Chapter 8

439 5 0
                                        

Hindi ako nakatulog ng gabing yun. Ang gabi na tinaboy ako ni Bethany sa hindi ko alam na dahilan. Hindi ko alam kung talagang okay na siya. Hindi ko alam kung may iba siyang problema. Hindi ko alam kung.... nagustuhan niya ako sa maikling panahon na kami ay nagkasama. Hindi ako matigil sa kakaisip kung bakit niya ginawa yun. Inalala ko ang mga pangyayari at tumatak sakin ang tanong niyang 'Para kanino mo ginagawa 'tong pagsasayaw?' Nang sagutin ko siya, doon na nagiba ang pakiramdam ko. Wala namang mali sa sinabi ko dahil yun ang totoo. Marahil ay nasaktan siya sa nalaman niya. Pero hindi ko alam. Walang dahilan para masaktan siya. Maliban nalang kung gusto niya nga ako.

Ipinasintabi ko muna ang problema namin ni Bethany dahil kinabukasan ay magaganap na ang muling pagkikita namin ni Erin. Sobrang miss ko na siya. Gusto ko na ulit siyang mayakap at mahagkan. Hindi na kami muling magkakalayo pa. Napangiti ako sa kawalan nang maisip ito. Siguro ay sapat naman na ang natutunan ko mula kay Bethany at dun sa mga kaibigan niya.

Sumilip ako sa bintana ng kwarto, naaninag ko ang matataas na building ng Maynila. Lahat na ito ay may makikinang na ilaw dahil anong oras na din naman. Ang gandang pagmasdan. Bigla kong naalala ang mukha ni Bethany habang nakatingin sa kawalan. Napakurap ako ng ilang beses at nagulat dito. Tinignan ko ang relo ko. 3 AM. Subalit ni konting antok ay wala akong maramdaman. Kinuha ko ang phone ko at bumalik sa pwesto ko sa may binatana. Cinontact ko si Erin para sabihan siya sa magaganap na pagkikita namin bukas. Alam kong wala siyang alam dito. Kaya naman, excited na ako. Napangiti ako na abot hanggang tenga nang sagutin na niya ito.

"Baby!!!"

"Bailey?" Aniya.

Pero bakit ganun? Hindi halata sa boses niya ang sinseridad nang banggitin niya ang pangalan ko. Parang hindi niya ako kilala. At parang hindi niya man lang ako namiss.

"Ba't parang gulat na gulat ka?"

"Omg, baby! Damn! I missed you so much!" Biglang nagiba ang tono ng pananalita niya. Naging masaya.

Napangiti na lamang ako nang marinig muli ang boses niyang mala-anghel.

"I missed you too, baby! Excited na ako!"

"Oo nga pala. Happy anniversary!"

"Happy anniversary! Free ka naman mamaya, diba? Diba?"

"Uhm..." Ilang sandali pa bago siya makasagot. Anong nangyayari kay Erin. Ba't kailangan pa niyang pagisipan yun.

"Oo naman, baby! Magd-date ba tayo?" Aniya.

"Hindi lang basta date."

"Teka, ba't ganyan kabilis ka magplano? Nasa Manila ka na no?!"

"Oops." Kasabay nito ang pagtawa ko.

"Bakit hindi mo ako sinasabihan? Madaya! Hindi man lang kita nasundo sa airport!" Halata sa boses niya ang pagsusungit.

"Surprise nga diba! Yan tuloy, alam mo na."

"Hahahaha." Yan lang ang nasagot niya.

Bakit parang nagbago na si Erin. Halos one week palang naman kaming hindi nag-uusap ah, kasi sinabi ko sa kanyang busy ako pero ang totoo inaayos ko noon ang mga papeles para makauwi dito. Hindi rin siya nawawalan ng topic tuwing magkausap kami. Napaka daldal niya kaya. Bakit parang may nag iba.

"Baby, galing akong MOA nung isang araw may napansin ako dun na kamukha mo. Akala ko nga ikaw eh!"

Iniba ko nalang ang topic. Lumalabas talaga ang pagiging madaldal ko tuwing kausap ko ang mga taong malapit sa puso ko.

"Uh, di pa nga ako nakakarating ng Maynila. Ano ka ba!" Aniya sabay tawa.

"Pwes mamaya makakarating ka na."

Laking gulat ko nang bigla niyang tapusin ang usapan namin. Inend call niya. Napakunot ang noo ko dahil dito at bumilis ang tibok ng puso ko. Tatawagan ko pa dapat siya ulit subalit namatay na ang phone ko. May iba na talaga akong nararamdaman. Iba na si Erin.

Lalo akong hindi dinalaw ng antok nang madagdagan na naman ang problema ko. Pero ipagpapatuloy ko parin surprise para kay Erin. Pupunta na akong Cebu bukas.





In the Name of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon