Papunta kami ngayon sa kwarto ni Dominic dito sa hotel. Sa dinami-dami ng hotel, dito pala siya naka check in sa hotel namin. Di ako makapaniwala. Hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami. Ilang sandali pa, binuksan na niya ang pinto para sakin at pumasok kaming dalawa sa kwarto niya.
Wala akong kibo dahil fresh pa sa aking isip ang mga nangyari kanina. Yung pagsampal ng ex niyang si Erin? Makakabawi din ako sa bruhang yun. At ang pinakatumatak sakin ay ang pagsabi ni Dom na mahal niya rin ako. Hindi ko inaasahang magkikita pa kaming muli at ngayon ay umamin pa siya. Isa nalang ang problema namin, yung ex niya. Dahil mukhang handa siyang gawin lahat para mabawi si Dom pero hindi ako papayag. Akin na si Dom!
"Bethany.." Natauhan ako nang magsalita ang lalaking mahal ko. Nilingon ko siya at agad niya akong niyakap mula sa likod.
"Hm?" Hinawakan ko ang mga kamay niya ng mahigpit.
"Lahat ng sinabi ko kanina, totoo yun." Aniya.
"Naniniwala naman ako eh at alam mo ba?"
"Ano yun?"
"Mahal din kita."
Ramdam ko ang lalo niyang paghigpit sa pagkakayakap sakin matapos kong sabihin yun.
"Bethany, gusto kong malaman mo na hindi na mauulit yung nangyari kanina hangga't nandito ako. Pasensya na. Nagulat din ako sa nangyari."
Tumango nalang ako.
"San ka pala nanggaling?" Tanong ko.
Napakagat labi ako nang maramdaman na parang nakabukol ang kanyang pagkalalaki sa pwet ko pero hindi ko nalang yun pinansin.
"Sa bahay nila Erin sa Cebu. Balak ko sana siyang surpresahin kaya lang nakikipaglandian eh. Nagkaron pa nga ng gulo dun dahil di ako nakapagpigil." Aniya.
Nasasaktan ako para sa kanya. Pero mas nasasaktan ako dahil may pangamba din ako na ginagamit niya lang ako para maka-move on kay Erin. Napakabilis naman kasi ng mga pangyayari. Naiiyak ako nang maisip ko yun.
"Dom... mahal mo ba talaga ako?"
"Mahal na mahal, Bethany." Aniya.
Bumuntong hininga ako bago ulit magsalita.
"Hindi mo ako ginagamit?"
Mas maganda ng malinaw dahil mahirap na, baka sa huli ako na naman yung masaktan.
"Bethany, ikaw na ang laman ng puso't isip ko. Wag mo namang pagdudahan yung pagmamahal ko sayo." Aniya at rinig ko ang pag buntong hininga niya.
"S-sorry, naniniguro lang naman."
Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at inikot ako. Magkaharap na kami ngayon. Hinawakan niya ang pisngi ko at dahan-dahang nilapit ang mukha. Sabay naming pinikit ang mga mata at naramdaman ko na ang labi niya sa akin. Napaka-gentle ng paghalik niya, sinasabayan ko lang ang bawat galaw niya dahil hindi na din ako makapagpigil. Ang sarap ng labi niya. Baka hanap-hanapin ko na 'to. Hindi ko na alam kung saan ibabaling ang ulo ko dahil nakakalunod ang mga halik niya. Ilang sandali pa, binuhat niya ako at napahawak naman ako sa batok niya nang hindi napuputol ang aming paghahalikan. Parang bihasang bihasa na siya sa ganto. Ako naman una ko siya. Unang halik. Unang jowa. Napakasaya na siya ang una ko.
Hiniga niya ako sa kama at pinulupot ko ang aking mga hita sa bewang niya para wala na siyang kawala. Bumaba ang halik niya sa leeg ko, inamoy-amoy niya muna ito bago halikan at sipsipin. Napapapikit ako sa sensasyon na kanyang binibigay. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.
"D-dom..."
"Bakit, baby?" Aniya.
Napatingin ako sa kanya at siya nama'y naka-ngisi. Hinigit ko ang kanyang damit na naging dahilan ng pagpatong niya sa ibabaw ko. Niyakap ko siya ng mahigpit habang nakatingin sa kanyang mukha.

BINABASA MO ANG
In the Name of Love
RomanceIn the name of love, their worlds will suddenly meet. One will fall while the other one is still in love. But then again, are they really the one for each other?