Chapter 13

432 7 0
                                        

Ilang sandali pa, natanaw ko na ang kanto ng subdivision namin (Forbes Park)

At kung minamalas ka nga naman, biglang tumigil at tumirik sa gita ng daan ang sinasakyan kong taxi. Nagkatinginan kami ng driver nang mangyari iyon. Agad siyang bumaba para tignan kung anong nangyari. Pumasok ulit siya at,

"Ma'am pasensya na po pero kailangan ko na po itong dalhin sa shop." Aniya.

"Hindi ho ba kaya ng powers niyo 'yan? Kaya ko pong maghintay, kung gusto niyo dagdagan ko pa ang bayad."

Anong magagawa ko, pagod talaga ako! Gusto ko ng makauwi at matulog!

Umiling siya at napa-buntong hininga.

"Pasensya na po talaga."

Napilitan na akong bumaba sa taxi at iniwan na siya doon. No choice eh, maglalakad na talaga ako. Kung sana nandito lang si Dom. Hays!

Malayo-layo pa ang aking lalakarin dahil sa dulo pa ang bahay namin. Bakit kasi dun pa?! Kainis!

Sa gilid lang ako ng kalsada naglalakad, may ilang sasakyan pa din kasi na dumadaan.

Nang marating ko ang madilim na parte ng subdivision na ito ay tumindig ang balahibo ko. Napabilis ang paglalakad ko at walang ibang tinitignan kundi sa harapan. Sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay nakaramdam ako ng kung ano. Pakiramdam ko ay may sumusunod sakin. Sana guni-guni ko lang yun! Naiiyak na ako sa takot habang pinipilit paring tahakin ang lugar na ito. Ilang sandali pa, may biglang humawak sa magkabilang braso ko, lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Pinilit kong pumalag subalit masyado siyang malakas. Hindi lang pala isa, dalawa sila! Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Sinandal nila ako sa pader at sabay silang humalakhak. Pumapalag parin ako subalit natatawa lang sila habang pinapanood ako.

"Tingin mo makakatakas ka pa samin?" Sabi ng isa sabay ngisi.

Nakakakilabot ang boses niya. Sisigaw na sana ako subalit bago ko pa magawa yun ay tinakpan nung isa ang bibig ko gamit ang panyo. Yung isa nalang ang may hawak sakin subalit hindi ko parin siya kaya. Nagsimulang babuyin nung isa ang katawan ko. Hinalik-halikan niya ako sa leeg at ang kamay niya ay pababa na sa 'ano' ko. Wala akong magawa kundi umiyak. Pilitin ko mang pumalag, talagang mas malakas sakin ang dalawang 'to.

Binuksan na niya ang zipper ng pantalon ko at akmang ibaba na ito subalit bigla na lamang natumba ang isang may hawak sakin. Maging siya ay nagulat kaya lumayo siya sakin nang bahagya. Nakahinga ako ng maluwag subalit ramdam parin ang kaba at takot. Naaninag ko ang isang matangkad na lalaki at agad niyang sinuntok sa tiyan nang ilang beses yung lalaking nagtangkang gumahasa sakin. Ilang sandali pa ay gumagapang na palayo ang dalawang lalaking yun. Agad akong nilapitan ng lalaking nagligtas ng buhay ko. Napayakap ako sa kanya at lalo pang naiyak.

"Bethany, are you okay?!"

Nabigla ako sa narinig kong boses. It's.... Zac! Damn!

"Uhmm... Z-Zac? Ikaw?" Tumingala ako para makita ang kanyang mukha at hindi nga ako nagkakamali. It's freaking Zac!

"Yes, it's me. You look shocked. Are you expecting someone?" Aniya at napakunot ang noo.

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Ang mahalaga ligtas na ako. Big thanks to my knight in shining armor. Niyakap ko ulit siya ng sobrang higpit at pinipilit niya akong patahanin habang hinihimas ang likod ko.

"Iuuwi na kita." Aniya.

Nagsimula kaming maglakad palayo dun habang magkadikit parin. Nakaakbay siya sakin at ako nama'y nakahawak sa bewang niya. Natigil kami sa harap ng isang kotse. Kanya pala yun. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayang umupo. Agad din siyang umikot para makaupo na sa driver's seat at nagsimula na siyang magmaneho.

In the Name of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon