Chapter 22

958 16 13
                                    

Hinilig ko ang aking ulo sa resting chair at sinuot ang sun shades glasses. Nandito kami ngayon sa loob ng gazebo malapit sa swimming pool. Nag-aya siyang mag-swimming at pumayag naman ako dahil hindi mapagkakaila na mainit nga talaga ang panahon.

"What do you want? Cocktail? Juice?" Aniya.

"Anything." Simple kong sagot.

Inutusan niya ang maid na namamahala doon at ilang sandali pa ay bumalik ito dala ang dalawang baso ng orange juice. Inabot niya sakin ang isa.

"Thanks."

Pagkatapos ko itong inumin ay napagpasyahan ko ng lumangoy. Tumayo ako then removed the towel on my body and stretched my back. Now, my two piece is exposed.

Pinagmasdan ko ang 5ft na swimming pool. Huminga ako ng malalim at tumalon na doon. Sumisid pa ako saglit bago tuluyang umangat para humagilap ng hangin. Bumaling ako sa gazebo. Napakunot ang noo ko nang makitang wala siya doon.

Halos mapatalon ako sa gulat nang maramdamang may yumakap sakin mula sa likod. Hindi ko pa siya nakikita ay alam ko na kung sino yun.

"D-Dom?" Nauutal kong utas.

"Hmm?" Halos paungol niyang sagot.

Napalunok ako.

"Anong ginagawa mo?"

"Gusto lang kitang... yakapin. May masama ba roon?" Aniya.

"Habang ganto talaga? Can't you see I'm wet?"

I heard him chuckle.

Agaran niya akong inikot at hinarap sa kanya. He wrapped my arms around his neck and he placed his on my waist. Nag-iwas ako ng tingin habang pinagmamasdan niya ako. He then playfully smiled and pulled me closer to him. Hinawakan niya ang baba ko na naging dahilan ng pagtitinginan namin. I feel so awkward in this damn position. Hindi ko na namalayan ang sumunod niyang ginawa dahil bigla ko nalang naramdaman ang kanyang labi sa akin. Pinilit kong pumalag subalit nadadala ako sa mapupusok niyang halik tila ba gusto na din ng aking labi na gantihan 'yon at yun na nga ang ginawa ko. Ginantihan ko ang kanyang halik at napapapikit ako sa sensasyong nadarama. Unti-unti ay naging mahinahon ang kanyang paghalik kaya't sinabayan ko siya. Ilang sandali pa bago ako kumawala at agad na lumayo sa kanya.

Umahon ako at bumalik sa gazebo. Ramdam ko ang matatalim niyang tingin sa akin kahit hindi ako direktang nakatingin sa kanya. Nakatulala ako.

"Let's go. You might be cold." Nilagpasan niya ako.

Kinuha ko ang aking mga gamit at sumunod sa kanya hanggang makabalik sa aming kwarto. Nauna siyang naligo at nagpalit ng simpleng white shirt at boxers na hindi gaanong maselan.

"Oh baka may nakalimutan ka pa sa loob. Kunin mo na."

Tumingin siya sakin habang naka-kunot ang noo.

"What?"

"Maligo ka na." Malamig niyang sagot.

Umiling ako at sinunod ang sinabi niya. Mabilis akong natapos at doon na rin nagbihis. I'm wearing a gray leggings and sweatshirt. I don't know but I suddenly feel cold. It's been awhile since I last swim. Siguro ay nanibago lang ako. Umupo ako sa sofa na inuupuan din niya. Nakatuon ang kanyang atensyon sa telebisyon. Pinagmasdan ko siya subalit hindi ko parin nakukuha ang atensyon niya kaya bumaling nalang din ako sa kanyang pinapanood.

"3...2...1. Whooooo!" Napatalon siya sa kanyang inuupuan nang maka three points ang isang player sa last second ng laro. Siguro ay kampi siya doon. Hindi ko mapigilang matawa sa reaksyon niya kaya nakuha ko ang kanyang atensyon. Nagtaas siya ng kilay sakin.

In the Name of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon