Napanatag ang loob ko nang mapansing lumabas na ng bar si Erin at Dom. Bakit ganun sila umakto? Sila na ba? Parang kanina lang, ikamamatay niya kung hindi ko siya patawarin. Bilis naman magbago ng puso at isip niya.
"Bethany?" Ani Zac at hinawakan ang kamay ko.
Nandito kami ngayon sa bar ng tito ko, Thanatos Chainz. Dahil nga gustong mag-celebrate ni mommy nang malaman niyang kami na ni Zac. Ewan ko ba dito kung bakit ang o.a ng reaction niya.
"Zac, tama na yan. Baka malasing ka."
Tinignan niya ako habang hawak ang shot niya na iinumin na niya sana.
"Come on, baby girl. Let him have fun." Singit ni daddy.
"O-okay." Tumingin ako sa kanya at tumango.
Naka-limang shot lang ako ng tequila kanina at naramdaman ko agad ang pagka-tipsy ko. Hindi kasi ako sanay uminom kaya tumigil din agad ako.
"So, kelan ang kasal?" Nilagok ni mommy ang wine tsaka bumaling ng tingin samin ni Zac.
"Wala pa yan sa isip ko."
"Soon, tita." Ani Zac.
"We're expecting babies ha." Sabi ni daddy at sabay naman silang tumawa ni mommy.
"Weird." Bulong ko sa sarili ko.
Tumingin sakin si Zac nang nakakunot ang noo at umiling nalang ako.
Hindi ko alam pero nawala ako sa mood nang makitang magkasama yung dalawa kanina. Akala ko ba sabi ni Dom, "Wala na kami at ikaw ang mahal ko." Fvck you! Ginamit niya lang ata ako para pagselosin yung isa at para magkabalikan sila. Bwisit.
Napansin kong ubos na ang iniinom nila at nakasandal nalang sila sa upuan habang pinapanood ang mga nagsasayaw dito sa bar. Nilingon ko si Zac at ayun, tulog na! Nalasing na din ata.
Nilapitan ko siya at tinapik ang pisngi niya. No response. Pinanood ko nalang din ang mga tao dito.
"Let's go." Tumayo na si daddy at mommy at sabay na naglakad palayo.
Tinapik at pinisil ko ulit ang pisngi ni Zac subalit wala paring epekto. Tumayo na ako at hinigit ang kamay niya upang magising siya. Nakita kong bumukas na ang kanyang mata at agad akong hinila palapit sa kanya bago ko pa mabitawan ang kamay niya. Nakasandal ang dibdib ko sa dibdib niya. Ngumisi siya at hinalikan ako. Sinusubukan kong pumalag subalit nadadala ako sa halik niya. Ginantihan ko ang mga halik niya at ilang sandali pa bago kami natauhan.
Tumayo na akong muli at tumalikod sa kanya.
"Sunod ka na."
Agad siyang tumayo doon at hinawakan ang hamay ko habang sinasabayan ako sa paglalakad hanggang makarating kami sa labas ng bar.
"Tito, sakin na po siya sasakay."
Tinignan ako ni daddy at tumango nalang siya. Pumasok na sila ni mommy sa kotse niya at ako naman ay pumasok na din sa kotse ni Zac.
Hinihintay ko nalang ang pagsakay ni Zac subalit nagulat ako nang buksan niya ang pinto sa front seat at tinignan ako. Nag-iwas ako ng tingin. Napangisi naman siya at agad akong kinulong sa mga braso niya at nagsimula na namang halikan ako. Hinayaan ko nalang siya at sinabayan ko ang bawat paghalik niya.
"I love you, Bethany." Aniya sa gitna ng paghahalikan namin.
"I-I love you too."
Sa wakas ay lumayo na siya at umupo na sa driver's seat. Pinaandar na niya ang kotse at mabilis naman kaming nakarating sa bahay.
Bago pa ako makalabas ng kotse ay hinawakan niya ang kamay ko. Tinignan ko siya.
"You're mine, alright?" Aniya.
"All yours." Kinindatan ko siya.
"Ugh! Are you teasing me?"
"Pervert!" Binawi ko ang kamay ko at tuluyang lumabas ng kotse.
"Goodbye." Kinawayan ko siya at ngumiti.
"Okay. Goodbye, Bethany." Aniya at sinarado ang pinto at tuluyang umalis.
Lumipas ang isang buwan na masaya ang pagsasama namin ni Zac. Masaya ako sa kanya. At ganun din siya sakin. Natumbasan ko ang pagmamahal na binibigay niya maging noon pa man. Siya na ata ang nakatadhana para sakin.
*kriiiiiing kriiiiiing*
Agad kong tinignan ang cellphone ko at nakitang tumatawag si mommy.
"Hello?"
"Be in my office in 20 minutes." Aniya at agad pinutol ang linya.

BINABASA MO ANG
In the Name of Love
RomanceIn the name of love, their worlds will suddenly meet. One will fall while the other one is still in love. But then again, are they really the one for each other?