Chapter 21

412 8 0
                                    

Nagising ako nang may malanghap na masarap na amoy kung saan. Minulat at kinusot ko ang mata ko. Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto at ako nalang pala ang nandun. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto.

Tumambad sa akin ang isang lalaking nakahubad habang nakaharap sa stove. Is he cooking for me? Nagulat ako nang bigla siyang lumingon at agad na nagtama ang aming mata kaya umiwas ako ng tingin at dumiretso na lamang sa may dining. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti tuwing sumasagi sakin isip ang ginagawa niya. Call me weird but that's what I'm feeling.

Ilang sandali pa, mukhang natapos na siya sa pagluluto. Nilapag niya ang isang bowl sa lamesa.

"Chicken Curry. Tikman mo." Aniya at naupo na din sa tabi ko.

"M-marunong ka pala magluto."

"I never said I can't."

As what he said, tinikman ko yung luto niya. Hindi na 'ko nagtaka na masarap nga ito.

"Hm?" Aniya.

"M-masarap."

Napansin ko ang pag-ngisi niya. Tumayo siyang muli at pagbalik niya ay may dala na siyang dishware. May kanin na din ang pinggan bago niya ilapag sa harap ko.

"T-thanks." Sabi ko at kumuha na ng ulam at nagsimulang kumain.

"Bakit ka ba nauutal? Nahihiya ka ba sakin?"

"Parang ganun na nga."

"Well, don't be. We're gonna be married soon tapos ganyan ka pa." Aniya at napansin ko ang kanyang pag-nguso. Kinagat ko ang labi ko upang pigilin ang pagngiti.

"Sorry." Yan nalang ang nasabi ko.

Nabalot kami ng katahimikan habang kumakain hanggang matapos. Nagkatinginan kami.

"A-ako na maghuhugas."

"Hindi na. Aalis tayo."

"Saan tayo pupunta?"

"Your mom called awhile ago. Meeting daw ulit."

Niligpit ko ang pinagkainan namin at paglingon ko ay saktong pagpasok niya sa banyo. Bumalik ako sa kwarto upang ihanda ang susuotin ko. Ilang sandali pa, lumabas na ako ng kwarto at sakto namang paglabas din niya sa banyo. Nakatapis ang tuwalya sa kanyang baywang. Hindi ko mapigilang titigan ang kahanga-hangang ganda ng kanyang katawan. Six pack abs at matikas ang kanyang pangangatawan. Magulo ang kanyang buhok at dahan-dahang bumabagsak ang tubig dito patungo sa kanyang katawan.

"Laway mo..." Natigil ako sa pagpapantasya sa katawan niya nang bigla siyang nagsalita. Napatingin ako sa kanya at napansin ko ang malapad niyang pag-ngisi. Nilagpasan niya ako at dumiretso sa kwarto. Nagtungo naman na ako sa banyo.

Mabilis akong natapos at doon na rin nagbihis. I'm wearing a white dress. Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko siyang nakatalikod with his phone on his ear. He's just wearing a white vneck shirt and maong pants pero bakit ang lakas parin ng dating. Hindi ko na siya inistorbo at hinintay na lamang matapos ang kanyang phone call. Ilang sandali pa,

"Let's go?" Aniya at nagtaas ng kilay.

Tumango ako at hinawi ang buhok. Nauna na akong lumabas ng kwarto.

"You two really look good together!" Masayang bati samin ni mommy. Yinakap niya kami pareho. Ganoon din ang naging interaksyon namin sa kanyang mommy.

"Kamusta yung condo? Okay ba?" Nagtaas ng kilay ang kanyang ama.

"O-okay naman po." Sagot ko.

"Okay na sana pero..." Ani Dom kaya't pati ako ay bumaling sa kanya.

"What is it?" Sagot ng kanyang mommy.

"Yung banyo, dalawa ang pinto nun diba, yung isa bakit hindi pa ayos yun..." Aniya.

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Dalawa ang pinto ng banyo? Hindi ko alam 'yun. Ang akala ko ay doon lamang malapit sa kitchen ang pintuan noon. Nasa gitna ng sala at kusina ang banyo kaya't hindi na rin nakapagtataka. Pero, sinamantala kaya niya ang pagkakataong iyon para makapanilip sa akin? Parang hihimatayin ako sa mga naiisip ko.

"Bethany?" Natauhan ako nang banggitin ni mommy ang aking pangalan kaya't nilingon ko siya nang nakakunot ang noo. Hindi ko pwedeng ipakita na apektado ako sa sinabi nung isa.

"Oliver naman! Hindi ba't sinabi 'kong siguraduhin mo na maayos ang lahat doon." Dismayado ang tono ng pananalita ni Tita.

"Hindi ko naman napansin. Pero hayaan niyo, mamaya din maayos na yun."

Marami pang pinag-usapan tungkol sa mga ganap sa aming buhay habang magkasama at ang mga plano namin. Hindi ko inakalang magiging kuntento ako sa ganito. Natapos ang meeting sa loob ng 2 oras at naghiwalay na rin ang aming mga landas.

"Bethany, I know what you're thinking.." Aniya habang nagmamaneho pabalik sa aming condo.

"Anong sinasabi mo?"

"Yung sa banyo... hindi mo alam diba?"

"Hindi." Kinagat ko ang aking labi.

"I should've told you."

"P-pero hindi mo naman siguro ako s-sinilipan?" Napalunok ako at narinig ko naman ang pagbungisngis niya kaya't lalo akong nahiya.

"Sa tingin mo?"

"Just please answer it!"

"Nung naliligo ka na, napansin kong naiwan ko yung wristwatch ko sa banyo kaya sinubukan kitang hintayin pero nagulat ako nung nakita ko yung isa pang pinto. Pumasok ako tapos..."

"Hindi ka man lang kumatok!" Pagaantala ko sa kanya.

"Walang pinto..."

Makakalimutin na ba ako, kakasabi niya nga lang pala. Ano pa bang magagawa ko, nangyari na eh. Pati hindi na ako dapat mahiya dahil siya naman ang mapapangasawa ko.

"Sorry." Aniya sabay labas sa kotse. Bubuksan ko na sana ang pinto subalit naunahan niya ako. Naglahad pa siya ng kamay pagbukas nito at tinanggap ko nalang.

Nanatili kami sa parking lot sa hindi malamang dahilan. Nilibot ko ang paningin sa buong lugar at napansin ang open space sa bandang dulo nito. Sinubukan ko itong silipin subalit hindi kaya. 

"You wanna go there?" Nagkatinginan kami habang nakakunot ang noo niya.

"O-okay lang?"

He chuckled. "Why not?"

Sinabayan niya ako sa paglalakad hanggang makarating kami doon. Pinagmasdan ko ang buong lugar. Wait... this looks familiar. Really familiar.

"Diba eto yung...."

"Dom Quad." Mahinahon niyang sagot. Nilingon ko siya at naabutan siyang naka-ngiti.

"Dito kita unang dinala." He chuckled again.

"I remember." 

I can't help but smile. The memories are coming back to me. Our memories, rather.












In the Name of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon