Nagising ako nang may maramdamang gumalaw sa bandang paa ko. Minulat ko ng dahan-dahan ang aking mga mata dahil hanggang ngayon ay masakit parin ang ulo ko. Hindi rin ako masyadong makagalaw. Pinagmasdan ko ang lugar kung nasan ako at agad kong napagtanto na nasa sariling kwarto ako. Napangiti ako subalit nagtaka dahil sa pagkakaalala ko ay, kakatapos lang ng practice namin at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.
Naaninag ko ang isang lalaki na nakahiga sa dulo ng kama kun saan ako nakahiga. Tinitigan ko siya nang ilang segundo at narealize na si Dom pala yun. Napangiti naman ako habang pinagmamasdan ang kabuuan niya. Pulang labi, mahabang pilikmata at matangos na ilong. Makinis ang balat at hayag na hayag ang kanyang panga na talaga namang nagpapa-gwapo lalo sa kanya. Natauhan ako nang unti-unti siyang bumangon at nagulat nang magkatitigan kami. Awkward.
"Uh-anong nangyari?"
"Nahimatay ka habang naglalakad tayo pauwi kanina. Buti nalang malapit na tayo sa bahay niyo." Aniya.
Tumango nalang ako at muling nahiga na siyang ikinakaba naman ni Dom. Agad siyang tumayo at lumapit sakin. Hinaplos niya ang noo ko at pinakiramdaman ito.
"Mataas parin ang lagnat mo. Teka."
Namula ang pisngi ko sa ginawa niya. Wait, inaalagaan niya ba ako? Hindi na akong pwedeng magkamali dito dahil sa mga kilos niya ay kumpirmado ko na ito. Pinigilan ko ang pag-ngiti nang muli siyang pumasok ng kwarto at sinara na ang pinto. Nilapag niya ang dalang tray na may lamang pagkain sa mesa na katabi ng kama ko.
Nagkatitigan kami at agad naman niya itong binawi at lumapit sakin. Nilapit niya ang mukha niya. Oh my gosh, anong gagawin mo, Dom? Napakagat labi ako at naramdaman ang kamay niya sa likod ko. Inalalayan niya akong umupo sa kama at pinasandal ako sa sandamakmak na unan sa likod. Kinuha niya ang bimpo at pinahid sa leeg, batok, kamay at paa ko.
"Kailangan mo ba talagang gawin 'to?"
Napatingin siya ng seryoso sakin dahil sa sinabi ko. Napakagat labi naman ako.
"Bakit, kaya mo bang alagaan ang sarili mo?" Aniya.
"Oo nandyan naman yung mga katulong namin."
"Hindi, Bethany. Gusto ko ako."
Muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko at mas lalo atang naginit ang katawan ko dahil sa sinabi niya. Dom naman!
Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang mangkok na may lamang sabaw. Ewan ko kung anong sabaw yun pero agad niya itong sinandok at hinipan muna bago itapat sa bibig ko ang kutsara.
Napakunot ang noo ko at binuka nalang ang bibig ko. Gutom na din kasi ako.
Halos maubos ko ang laman nito. At pansin ko sa mukha niya ang pagkapagod. Hindi ata siya sanay sa ganto pero shet!
Nilapit na naman niya ang mukha niya sakin. Hindi ko maiwasang hindi siya tignan. Nagkatinginan kami habang inaalalayan niya ako sa paghiga. Hindi niya pinutol ang pagtitinginan namin at nagsalita.
"May masakit pa ba sayo?"
Umiling lang ako at pinikit na ang mga mata. Medyo sumasakit pa ang ulo ko subalit hindi ko nalang ito pinahalata.
Minulat ko ng konti ang isang mata ko at nakitang inililigpit niya ang mga gamit na hindi na kinakailangan. Malinis sa gamit! Hindi burara! Turn on!
Tinignan niya ang relo niya at napa-buntong hininga siya. Ako naman ay napatingin din sa orasan at nakitang 7 PM na.
"Dom." Tawag ko sa kanya at agad naman siyang napalingon.
"Hm, may sumasakit ba sayo? Sabihin mo lang." Aniya.
"Hindi ka pa ba uuwi? Okay naman na ako eh."
"Sure ka?"
"Oo. Salamat nga pala. Buti nalang ikaw ang kasama ko kanina."
Nagkangitian kami. Bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na. Ang tagal ko na ding gustong itanong 'to sa kanya at feeling ko ngayon ang tamang oras para malaman ko ang kasagutan.
Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita.
"Para kanino mo ba ginagawa 'tong pagsasayaw?"
Iniwas ko ang tingin sa kanya at hinintay ang sagot niya. Ang tagal ng bumabagabag ng tanong na yan sa puso't isip ko. Weird pero feeling ko kasi may iba.
"Sa girlfriend ko." Aniya.
Gulat na gulat ako sa aking narinig at halos mahimatay na naman. Hindi ako makapaniwala. Pero bakit ang sweet niya sakin? Bakit ganun? Sabi ko na nga ba! Mabuti nalang nalaman ko na bago pa tuluyang ma-inlove ako sa kanya. Ni hindi ko siya matignan at ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Napalunok ako bago nagsalita.
"Dom, can you just.... leave?"
"O-okay ka lang ba?" Halata sa tono ng pananalita niya ang pagaalala.
"Mas magiging okay ako kung aalis ka."
Hindi ko na napigilan at tuluyan nang bumagsak ang luha sa mga mata ko. Parang dinudurog ang puso ko sa nangyayari ngayon.
Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto at agad akong nakahinga ng maluwag. Niyakap ko ang unan ko at doon humagulgol ng iyak. Hindi maalis sa isipan ko ang sinabi niya kanina. Nakakainis. Pa-fall siya! Kung sana nung una palang sinabi na niya na may girlfriend siya edi sana hindi na ako umasa. Pero hindi eh! Sa kinikilos niya, mukhang nagpapahanga siya sakin na talaga namang hinangaan ko. Hindi mahirap magustuhan ang katulad ni Dom. Ang swerte ng mahal niya! Kung sana ako nalang yun.... ano ba Bethany! Galit ka dapat sa kanya kasi sinaktan ka niya. Wag ka ng umasa dahil may mahal na iba yung tao. Hanggang sa nakatulog ako nang umiiyak.
BINABASA MO ANG
In the Name of Love
RomanceIn the name of love, their worlds will suddenly meet. One will fall while the other one is still in love. But then again, are they really the one for each other?