Chapter 2

3.2K 94 22
                                    

The Wedding Day
9:20 AM

"Thomas?"

Agad akong napalingon at nakita ko si Papa.

"Pa"lumapit ako sa kaniya at nagmanly hug kami.

"Ayos na ayos na yang suot mo ah. Pogi na, pwede na iyan"pagbibiro niya.

"Sus! Wala pa nga yung buhok eh! 'Di pa ayos"sagot ko.

Tumawa lang s'ya at humarap kami sa salamin. Nakatinginan kami sa salamin at nginitian ko s'ya.

"I can't believe that I'm going to be a husband and a father na, Pa"saad ko at medyo napatungo "How to be a great Father like you?"

Ngumiti lang s'ya at inayos ang buhok ko.

"The question is not How"saad n'ya "The question is, Why should you be a great Father?"

Napatango naman ako sa sinabi n'ya.

"Nak, hindi mo kailangang tanungin ang sarili mo kung paano magiging mabuting asawa't ama sa pamilya mo. Kailangan mong alamin kung bakit kailangan mong maging mabuting asawa't ama sa pamilya mo. Thomas, 'yan din ang tinanong ko sa sarili ko noon bago ko pakasalan ang Mama mo. Tinanong ko si Lolo mo noon, sabi ko 'Tay,pano ba maging mabuting asawa?' At ang sagot n'ya walang pinagkaiba sa sagot ko ngayon sa'yo"

Natawa naman ako sa sinabi n'ya. It runs in the family pala. Well I guess, alam ni Papa yung nararamdaman ko ngayon.

"This is a serious thing, right Pa? This is the real deal"saad ko.

Tumango naman s'ya.

"Mabigat na responsibilidad 'tong tatahakin mo. Papunta ka palang, pabalik na ako. Alam ko lahat ng pagod, Anak. Alam ko lahat ng hirap at pagsubok ng buhay. Lahat yan,iisa lang ang technique"

"Talaga, Pa? Ano yun?"agad na tanong ko.

"Yun ay ang manalangin sa Diyos at huwag na huwag aalisin ang pagtitiwala sa kan'ya"sagot n'ya "Whatever happens, don't lose hope. Don't lose faith. Everything's happening for a reason"

Tumango ako sa kan'ya at itinatak ko sa isip ko ang mga sinabi ni Papa. He is a great man, walang hihigit sa kan'ya. I wish I could be just like him.

"There, okay na ba yang buhok mo?"tanong n'ya at tiningnan ko ito sa salamin.

Agad naman akong napatawa. Simula kelan pa natuto si Papa na mag ayos ng buhok? Hahaha! Ang galing. Proud na proud yalaga ako na siya ang naging Tatay ko.

*knock knock*

"Ako na magbubukas"pagvolunteer nung Kuya ko na nakaupo sa sofa. S'ya kasi yung best man namin.

Binuksan n'ya ang pinto. Si Anya, yung wedding coordinator.

"Sir, the car is waiting outside. Kailangan na po nating makapunta sa simbahan ngayon"saad n'ya.

Nagkatinginan kaming tatlo at tumango si Papa.

Okay,here we go.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

9:50 AM

Everything is settled. Nakapila na kaming lahat pero yung kotse kung nasaan si Arra 'di ko pa nakikita. Siguro nga, surprise lahat. Kinakabahan ako.

The Girl Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon