Chapter 4

650 8 0
                                    

Nagising ako sa tunog ng alarm ng phone ko. 7:30 am. Tinatamad pa akong bumangon at napag-isipan kong magpakaabala muna sa phone.

Nag-flashback ang mga texts ni Dom na talaga namang nagpasabog ng obaryo- i mean, feels ko.

Di ko mapigilang ngumiti dahil dito. Parang buo na agad ang araw ko. Pero syempre di ako magpapadala sa feels ko, wala pa naman akong alam kay Dom except for his name.

Ilang sandali pa ay may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto at natauhan ako. Inayos ko ang sarili ko bago sabihing,

"Pasok."

Agad namang tumambad sa harapan ko ang bihis na bihis kong nanay at mukhang seryoso. Kumunot ang noo ko dahil dito.

"I'm going somewhere." Aniya.

"Then, bakit kailangan magpaalam sakin?"

Kumunot ang noo niya at halata sa mukha ang pagka-inis subalit nagsalita na ulit siya.

"Your dad. He--

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin pa niya at agad akong napalunok. Hindi parin natatauhan si mommy.

"If this is about him, again, wag mo ng hingin ang opinyon ko because I will always say no."

Tuloy tuloy ang pagsasalita ko habang nakatingin ng diretso sa mommy ko.

Napa buntong hininga siya at akmang lalabas na pero may sasabihin pa pala siya kaya hinayaan ko.

"Beth, I'm sorry. Alam kong sawang sawa ka na sakin pero mahal ko parin talaga ang daddy mo. At sa tingin ko hindi na magbabago yun."

Napa upo ako sa kama bago sumagot.

"Ma, hello?! Kitang kita ng dalawang mata mo kung paano ka niya lokohin. Pinagpalit ka niya sa iba. May pamilya na siyang iba diba. Ano pang kailangan niya satin?!" Galit kong sabi.

"Kailangan niya daw ang tulong ko, Beth."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hindi na napigilan ang pagluha niya. Parang kinurot ang puso ko na makita siyang ganon. Agad din siyang lumabas ng kwarto at napahiga ako muli sa kama ko. Hindi ko na rin mapigilang maiyak.

After several minutes, narinig ko ang pag-andar ng sasakyan senyales na nakaalis na si mommy. Pinabayaan ko nalang siya sa naging desisyon niya.

Hindi ko rin naman siya masisisi. Napaka sweet at caring ni daddy. We were so close. Mahal na mahal namin ang isa't isa kaya hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan kung paano niya nagawang lokohin kami. Ipagpalit sa iba. Napakasakit. Hindi rin siya kilala ng aking kapatid dahil pinagbubuntis pa lamang ni mommy si Irwin nang iwan niya kami.

Natauhan ako nang may bigla na namang kumatok kahit na nakabukas naman ang pinto ng kwarto. Lumingon ako at nakita ang isa sa aming mga katulong.

"Good morning, ma'am. May bisita po kayo sa baba."

Kumunot ang noo ko at takang taka sa kung sino ang taong yun. Kung si Bella yun ay hindi na magdadalawang isip na umakyat dito sa kwarto ko. Wala naman akong kikitain ngayon.

"Sino daw?" Tanong ko.

"Mukhang manliligaw po sa inyo." Pang-aasar pa niya at lalo akong na-curious.

"Dom daw po ang pangalan."

Halos mahulog ako sa kama nang marinig ng pangalan niya. Nilingon ko ang orasan sa kwarto at nakitang 10 AM na!

"Shit! Sige sabihin mo wait lang."

Sinarado na niya ang pinto at napatayo naman ako bigla. Natataranta ako ngayon na parang baliw. Di ko alam ang gagawin ko. Napakamot nalang ako sa ulo ko nang maalala na ngayon nga pala yung start ng practice namin.

Dumiretso na ako sa cr at nag-shower ng mabilis. Nagsuot ako ng fitted joggers at sports bra. Lalabas na sana ako ng ganoon at natawa na lamang sa sarili ko. Kinuha ko ang nike jacket sa likod ng pinto at sinuot ito. Di na ako nag-ayos masyado at nagmadaliang suklay at foundation nalang. Maganda parin naman.

