After ng pag-uusap namin ni Bethany ay masaya akong lumabas at nagtungo sa Department Store. I need to buy more clothes kasi konti lang naman ang dala ko para sa sarili ko. Mostly, mga pasalubong for my relatives.
I grabbed my phone from my pocket then naisipan kong i-text si Bethany while on my way sa men's clothing section.
"Hey. Got home safe?"
Syempre, concerned lang. Obligasyon ko pa pag nagkataon na may mangyaring masama sa kanya.
Then I pressed send.
Maya maya ay dumami na ang tao at medyo sumisikip na ang daan. So, tinago ko muna ang phone ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Napabaling ang tingin ko sa isang babae na may kasamang lalaki, boyfriend niya ata. Mahaba ang buhok, sexy at matangkad yung babae. Just like Erin.
WAIT A MINUTE.
Tinitigan ko ng mabuti yung babae hanggang sa napalingon siya at nakita ko ang mukha niya. Laking gulat ko ng.........
IS THAT ERIN?!?!?!
Natulala ako at ang saya ng pakiramdam na makita ulit siya after two years.
Kumaway ako since nakatingin siya sa may part ko. Tinulak ko na ang mga nakaharang sa daan at naririnig ko naman ang mga binubulong nila.
Ilang sandali pa ay nawala siya sa paningin ko. Sinubukan kong ikutin ang buong department store para hanapin siya subalit wala na. Naupo na lamang ako sa isang tabi doon na walang kamalay-malay sa lugar na kinaroroonan ko.
Bigla na lamang may nag bandera ng panty sa mukha ko sabay sabing,
"For your wife, sir?"
Tinignan ko ng masama ang saleslady na iyon at kasabay nito ang pag-urong niya. Lumayo na ako dun at dumiretso sa pupuntahan ko.
After an hour, binayaran ko na ang mga pinamili kong long sleeves, shirts and pants.
Habang palabas ng mall, hindi parin mawala sa isip ko ang babae na yun. Hindi ko alam kung si Erin ba talaga yun o namalik-mata lang ako. Pumara na ako ng taxi at nagpahatid sa Yverson Hotel.
Bethany's
I was about to sleep nang biglang nag-vibrate ang phone ko. Tinignan ko lang muna kung sino at kung hindi naman importante ay hindi ko na rreplyan. But it was a text from him. Damn.
"Hey. Got home safe?"
Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ito at paulit-ulit ko pang tinitigan ang bawat letra nito. Napakagat ako sa labi ko habang nagttype ng reply.
"Yes. How about you? Nakauwi ka na ba?"
At nagulat naman ako sa bilis niyang magreply.
"Otw." Aniya.
"Ingat." Sabi ko.
Hanggang sa umabot na ng isang oras ang pagttext namin. And the whole time, nakayakap lang ako sa unan ko at kinikilig. Ewan ko ba. Tinamaan yata agad ako dito kay Dom. Di naman ako ganto sa ibang lalaki eh.
At hanggang sa bindi ko na namalayan, nakatulog na pala ako.

BINABASA MO ANG
In the Name of Love
RomansaIn the name of love, their worlds will suddenly meet. One will fall while the other one is still in love. But then again, are they really the one for each other?