Kinaumagahan, nagising ako nang masaya. Hindi ko malimutan ang mga nangyari kahapon. Kaya siguro maaga akong nagising ngayon. Bumangon na ako at inayos ang kama ko. Napatingin ako sa salamin na nasa harap ko ngayon at pinagmasdan ang pangangatawan ko.
"Hm. Not bad."
Dumiretso na ako sa banyo at naligo. Medyo napatagal ang pagligo ko ngayon dahil ang dami ko pang mga ritwal na ginawa na di ko nagawa kahapon. Paglabas ko ng banyo ay narinig ko naman na tumunog ang phone ko, may tumatawag. Agad ko itong hinanap at sinagot kahit di pa kilala kung sino yun.
"Good morning." Aniya.
Nalaman ko naman agad kung sino ito dahil sa kanyang husky voice at mukhang masaya din siya. Napakagat labi na naman ako sa naisip ko.
"Good morning, Dom. Aga mo ah."
"Ikaw din. Congrats!" Sabay tawa niya.
"Bakit ka nga pala napatawag?"
"Saan ba tayo magsisimula?"
Iba ang pumasok sa isip ko nang marinig iyon, nagsisimula na kaya tayo tapos kinalaunan magiging tayo rin.
"Bethany?" Aniya.
Natauhan naman ako at nagisip muna ng lugar na pwede namin pag-praktisan
"Hm. Hindi ba pwedeng sa property mo nalang?"
"Gusto mo bang samahan tayo ng multo dun?"
"No, no, no. Isip ka ng iba. Dali!"
At rinig ko naman ang pagtawa niya na kahit katawagan ko lang siya ay naiimagine ko ang gwapo niyang mukha.
"Ah, alam ko na. Sa clubhouse malapit sa kanto namin."
Doon kami madalas magpractice ng grupo ko dahil malawak ang lugar at wala masyadong tao. Medyo tago.
"Sa may kanto lang yun? Di na ako papasok ng subdivision?" Aniya.
"Oo. Hintayin mo nalang ako dun. Sige na."
"Sige, alis na ako. Bilisan mo ah!"
Tumango nalang ako na para bang nakikita niya iyon. At inend call ko na din.
Nagsuot ako ng black na jersey short na hanggang tuhod ang haba at yung damit naman na ginamit namin noong kami ay lumaban. Kulay maroon. At roshe run na sapatos. Komportable kasi akong nakakagalaw pag maluwag ang suot ko. Ilang sandali pa ay nagpahatid na ako sa driver namin at naisipan kong itext sina Skyler at Alex. Magpinsan ang dalawang yun at member din ng grupo. Sinabi ko sa kanilang may tuturuan kami. Sa kabilang subdivision lang naman sila nakatira kaya hindi na yun problema.
Pagsilip ko sa bintana ng kotse ay naaninag ko na si Dom sa loob ng clubhouse at nakaupo sa gitna. Napansin ko din ang suot niya. Damn! Pareho kaming naka-maroon. Destiny talaga. Hahaha.
Ipapark na sana ni Mang Caloy yung kotse sa harap ng clubhouse subalit bumaba na agad ako. Gugulatin ko si Dom! Sa likod ako dumaan kaya alam kong hindi niya ako nakita. Sumilip muna ako at nakita siyang abala sa phone niya. Dahan-dahan akong lumapit at tinakpan ang mga mata niya. Buti nalang nakaupo siya. Halatang nagulat siya dahil nabitawan niya ang phone niya at napahawak sa kamay ko. Agad niya itong natanggal at tinignan ako. Sabay kaming tumawa at nagulat ako nang pisilin niya ang pisngi mo.
"Kanina ka pa ba?" Tanong ko.
"Di naman. Start na tayo?" Aniya.
Pinatayo ko siya at ako naman ang umupo. Titignan ko muna kung ano ang kaya niya para alam ko kung saan kami magffocus. Naghanap ako ng magandang kanta sa playlist ko at nakita ang "Chain Hang Low" Pinindot ko ito at agad nilakasan ang volume. Narinig niya ito at napakunot ang noo niya. Hindi siya pamilyar. That's better.
BINABASA MO ANG
In the Name of Love
RomanceIn the name of love, their worlds will suddenly meet. One will fall while the other one is still in love. But then again, are they really the one for each other?