I was left there all alone. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon na wala na ang taong mahal ko. Napakasakit. Hindi ko mapigilang maiyak sa mga nangyayari. Patuloy lang ang pagbagsak ng aking mga luha nang biglang,
"Bethany, don't cry, I'm doing this for us."
Napatingin ako sa nagsalita.
"No. You said you're doing this for the company and it really is."
"I'm sorry."
Tinalikuran ko siya at agad na lumabas ng hotel. Ayoko munang umuwi ngayon. Saan naman kaya ako pupunta. Napagpasyahan ko nalang na pumunta sa paborito kong tambayan, Maestro Café. Sumakay ako ng taxi patungo doon at agad ding nakarating.
Umorder ako ng iced coffee at umupo sa isang tabi. Gusto ko munang mapag-isa ngayon nang biglang may isang lalaking pumasok na nakaagaw ng atensyon ko. He looks familiar. Nakasuot siya ng aviators kaya hindi ko mamukhaan.
Umupo siya sa table na katabi ng akin. Now I get to see him even more. Hinubad niya ang kanyang jacket at ilang sandali pa ay tinanggal niya din ang kanyang aviators. Nasamid ako ng hindi sinasadya nang makita ang kabuuan ng kanyang mukha. Napatingin siya sakin kaya nag-iwas ako ng tingin.
"How unlucky this day is." Bulong ko at umirap sa kawalan.
Panay ang tingin niya sakin kaya hindi ako makagalaw sa aking kinauupuan. Nakadungaw lang ako sa bintana na katabi ko. Nang maubos ang inumin ko ay napagpasyahan ko ng umalis doon. Tumayo ako at laking gulat ko nang humarang siya sa daan.
"Yes?" Tinignan ko siya.
"Bethany, I'm sorry." Aniya.
"For?"
"Alam mo na. Lahat ng kasalanan ko."
"Ano ba, kinalimutan ko na lahat yun." Ngumisi ako at tinalikuran na siya.
Dali dali akong naglakad palayo doon dahil baka sumunod na naman siya. That cafe is exclusive, madalas nga ako lang ang tao doon. Paano niya nalaman yun. Nag-aabang ako ng taxi nang biglang,
"Bethany, hatid na kita."
Hindi ko siya tinignan. Kilala ko na ang boses na yun.
"Hindi na. I'm not going home."
"Eh saan?"
"Basta. Umalis ka na."
"Iniiwasan mo ba 'ko?"
"Isn't it obvious?"
Agad kong napansin na wala na siya sa kinatatayuan niya kanina kaya nakahinga ako nang maluwag. Bigla naman may bumalandra na Ford Fusion na kotse sa harapan ko at bumukas ang pinto sa front seat. Naaninag ko agad ang mukha niya sa loob. Umiling ako nang makitang nakatingin siya.
"Can't you see, it's traffic. Hop in." Aniya.
Umirap ako at hindi ko na din napigilan kaya sumakay na ako doon. Pinaandar niya agad ang sasakyan niya at kapansin-pansin ang ngiti niyang hindi mapawi sa kanyang labi.
"Baka masampal na naman ako ng girlfriend mo nito."
"Wala na siya." Aniya.
"W-what do you mean?"
"She was just adopted and last month nagkita sila ng totoo niyang mga magulang. Kinuha siya at dinala sa ibang bansa."
"Okay lang sayo?"
"It's her choice."
Tumango ako at hindi na muling nagsalita.
"Saan ka ba?" Aniya.
"I-I don't know." Hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta eh.
"Iuuwi na kita." Natigilan ako sa aking narinig. Yan yung sinabi ni Zac noong niligtas niya ako. Aray naman. I'm missing him already.
"Naiyak ka ba?" Tsaka lang ako natauhan nang magsalita na naman siya. Patulo na pala ang luha ko kaya agad ko itong pinunasan.
"Hindi. Ayokong umuwi."
"Why not?"
"Basta."
"Tell me. Makikinig ako."
Ayan na naman. Those words that made me fell for him. Naalala ko na naman nung dinala niya ako sa property nila tapos yan din yung sinabi niya nung sinabi kong may problema ako. Memories, leave me alone.
"Kasi, my mom, she set me up to an arranged marriage."
"Pareho pala tayo." Aniya.
WHAT DID YOU JUST SAY? ARE YOU KIDDING ME? BAKA SIYA 'YUN. THIS CAN'T BE!
Nagkatinginan kami habang nakakunot ang noo at naka-nganga. Siguro narealize niya din yung naiisip ko. Nag-iwas ako ng tingin at sakto naman na tumigil ang sasakyan dahil red light.
"Totoo?"
"Baka tayo yung..." Aniya.
"Hindi pa tayo sure." Inirapan ko siya.
"Damn." Napatingin ako sa kanya at bakas na bakas sa kanyang mukha ang saya. Weird.
Hindi ko na napansin ang daan at ilang sandali pa ay tinigil na niya ang kotse. Tumingin ako sa labas at nandito kami sa hotel. What the hell.
"What are we gonna do here?"
"I wanna be sure if you're really the one that I'm gonna marry." Kinindatan niya ako at lumabas ng kotse. Sinundan ko nalang siya at nagtungo kami sa office ni mommy. Nagulat naman ako nang bigla silang lumabas nang malapit na kami doon.
"Bethany? Dom?"
Sabay sabay nilang sabi at halata ang kanilang pagkagulat.
Lumapit kami sa kanila. Binati at niyakap naman ni Dom ang kanyang mommy at daddy.
"You know each other?" Ani mommy.
"Yes, tita." Tinignan pa ako ni Dom nang sabihin yun at tumango nalang ako.
"My god. Perfect!" Napangiti silang lahat.
"Tuloy na talaga ang kasal." Naka-ngising sabi ng nanay niya.
"Tuloy na tuloy!" Singit pa ng daddy niya.
OH MY GOSH.
BINABASA MO ANG
In the Name of Love
RomanceIn the name of love, their worlds will suddenly meet. One will fall while the other one is still in love. But then again, are they really the one for each other?