Nagising ako nang marinig ang tunog ng cellphone ko, senyales na may tumatawag. Tinignan ko ito at nakitang si Bella ang tumatawag kaya agad kong sinagot.
"Oh?"
"Kakagising mo lang?" Aniya.
"Oo. Aga mo mambwisit!" Sabay tawa ko.
"Shunga! May meeting ngayon dito sa studio. Ikaw nalang hinihintay!"
"Di nga?!" Agad akong natauhan sa sinabi ni Bella. Shet naman oh.
"Bilis na! Wag ka na maligo, ganun pa din naman eh." Aniya sabay tawa.
"Che! Sige na, sige na."
Inend call ko na at agad naghanda ng susuotin ko. Pumasok na ako sa banyo at nagmadaling maligo. Nag-leggings, t-shirt at sneakers nalang ako. Inayos ko na ang aking sarili bago bumaba. Hindi na ako kakain! Nakakahiya sa mga naghihintay.
Nang pababa ako ng hagdan, naaninag ko agad si mommy at daddy na nag-uusap sa sala.
"Oh eto na pala si Bethany." Pambungad ni daddy.
Tinignan ko lang sila at ni-head to foot naman ako ni mommy.
"San na naman punta mo?" Aniya.
"Sa studio. Urgent daw. Aalis na ako."
Hindi ko na pinakinggan kung ano man yung sinabi niya at agad na akong lumabas. Nagpahatid na ako kay Mang Caloy at makalipas ang ilang minuto, nakarating na ako sa studio.
Agad akong pumasok doon at lahat sila ay napatingin sakin. Bakit kaya? Ngayon lang ba sila nakakita ng gantong kaganda? My gosh. Ngumiti nalang ako at nakita ko naman agad si Bella. Sinenyasan niya ako at umupo ako sa tabi niya. Kasama niya din si Skyler.
"Ano ba meron?" Tanong ko habang sinusuklay ang buhok gamit ang kamay.
Nagkibit balikat ang dalawa at ilang sandali pa ay lumitaw si Kuya Ada, na pinaka leader ng aming grupo, sa unahan.
"Ehem. So, good morning sa inyong lahat." Aniya at tinignan kaming lahat.
Ngumiti kami nila Bella at ang ilan naman ay bumati din sa kanya.
"May malaking offer kasi sa akin sa New York, kinukuha nila ako bilang choreographer sa isang kilalang entertainment. Alam niyo naman ako, walang pinalalagpas na pagkakataon."
Nagsimula ang bulong-bulungan ng iba samantalang kami ay nakatingin lang sa kanya.
"Ngayon na ang alis ko at nais ko lang sabihin sa inyo na magkakaron kayo ng bagong leader."
Halata sa mukha ng iba ang pagkalungkot dahil si Kuya Ada yung tipo ng leader na gagawin ang lahat para sa grupo. Napakagaling niyang leader at napamahal na kami sa kanya. Matapos niya itong sabihin ay napatingin ang iba sakin dahil kahit ako, inakala kong ako ang papalit sa kanya dahil team leader din ako. Mas mataas nga lang ang pwesto niya. Napansin niya ito at umiling.
"Guys, pinsan ko, si Zac, ang bagong leader niyo."
Tumindig ang balahibo ko nang marinig ang pangalang iyon. ZAC?! DON'T TELL ME SI ANO YON?! NO FREAKING WAY!
Napalunok ako at lahat sila ay nakatingin sa pinto kung saan siya lalabas. Narinig ko na ang mga hakbang niya papasok at tumabi siya kay Kuya Ada. Ayoko pa siyang tignan dahil baka nga tama ang hinala ko na siya yun. Shet! Narinig ko naman ang mga bulong-bulungan ng iba.
Ay mas gwapo pa kay Kuya Ada!
Shet! Pogi!
BINABASA MO ANG
In the Name of Love
RomanceIn the name of love, their worlds will suddenly meet. One will fall while the other one is still in love. But then again, are they really the one for each other?