nalang at mararating ko na ang venue kung saan ko gustong mangyari ang anniversary namin.

Cattleya Resort.

Hindi gaanong malawak ang lugar, sapat na ito para sa aming dalawa ni Erin. Baka mabuntis ko siya dito ng di oras sa sobrang pagka-miss ko sa kanya. Nagpatulong na ako sa mga staff doon para mapadali ang gagawin ko. May lamesa at dalawang upuan sa pinakagitna ng resort. Doon nakalagay ang mga letters na gawa ko at ang bouquet of rose. Ang buong lugar ay napalibutan nang balloons na iba ibang kulay at ang iba ay mayroon pang mga picture namin na nakadikit. Ilang sandali pa ay handa na rin ang pagkain. Siya nalang ang kulang. Sobrang excited na ako.

Pinabantayan ko muna ang lugar sa staff doon at nagdesisyon na sunduin na si Erin sa bahay nila. Wala siyang kaalam alam na nandito na ako. Pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa kanila. After 20 mins, nandun na ako sa kanto nila. Madami ng pinagbago ang lugar pero saulo ko parin naman ang bahay nila. Kulay blue at white ang gate at pintura nun. Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang bahay nila.

Bigla namang lumabas si Erin na siyang ikinagulat ko. Nagtago ako sa isang tabi doon at hinintay na lamang siyang makalapit subalit parang may hinihintay pa siya. Biglang may lumabas na lalaking matangkad at humawak sa bewang ni Erin. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko subalit pinagmasdan ko parin ang dalawa. Pinaglapit ng lalaki ang mukha nila ni Erin at ninakawan siya ng halik. Napatawa naman si Erin at hinalikan din ang lalaki sa labi. Hindi na pumalag ang lalaki at hinigit niya ang katawan ni Erin palapit sa kanya. Lumalim na ang kanilang paghahalikan. Hindi ko na kinaya ang nakikita ko. Lumabas ako sa aking pinagtataguan at nagmadaling lumapit sa kanilang dalawa. Talagang wala silang pake at patuloy parin ang paghahalikan kahit na may ibang tao ang nakakakita.

Sa sobrang galit ko, nasapak ko yung lalaki sa panga at natumba naman siya. Tinitigan ko sila pareho at halata sa mukha ko ang galit. Tinulungan pa ni Erin tumayo ang lalaki bago humarap sakin. Pumagitna siya saming dalawa at agad ko siyang hinawakan ng madiin sa braso.

"B-bailey? A-anong ginagawa mo dito?" Aniya na hindi makatagal sa pagtitigan namin.

Hinigit ko ang damit ng lalaki at tinignan siya sandali. Lahat ng lakas ko ay naibuhos ko nang suntukin ko siyang muli sa mukha. Ngayon, naiiyak na si Erin at mas pinili niya paring tumabi sa lalaking yun.

"Sino yang gagong yan, Erin?!"

"Tignan mo ako ng diretso! Putangina!"

Halata sa mukha niya ang sobrang pagkatakot at unti-unting inangat ang mukha at nagkatinginan na kami.

"Ano wala kang balak sumagot?!"

"Tol, babae yan." Singit ng gagong lalaki na yun na nakahandusay parin sa sahig.

"WAG MO KONG MATAWAG-TAWAG NA TOL. PUTANGINA MO! ERIN SUMAGOT KA KUNG AYAW MONG PATAYIN KO YANG LALAKI MO!"

"B-boyfriend ko siya, Bailey."

Ramdam ko na ang namumuong luha sa mga mata ko subalit ayokong magmukhang nasasaktan. Gusto kong ipakita na galit talaga ako!

"Kailan pa, Erin?! Ang galing mo din lumandi eh no. Ngayon pa talagang anniversary natin. Tanginang yan!" Napasuntok ako sa pader at ngumisi kahit na sobrang sakit ng nangyayari ngayon.

In the Name of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon