Bethany's
After that conversation, bumangon na agad ako from my bed then agad akong naligo. Anong oras na kasi. Baka malate ako sa meet-up namin. Nakakahiya naman. Nag-ayos na ako. Di ako nag make-up ng bongga kasi di ko pa naman kilala yun baka kung ano pa masabi. Lipstick and foundation lang. At syempre di mawawala ang pag-kilay. Kailangan always on fleek. I'm wearing a high waist jeans and croptop. Lumabas na ako ng room and feeling ko nandun na si mommy kasi may naririnig akong boses. Parang may katawagan. Dahan-dahan akong bumaba at nagtungo sa dining room, uminom lang ako ng coffee at nagpaalam sa yaya namin na nandun. Nang palabas na ako ng bahay bigla akong nakita ni mommy.
"Where are you going?" Nagulat ako so agad akong napalingon.
"Oh, good morning, mommy. Mag-malling lang ako. Pwede?" Naka ngiti kong sagot.
Kumunot ang noo niya at nanatili akong naka ngiti.
"Ang aga naman. Kasama mo si Bel?"
Napakagat ako sa labi ko bago sumagot.
"Uhmm, opo. Dun kami magkikita."
"Okay. Wag na magpa-late."
"Bye, mommy."
Buti nalang naniwala siya. Lumabas na ako at sinenyasan yung driver namin na i-ready yung kotse. At napaisip ako. Oo nga no. Isama ko kaya si Bella kasi di ko kilala yung kikitain ko so, para safe na rin. I texted her immediately na magkita kami sa mall. Starbucks to be exact. Ilang sandali pa ay nakaalis na kami. Naalala ko yung guy na tumawag sakin, nalimutan ko sabihin kung saan kami magkikita so I texted him. Nakuha ko yung number niya dun sa telephone kung saan siya tumawag awhile ago.
After several minutes, nakarating na kami sa mall. Bumaba na ako then I checked my phone. 2 messages. One from Bella then the other from that guy.
"Otw na ako." Text ni Bella so pumasok na ako sa mall. Diretsong Starbucks.
Umorder ako ng frappe at naghanap ng vacant seat subalit wala. May nakita ako bigla na isang lalaki sa two seat table kaya kinapalan ko na mukha ko. Lumapit ako then umepal na ako.
"Uhmm, hi. May nakaupo dito?" Sabay turo ko sa bakanteng upuan.
Lumingon siya sakin at..... damn! Ang gwapo! Pinigilan ko ang sarili ko from smiling at hinintay ang sagot niya.
"Wala. You could join me." Tapos ngumiti siya.
Oh my god. Ang gwapo talaga. Can't wait na makita ni Bella 'to.
Ngumiti nalang ako bilang response at umupo na doon.
Ilang sandali pa, nakita ko na si Bella papasok. So, tinawag ko siya. Nang lumingon siya ay biglang ngumiti ng nakakaloko dahil sa kasama kong lalaki. Umiling ako na parang sinasabi na wala lang yun. Mabuti nalang may umalis sa katabing table namin kaya kinuha ko yung upuan at tinabi sakin. Dun ko pinaupo si Bella. Yung guy naman, tutok sa phone niya kaya di napansin si Bella. Bumulong siya bigla sakin habang pinagmamasdan yung guy.
"Sino yan? Ang gwapo naman."
"Kaya nga eh. Naki-upo nga lang ako."
"Wow, kapal ng mukha. Pero bet ko siya ah."
"Tumahimik ka baka marinig tayo."
So, umorder na si Bella at bumalik dun sa upuan. Ilang sandali pa, 11 am na. Pero wala parin yung guy na katawagan ko. Nakita kong tumingin sakin yung guy na kaharap ko tapos ngumiti siya nang makita niya si Bella. Kaya naman pala. Naka ngiti pala ang gaga.
Parang may dinial siya sa phone niya tapos hinihintay yung pagsagot. Bigla ko namang narinig na tumunog yun phone ko senyales na may tumatawag. Pagtingin ko yun yung guy na kikitain ko. Bigla kaming nagkatinginan na dalawa for a minute. Napatingin narin si Bella na parang kinikilig.