Habang pababa ako, naaninag ko na ang gwapong mukha ni Dom. Nahagip ng mata ko ang suot niya at mukhang ready na siya sa practice. Hindi ko napansin na nasa dulo na pala ako ng hagdanan hanggang sa nagsalita siya.

"Good morning." Aniya sabay ngisi.

"Sorry ah. Di ko kasi napansin yung oras."

Ngumisi na naman siya bago sumagot.

"Ano ka ba. Wala yun."

"Teka, pano mo nalaman ang bahay ko? Eh hindi ko naman sinabi. Stalker!" Sabay tapik ko sa dibdib niya.

Nanigas ang kamay ko nang maramdaman ang matigas niyang dibdib. Hindi ko agad ito naalis at natulala na ng tuluyan.

"Eh-ehem."

Hinawakan niya ang kamay ko na siyang nagpabalik sa akin sa katinuan. Tinanggal ko agad ito at ngumiti ng fake. Nakakahiya ka, girl!

"Famous ka kaya. Hindi imposibleng malaman ko agad ang bahay mo."

"Naku, hindi naman. Anw, saan mo gustong mag-practice?"

Naawkwardan ako sa hindi niya pagsagot. Nakatingin pala siya ng diretso sa mga mata ko. Dahan-dahan siyang lumapit at napakagat ako sa labi ko.

"Umiyak ka?"

Nagulat ako sa tanong niya. Paano niya nalaman.

"Ahhh... hindi. Puyat lang yan!" Pagkukunwari ko subalit parang hindi siya naniniwala.

"Hindi eh. Umiyak ka nga! Bakit? Gawa ba ng boyfriend mo?"

Bigla akong kinilig sa mga sinabi niya at alam kong namumula na ang pisngi ko.

"Dom, I'm single. Wala lang yan."

Hindi ko alam pero biglang umaliwalas ang mukha niya matapos marinig ang sinabi ko. Ayoko mag-assume pero yun ang nakita ko.

Napa-atras ako ng bahagya at nag-isip ng bagong topic dahil ayokong pagusapan ang nangyari kanina.

"Upo ka muna. Kumain ka na?"

Nauna na akong umupo at tumabi siya sakin, magkaharap parin kami. Tumango lang siya at maya maya ay nangibabaw ang pagkalam ng sikmura ko. Hindi pa nga pala ako nakain. Gutom na gutom na ako.

Napatawa siya dahil dito at hindi ko mapigilang mamula. Bigla siyang tumayo at naglahad ng kamay sakin. Inangat ko ang paningin sa mukha niya at saka lamang siya nagsalita.

"Tara? My treat."

Napangiti ako dahil dun at tinanggap ko ang kamay niya. Inalalayan niya ako hanggang sa makalabas ng bahay. Inikot ko ang paningin ko sa garahe namin at yung isang sasakyan nalang namin ang nandun. Gamit kasi ni mommy ang isa. Ay, akala ko may dala siyang sasakyan. Napakagat ako sa labi ko nang bigla kaming nagkatinginan dahil pareho ata kami ng iniisip. Ngumiti na naman siya at napakamot sa batok niya.

"Sorry, nasa U.S yung kotse ko eh. Di pa ako nakakapag-ipon para makabili ng bago dito."

"Uhmm, kailan ka lang dito sa Manila?" Nahihiya kong tanong. Hindi naman siguro masama magtanong diba.

"Actually, nung isang araw lang. Vacation lang ang dayo ko dito."

"Woah. Pero bihasa ka na sa pagt-Tagalog."

"Halos lahat ng pinsan ko ay dito nakatira. Filipina kasi ang mom ko kaya natuto din ako."

"Then, welcome pala! Wag ka mag-alala pahatid nalang tayo kay Manong." Sabay turo ko sa driver namin nang naka-ngiti.

"Mag-taxi nalang tayo if you don't mind. Treat ko nga diba." Halata sa mukha niya ang pagka-hiya.

"Okay. Thanks in advance." Sabay ngiti ko sa kanya.







In the Name of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon