Chapter 16

385 8 4
                                    

Umupo si Erin sa tabi ko at sinusubukang patahanin ako. Wala na atang katapusan ang pag-iyak ko. Oo, siya ang may kasalanan kung bakit nangyari 'to sa amin ni Bethany pero wala na akong oras para magalit pa sa kanya. I just want Bethany back and I would do anything for it to happen even if it takes forever para mapatawad niya ako. Ngayon pa't mukhang nagkakamabutihan na sila ni Zac.

"Dom, it's getting late. Tayo na." Ani Erin at hinihigit ang kamay ko.

Nagpahigit nalang ako sa kanya at ilang sandali pa ay nakasakay na kami sa kotse niya. Sa wakas ay tumigil na sa pagpatak ang mga luha ko. 

"Dom... I'm really sorry for what happened. This is my fault." Aniya.

"No, this is really my fault and I deserved this."

Tinignan ko siya at bakas sa kanyang mukha ang pagsisisi sa nangyari. Alam kong mahal parin niya ako kaya niya ginagawa 'to.

"Where would you like to go? Sa bar? Resto?" Aniya.

"I think I need to drink the pain away." Sumulyap ako sa kanya at napangisi siya.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa isang bar, Thanatos Chainz.

Hinila ako ni Erin papasok dito at nakuha namin agad ang atensyon ng ilang mga tao. Dumiretso kami sa may bartender at umupo doon.

"One bottle of Bacardi."

Inabot agad ito samin kasabay ng dalawang shot glass. Sinalinan na ito ni Erin at nag-toss muna kami bago ito ininom. 

Mabilis namin itong naubos at ramdam ko na ang pagka-tipsy ko. Blurred narin ang paningin ko. Ilang sandali pa, nahulog si Erin sa may hita ko at agad ko siyang nasalo. Lasing na ata ang isang 'to.

"D-dom..." Aniya.

"Uwi na tayo?"

"I-I love you..."

"You're drunk." Napangisi ako.

Inangat niya ang kanyang ulo at nagkatitigan kami saglit, agad ko na siyang sinunggaban ng halik dahil alam ko namang yun din ang gusto niya. Gumanti siya sa halik ko hanggang sa lumalim na ang aming paghahalikan at ramdam kong samin na naman naka-pokus ang atensyon ng mga tao. Lumayo na ako at ngumisi sa kanya.

"Whoooo! More!" Sigaw ng mga tao doon.

Napabaling ang tingin ko sa isang grupo ng mga tao na kakapasok palang. Pamilyar ang mga mukhang iyon. Naaninag ko si Zac at Bethany na magkahawak kamay kaya agad kong hinila palapit si Erin at muli siyang hinalikan. Nagulat siya sa ginawa ko subalit nakuha parin niyang sumabay sa galaw ko. Ramdam ko ang pagkasabik niya sa akin. Dinilat ko ang aking mata at nakita kong nakaupo na sila sa VIP section ng club, mukhang hindi pa nila kami napapansin.

Tumayo ako at hinila si Erin sa dance floor at muli ko siyang hinalikan. Pinaglapit ko ang aming katawan at nilagay ko ang mga kamay ko sa bewang niya. Ang galing niya talagang humalik kaya mas lalo akong naging uhaw sa labi niya. Halos mapunit ang kanyang labi sa pagsipsip at paghalik ko nang todo dito.

Lalong naging wild ang mga tao sa dance floor pero hindi parin kami natitinag sa paghahalikan. Nadadali na kami ng ilang tao subalit hindi ito naging hadlang. Mas ginalingan pa namin ang aming ginagawa.

Ilang sandali pa, lumayo si Erin para lumanghap ng hangin dahil mukhang hindi na siya makahinga sa tagal naming magkahalikan. Napangisi ako at ganun din siya.

"Erin, for the second time, i'm all yours."

"I knew it!" Ngumisi ulit siya at niyakap ako ng mahigpit.

Niyakap ko siya pabalik at ramdam ko ang luha niyang tumutulo sa leeg ko. Ramdam ko ang saya niya. Mahal nga talaga niya ako. Inikot ko ang aking paningin sa buong club at naabutang nakatingin samin si Bethany. Agad siyang nag-iwas ng tingin nang magtama ang aming mata.

Hinarap ko si Erin at hinalikan ang kanyang noo. Pinunasan ko ang kanyang pisngi gamit ang daliri ko.

"I love you, Erin."

"I love you, Dom." Aniya.

In the Name of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon