Ramdam ko na ang namumuong luha sa mata ko nang talikuran ko sila. Pumasok ako sa office ko at napaupo sa sahig. Hindi ko na mapigilang maiyak. Tama si Zac. Magkasama nga sila. Hindi na din ako nagtaka na kayang gawin yun ni Dom dahil una palang nga, niloko na niya ako. I guess, I need much time away from him. Hindi ko na alam kung may nararamdaman pa akong pagmamahal sa kanya dahil sa sunod-sunod niyang kasalanan sakin. Ni hindi niya man lang nagawang magtext kagabi para mag-explain at kamustahin ako. Kaya naman pala, magkasama sila ni Erin at mukhang may nangyari pang iba. Hindi yun imposible. Pwes, bahala sila sa buhay nila.
Natauhan ako nang may biglang kumatok sa pintuan. Pinunasan ko ang mukha ko at inayos ang sarili bago pagbuksan kung sino man yun.
"Ma'am, sorry po sa abala. Pero nag-eeskandalo na po yung lalaki sa labas. Gusto niya daw po kayong makausap." Aniya.
"Sige, hintayin niyo ako dyan sa labas."
At sinara na niya ang pinto.
Pinagiisipan ko pa kung bibigyan ko ba siya ng chance na makapag-explain dahil hindi ko din naman alam ang buong pangyayari pero nangingibabaw parin ang pride ko. Huminga ako ng malalim at lumabas sa office.
Natigil siya sa pagpalag sa mga guard doon nang makita ako. Napangiti siya at diretsong nakatingin sakin. Nang papalapit na ako ay naaninag ko si Zac na palapit din sa kanya kaya napatigil ako sa paglalakad. Pinaharap ni Zac si Dom at agad na sinuntok sa mukha. Mabuti at naawat sila ng guard bago pa makaganti si Dom.
"Fuckboy, huh. Ayaw ka ng makita ni Bethany! Lumayas ka na dito!" Sigaw ni Zac sa kanya.
"Hindi! Ayan na siya oh!" Sabay turo sakin ni Dom.
Napalunok ako at lumapit sa kanila. Sinenyasan ko ang mga guard na umalis muna at hayaan kaming tatlo doon.
"Oh, you have 5 minutes to explain. Simulan mo na."
Akmang yayakapin niya ako subalit hinawakan siya ni Zac sa braso at agad naman siyang pumalag.
"Ano ba?!" Ani Dom.
"Tama lang yung ginawa niya. Wala kang karapatan na lumapit sakin."
"Pero diba 'tayo'?" Diretso ang tingin niya sakin ngayon.
"Noon yun, ewan ko ngayon."
"No, Bethany. TAYO PARIN DIBA?" Aniya.
"This is not about us. Gusto ko lang marinig ang explanation mo tungkol sa nakita ko."
"Bethany... uhm... pumunta akong bar kagabi dahil sa mga nangyari at nalasing ako." Aniya.
Nakataas lang ang kilay ko at hinintay pa ang sasabihin niya.
"Tapos nagkita kami ni Erin. Actually, di ko talaga alam na si Erin yun dahil lasing ako. Tapos..."
"Tapos may nangyari na sa inyo?" Singit ni Zac.
Nagiwas siya ng tingin sakin at hindi na nakasagot. Alam ko na.
"Okay, that's enough. Pwede ka ng umalis." Nginitian ko pa siya.
"Pero Bethany, nilandi kasi ako ni Erin." Aniya.
"Nagpalandi ka naman. Hay nako!"
Tinalikuran ko na siya at sumunod si Zac sakin. Sinenyasan ko na ulit yung mga guard na palayasin siya doon.
Inakbayan ako ni Zac habang sinasabayan sa paglalakad at narinig ko ang biglang pagsigaw ni Dom.
"Don't you dare touch my Bethany!" Aniya.
"She's mine now, bro!" Sigaw pabalik ni Zac.
Siniko ko si Zac at napatawa kaming dalawa. Pumunta ulit kaming office para magpalamig. Hindi magpainit ah. Nakaupo lang kaming dalawa sa sofa dun at nakatingin sa kawalan. Tanging tunog lang ng aircon ang maririnig.
BINABASA MO ANG
In the Name of Love
RomansaIn the name of love, their worlds will suddenly meet. One will fall while the other one is still in love. But then again, are they really the one for each other?