"Ikaw?" Sabay naming tanong. At napatawa nalang kaming tatlo dahil dito. Siya pala. My god. Destiny na ba ito. So, nag-shake hands kami at naki-epal na rin si Bella.
"Ikaw pala. I'm Dom. Nice to meet you." Bati niya.
Hm. Nice name. Bagay sa kanya.
"A small world it is. Nice meeting you too. Si Bella nga pala, bestfriend ko." Then nagngitian kaming tatlo.
To make the conversation going, tinanong ko siya.
"So, bakit mo naman naisip na sumali samin? Anyway, si Bella member din."
Then biglang ngumiti si Bella. Uminom ako ng frappe habang hinihintay ang sagot niya.
"Uhmm, gusto ko lang talaga matuto ng sayaw. You know, para may bagong pagkakaabalahan. Pati dagdag pogi points." Wika niya.
Hindi ko sinasadya pero bigla akong nasamid pagkatapos niyang magsalita. Pinigilan ni Bella ang pagtawa at biglang nagsalita ulit siya.
"Ay, parang di ka agree sa sinabi ko ah."
"Parang ganun na nga."
At nagtawanan kaming tatlo.
"Pero marunong ka naman sumayaw?" Tanong ko ulit.
"Marunong lang pero di magaling."
"Magaling yan si Ash. Gagaling ka, trust me." sabi naman ni Bella.
"Pwede na tayo mag-start tomorrow if you don't mind."
Kanina pa kami magkatitigan and I have to admit it, para akong natutunaw sa mga titig niya. Damn. Brown eyes. And the way he smile. My gosh.
"Sige, okay sakin yun. Sunduin nalang kita sa bahay niyo para di ka na maabala bukas. Okay lang?"
Di ko alam ang isasagot ko. Feeling ko namumula ako sa kilig at nahahalata naman yun ni Bella kaya mas pinili niyang tumahimik nalang.
"Hindi, wag na. Kaya ko naman eh." Pagpa-pabebe ko.
"Sige na." Pilit niya at parang napapa-pout siya which makes him more handsome. Hihi.
"Pabebe pa 'to. Bahala ka pag naunahan kita dyan. Haha, joke." Bulong sakin ni Bella at kinurot ko naman siya sa hita kaya tumahimik nalang siya ulit.
"Sige na nga. I'll text you my address later. Okay na tayo ha."
"Yes! Thank you ha. Ano ba talaga name mo?"
"Uhmm..." Inisip ko pa muna kung papayagan ko na siyang itawag sakin yung Bailey kasi mukha naman magiging close kami nito pero hindi parin. Di ako comfortable.
"You can call me Bethany." Sabay ngiti ko.
"Okay, Bethany. Thanks again." Ngumiti na naman siya. Kainis. Ang cute niya.
At nagpaalam na kami ni Bella after nun na uuwi na kami. Siya naman ay mag gagala pa daw sa mall so naghiwalay na kami.
Pagkalabas namin ng starbucks ay sabay kaming tumili ni Bella habang nakaharap sa isa't isa. Pinagtinginan kami ng iba subalit wala kaming pake.
"Grabe! Ang pogi noh!" Panimula ko.
"Beth, you didn't tell me about him! Why?!"
"Nagpa-set ng appointment yan kaninang umaga lang. Kaya nga sinabihan kita."
"Pero di ako prepared sa ganyan ka-gwapo. Muntik na ako mahimatay."
"Same feels, Bella. Same feels."
At nagtawanan na naman kami. Tinawagan ko na yung driver namin at nagpasundo na kami. Hinatid na din namin si Bella sa kanila. At 6pm palang ay nakauwi na ako sa bahay. Masaya akong nagtungo sa loob ng bahay at nakaka bingi ang katahimikan na nadatnan ko. Wala na naman si mommy at parang pati si Irwin. So, dumiretso nalang ako sa kwarto ko. At para akong timang na kanina pa naka ngiti. Eh kasi naman that guy. Hihihi.
BINABASA MO ANG
In the Name of Love
RomanceIn the name of love, their worlds will suddenly meet. One will fall while the other one is still in love. But then again, are they really the one for each other?