Nagmadali akong magbihis at maligo dahil mukhang importante ang magaganap ngayon. Kailangan pa talagang sa office ni mommy.
Pababa ako ng hadgan nang maaninag ko ang isang lalaki na nakatalikod sa may sala habang pinagmamasdan ang mga picture frames sa table doon. Unti-unti siyang humarap nang nakangiti.
"Good morning." Aniya sabay lahad ng bouquet of rose.
Nginitian ko siya at tinanggap iyon.
"Aga mo naman ata."
"Syempre. Uhm, aalis ka?"
Tumango ako at napasimangot naman siya.
"Sayang!" Aniya.
"Bakit?"
"Date sana tayo. Pero okay lang, saan ba? Hatid na kita."
"Ewan ko ba. Biglang tumawag si mommy, pinapapunta ako sa office niya. Sa hotel."
"Ahh." Aniya at tinalikuran na ako.
Sinundan ko siya hanggang labas ng bahay at pinagbuksan niya naman ako ng pinto ng kotse niya. Mabilis kaming nakarating doon sa hotel.
Bumaba na ako. At nagulat ako ng bumaba din siya.
"Bilisan mo. Hihintayin kita." Aniya.
"Dun ka nalang sa loob maghintay."
Nginitian ko siya at nauna na akong maglakad sa kanya. Sumilip muna ako sa front desk at nakitang nandun si Monique.
"Monique, wala namang problema dito noh?"
"Ma'am kanina pa po kayo hinihintay ng mama niyo." Aniya.
"Nasa office siya?"
"Opo at may kasamang bisita."
"Bisita?"
Tumango siya at napaisip naman ako habang naglalakad patungo sa office ni mommy. Sinong bisita? Kinakabahan naman ako.
Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pinto ng office at agad ding pumasok doon. Nakita ko agad si mommy at may kausap siyang dalawa pang tao na nakaupo sa tapat niya.
"Here's my daughter." Tumayo si mommy nang makita ako at lumapit siya sakin.
Ngumiti nalang ako nang mapansing tinignan ako nung dalawa.
"Beautiful, huh." Sabi nung isa.
Umupo ako sa tabi ni mommy at pinagmasdan ko yung mga kausap niya. Mukhang mag-asawang business partners ni mommy ito. Maganda silang manamit at halata mong yayamanin.
Napalunok ako nang nabalot ng katahimikan ang lugar.
"Mommy, why do I have to be here?" Bulong ko sa kanya.
"This is about you and-" Natigilan siya nang biglang nagsalita yung babae.
"My son can't make it today, he's busy, I'm sorry, Amanda." Aniya.
"I understand, Gaile. We can have a meeting again when he's free."
"As I was saying, Bethany," Biglang tumayo si mommy at lumapit dun sa babae. Naiwan akong mag-isa sa unahan nila.
"We have talked about you getting married with their son and it's final. This is for the sake of our company and this will be a great tandem with them." Aniya.
Nalaglag ang panga ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako makagalaw ni makapagsalita. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Kaya itong gawin ni mommy sakin? Wow, just wow.
"Mommy, you know that I have a boyfriend. How can you do this? You can't just decide for me. I have my own choice especially with this kind of matter."
Natulala sila sa sinabi ko subalit nakuha paring ngumisi ni mommy.
"Oh darling, too late, I already said it's final."
"It isn't!"
"The wedding is already scheduled by next, next week."
Tinalikuran ko na sila at nag-walkout doon. I can't believe this is actually happening to me. Akala ko sa movies lang 'to nangyayari pero sakin din pala. Ang hirap. Who's the guy that I'm gonna marry, anway?
"Bethany!!"
Natauhan ako nang biglang may tumawag sakin. Nilapitan niya ako at hinawakan ang kamay ko.
"Anong nangyari don? Bakit ganyan mukha mo?" Aniya.
Hindi ako naiiyak. Hindi ako nagagalit. Hindi ko alam ang mararamdaman sa nangyari. Bakit parang hindi ako apektado gayong buhay ko ang pinaguusapan dito.
"Zac...." Mahinang sabi ko.
"Hmm?"
"I have something to tell you."
"Kumain ka muna. Alam ko gutom ka." Aniya at hinila ang kamay ko papunta sa cafeteria ng hotel.
Umorder siya ng coffee at pancakes para samin.
"Eat first." Ngumiti siya sakin at nagsimula ng kumain. Pinilit ko naring ubusin yun kahit na wala talaga akong gana.
"Now tell me, ano yung sasabihin mo?" Aniya.
Napalunok ako at bunaling sa kanya.
"Zac, I was set to an arranged marriage-"
Naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang nagsalita.
"WHAT?" Aniya at halata ang lungkot at galit sa kanyang mukha.
"It's for the company daw. I didn't see this coming. I'm sorry."
"Are you saying that we should break up?"
Hindi ako makasagot.
"Ipaglaban mo naman ako, Bethany. Kasi alam mo kahit ayaw na akong pabalikin ng mga magulang ko dito, pinilit ko parin kasi nagbakasakali ako na makita ka ulit at makapagsimula ulit tayo." Aniya.
"Ipaglalaban naman kita kung maaari. Pero wala akong laban kay mommy, she said it's already final."
"Damn it! Hindi pwedeng ganun lang yun, akala ko magiging okay na tayo. Pwede ko bang makausap ang mommy mo?" Aniya at tinignan ako ng diretso.
"Let's try."
Tumayo agad siya at hinila ang kamay ko hanggang makarating sa tapat ng office ni mommy. Siya ang kumatok at pumihit ng door knob. Bumungad agad samin ang nagtatawanang mga tao doon.
"Yes?" Ani mommy."Tita, this can't be. Bethany and I love each other, you know that-"
"I said it's final. Nothing can stop me now." Sabi niya ng mahinahon.
"You don't have the right to decide for her just like that. She will marry the man she loves."
"Get him out, Bethany. Right now."
Tinignan ako ni mommy ng masama at agad kong hinila palabas si Zac. Nakita kong tumutulo na ang luha niya kaya niyakap ko siya.
"Zac, I'm really sorry. Sorry."
"Bethany, it's not your fault. Ganyan talaga pag mayayaman."
"What's your plan?"
"Let's break up."
Tuluyan ng bumagsak ang mga luha sa mata ko at lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.
"No."
"Bethany, it's the right thing to do."
"Pwede namang ilayo mo nalang ako dito."
"Kilala mo ang mommy mo, nothing can stop her."
"Pero-"
Kumalas siya sa yakap ko at pinunasan ang pisngi ko gamit ang daliri. Hinalikan niya ako sa noo at lumayo nang bahagya.
"Thank you for making my stay here a memorable one."
"I love you, Zac."
"I love you too."
Tinalikuran na niya ako at naglakad palayo. Ang sakit pala. Sobrang sakit.
BINABASA MO ANG
In the Name of Love
RomanceIn the name of love, their worlds will suddenly meet. One will fall while the other one is still in love. But then again, are they really the one for each other?