Lumabas kami ng bahay at naglakad-lakad pa para makahanap ng taxi. Meron naman kasing nagiikot dito sa subdivision namin. Di ako makatingin sa kanya dahil baka mahalata na naman niya ang mga mata ko. Kaya habang naglalakad ay pinagmamasdan ko nalang ang paligid. Ganun din naman siya. Nabalot ang paligid ng katahimikan.
Maya maya pa ay may sumulpot na taxi sa harapan namin at agad niya itong pinara. Pinagbuksan niya ako ng pinto at napa-ngiti na naman ako. Tumabi siya sakin at sabay sabi sa driver na,
"Manong, sa Dom Quad po tayo."
Tsaka siya komportableng umupo at ngumiti sakin. Napakunot ang noo ko dahil never ko pang narinig ang lugar na iyon. Hindi talaga ako pamilyar kahit matagal na kami dito sa Maynila. Nagpaka-komporable nalang din ako at nakatingin sa labas buong byahe namin.
After 20 mins, wala ng masyadong matataas na building akong naaninag. Parang ang tahimik ng lugar na 'to. Lalo akong na-curious. Nanlaki ang mata ko nang may biglang dumagan sa may balikat ko. Nilingon ko agad ito at nakitang nakasandal ang ulo ni Dom sa balikat ko. Nakatulog siya. Napakagat ako sa labi ko at hinayaan siya sa ganoong posisyon. Nagkatinginan pa kami ng driver sa salamin at ngumiti siya na parang nang-aasar.
"Dom Quad" Pahiwatig ng driver at agad namang natauhan 'tong si Dom at nagising na. Tumingin siya sakin at nagkangitian kami. Bumaba na kami ng taxi at naiwan kaming dalawa sa lugar na iyon.
Napakatahimik. Nilibot ko ang mga mata ko sa buong lugar. Isang open field at may tarpaulin sa gilid na pansin na pansin, nakasulat dito ang pangalan ng lugar na DOMINICAN QUADRANGLE.
May basketball at volleyball court. At sa kabilang banda naman ay may swimming pool at cottage na magarbo. Nagkatagpo ang mata namin at nanatili kaming tahimik.
"This is mine." Aniya at nanlaki ang mga mata ko, iniwas ko ang tingin sa kanya at napalunok nalang dahil ang laki talaga ng lugar na ito. Paano......
"S-sayo?" Napakagat na naman ako sa labi ko.
"Bakit hindi ba kapani-paniwala?" Sabay tawa niya.
"Pamana ito ng lolo ko nang namatay siya last year lang. Ngayon ko lang ulit ito nabisita at wala parin naman palang pinagbago."
"A-ang ganda at ang laki ng lugar na 'to. Rich kid ka naman pala eh!" Sabi ko at ngumisi sa kanya.
"Tara?" Naglahad siya ng kamay sakin at agad ko naman itong tinanggap.
Habang iniikot namin ang lugar ay naririnig ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko at pinagpapawisan na rin ako kahit na mahangin naman sa lugar na ito.
Tumigil siyang maglakad nang makarating kami sa isang tagong kulay puti na mansyon. Napakalaki nito.
"Dito kami madalas mag get together ng buong pamilya. Naging busy nga lang ang lahat these past two years at nangibang bansa pa ang iba."
"So, hindi lang naman pala sayo ang lugar na 'to. Sa inyong lahat." Sabay tawa ko.
"Eh sakin kasi ipinamana ito kaya kinokonsidera naming lahat na ito ay akin. Pero lahat parin sila ay welcome dito."
"Uhm, eh ba't ganun yung pangalan ng lugar na 'to?"
Na-curious na din ako kasi pangalan niya ang Dom at ipinamana lang naman sa kanya ito kaya hindi agad mapapalitan ang tawag dito. Napatingin ako sa kanya.
"Hm. Dominic ang family name namin. Ayoko sa first name ko kaya ginawa ko itong nickname."
Napatango nalang ako.
"Eh ano ba first name mo?"
Bumuntong hininga siya bago tumingin sakin.
"Bailey."
BINABASA MO ANG
In the Name of Love
RomanceIn the name of love, their worlds will suddenly meet. One will fall while the other one is still in love. But then again, are they really the one for each other?