Chapter 20

425 5 0
                                    

Nandito kami ngayon sa isang restaurant dahil gusto nilang mag early celebration para sa magaganap na kasal.

"Mom, where's dad?" Bulong ko kay mommy na katabi ko lang. Sa isang tabi ko naman ay doon nakaupo si Dom at nasa tapat namin ang kanyang mga magulang.

"He insisted to manage the hotel while I'm busy with the other businesses. So, yeah." Aniya.

Tumango nalang ako at ilang sandali pa ay dumating na ang inorder nilang pagkain.

Nagsimula kaming kumain, konti lang ang kinuha ko dahil wala talaga ako sa mood na kumain. Natigilan ako ng biglang,

"Uhm, m-may dumi ka." Ani Dom.

"Saan?" Kinapa ko ang buong mukha ko.

Bigla ko nalang naramdaman ang daliri niya sa may labi ko at pinunasan ito. Tinignan ko siya at siya nama'y nakangiti. Pansin ko rin ang pagngisi nung tatlo kaya umiling ako at nagpatuloy sa pagkain.

Nabasag ang katahimikan nang bigla siyang magsalita.

"So, what's the plan?" Aniya.

"The wedding is set next, next week. The reception would follow in Cattleya Resort." Ani mommy.

"Hija, for your wedding dress, sabihan mo ako ng gusto mong design kasi may friend akong magaling na designer." Dagdag pa ng mommy niya.

Tumango at ngumiti nalang ako bilang sagot.

"What about mine?" Aniya.

"Oh, ako ang pumili ng suit mo." Singit ng daddy niya. Ngumisi sila sa isa't isa.

"Anyway, sino ba yung kinuha mong designer?" Ani mommy.

"Si Charlien. You know her?"

"Omg! Charlien Lala?!" Oa na sagot ni mommy.

"Yes! I knew it!"

Nag-high five sila habang bakas sa mga mukha ang saya. Weird.

Lumabas na kami ng restaurant matapos naming kumain at magpahinga.

"Dom, Bethany, we have a gift for the two of you."

Napatingin kaming dalawa sa aming mga nanay.

"We bought you a condo! Doon na kayo mag-stay. And after the wedding, we'll buy you a house."

Napanganga ako sa narinig ko. What? It means magsasama kami sa isang bahay? No way! Napalunok muna ako bago magsalita.

"Uhm, isn't that too much?"

"Bethany, it's nothing. You don't have to worry."

"So, Dom?"

"I liked it, mom. Thank you."

Nilingon ko siya at naabutan siyang nakangisi.

"So, diretso na kayo dun. We'll go ahead." Sabi ng daddy niya.

"Let's go, Bethany." Ngumiti at naglahad siya ng kamay sakin.

Tinignan ko si mommy at nakangiti lang siya habang pinagmamasdan kami kaya pumayag na din ako. Nang makaalis sila ay doon ko siya kinausap.

"Pumayag ka talaga ha?" Umirap ako.

"What's wrong with that? Ayaw mo ba 'kong makasama?" Aniya.

"Hindi naman. Sobrang ayaw lang."

"Wala ka ng magagawa."

Tinalikuran na niya ako at nauna na sa loob ng kotse. Sumunod nalang ako at agad din niyang pinaandar ito.

After several minutes, nahanap na namin ang location ng condo. Malayo talaga sa bahay namin, ha. Pinark na niya ang kotse at sabay kaming lumabas doon at naglakad papasok ng building.

"23rd floor. Hm." Napasinghap siya at natigil kami sa tapat ng elevator.

"Doon yung atin?" Nahihiya ko pang tanong.

"Yup, taas noh. Bakit, gusto mo na bang  magpahinga?" Aniya at tumingin sakin.

"Hindi naman."

Tumunog na ang elevator hudyat na makakapasok na kami. At kung minamalas nga naman, kaming dalawa lang ang tao dito. Nabalot ang lugar ng katahimikan. At dahil hindi pa niya napipindot ang floor na pupuntahan namin ay napagpasyahan kong ako na ang gumawa nun dahil ako ang mas malapit. Nagulat naman ako nang biglang pumatong ang kamay niya sa aking kamay, marahil ay yun din ang gagawin niya. Agad kong binawi ang kamay ko at hayaan na siya nalang ang gumawa nun.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa 23rd floor. Nauna na akong maglakad at nakita ko naman agad ang amin. Hinintay ko nalang siya dahil nasa kanya ang susi. Pagkabukas ng pinto ay agad akong pumasok at naghanap ng pinakamalapit na pwedeng higaan at humiga ako doon.

"Finally!" Sigaw ko at bahagyang napapikit.

"So, dyan ka? Ako sa kama?" Aniya kaya't agad akong napamulat. Binigyan ko siya ng masamang titig.

"What?" Aniya.

"You really think ganun yung set up? Syempre, ako sa kama."

"I object."

"Kasya ka naman dito sa sofa. Wag kang maarte."

"Wag ka ding maarte. Tabi nalang tayo, sa ayaw o sa gusto mo."

Lalong sumama ang tingin ko sa kanya.

"No!"

"Yes!"

"No!"

"Yes!"

"I said no!"

"Fyi, Mrs. Dominic, hindi lang sayo ang condo na ito."

"Anong sabi mo?"

"Nevermind. Halika na." Aniya at agad akong hinila papasok ng kwarto. Nagpadala nalang ako at agad naman siyang nahiga nang makarating kami doon.

"Finally!" Aniya.

"Gaya gaya." Umirap ako sa kawalan.

"Ano? May sinasabi ka?"

"Wala. Para kang ano dyan."

"Tabihan mo na ako."

At dahil nga hindi ako nakatingin sa kanya ay nagulat ako nang bigla niyang hilahin ang kamay ko na naging dahilan ng pagpatong ko sa kanya. Napanganga ako subalit agad din itong sinara nang mapansing nakangisi siya habang nakatingin sakin.

"Pervert!" Umalis agad ako sa ibabaw niya at hinampas ang dibdib niya. Narinig ko naman na tumawa siya.

Tumalikod ako sa kanya at halos hindi makagalaw dahil hindi ko alam ang iniisip ng isang 'to. Baka mamaya, mauna pa honeymoon kesa sa kasal.

"Good night..." Aniya na ikinagulat ko.

Hindi ko siya pinansin subalit muli siyang nagsalita.

"Gising ka pa... I know."

Agad ko siyang hinarap dahil sa iritasyon.

"Matulog ka na. Please!"

"Why? Are you planning something while I'm asleep?" Aniya sabay ngisi.

"Yuck! Mas safe kasi kung una kang makakatulog. Alam mo na."

"Wala naman akong gagawing masama sayo."

"Whatever." Umirap ako at tumalikod na ulit. Pinikit ko ang mata ko at sinubukang matulog na.

Ilang sandali pa, hindi parin ako dinadalaw ng antok. Pagod ako pero hindi inaantok. Argh! Natigilan ako sa pag-iisip ng maramdamang dumapo ang kanyang kamay sa bewang ko. Nanigas ang katawan ko at nanlaki ang mga mata. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at naabutan siyang TULOG NA. Mabuti naman. Gumalaw-galaw siya na naging dahilan nang paglapit ng katawan namin, yakap na niya ako ngayon. Hindi ko mapigilang pagmasdan ang halos perpekto niyang mukha. Lalo siyang pumuti at ang kanyang mga labi, mapupula parin na kaysarap halikan. Sobrang tangos ng kanyang ilong na kung hindi ako lalayo ay magkakalapit na din ang aming mukha. Sa aking ginagawang pagmamasid, nakaramdaman ako ng antok.

In the Name of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon