Special Chapter

2.3K 127 97
                                    

Ara's POV

Narinig ko ang pagtunog nang pagbukas ng pinto at napasulyap lang ako sa kaniya. Pansin ko na seryoso lang talaga ang itsura niya at tila ba nakapag usap sila ni Doktora nang maayos.

Tumayo siya sa medyo dulo ng kama ko.

"Sigurado ka na bang hindi ka na muna magpapahinga rito?"tanong niya at napatingin na lang ako sa mga kamay ko na nakapatong sa lap ko.

"Alam mo Ara you need more time to rest, kaya ko namang ayusin ang papeles natin o flight, hindi naman hassle sa akin yun"saad pa niya.

Hindi ako sumagot at narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Anong pinag usapan niyo ni Thomas nung isang araw?"tanong niya "Bakit pasimula kahapon hanggang ngayon hindi na siya pumupunta rito? Samantalang nung nagdaang linggo na halos hindi ka magising, ni hindi umaalis sa pwesto yung lalaking yun. Ano bang pinag usapan niyo?"

Bakit ba kailangan niyang alamin? Bakit kailangan pa niyang ipabanggit?

Alam naman na niyang sobrang bigat na sa akin nung pinagdaanan ko. Bawat minuto mas sumisikip ang dibdib ko. Mas sinasakal ako ng konsensya ko.

At mas pinipilit ako ng utak ko.

Hindi ko alam kung bakit nawala bigla si Thomas.

Ibinalik lang niya yung bracelet na bigay ni  Nathan sa kaniya at tinanong ako sa desisyon ko.

Pagkatapos nun, hinalikan lang niya ako sa noo ko at umalis na siya.

Ni hindi na ulit siya bumalik pa.

Wala nang pagpaparamdam na ginawa sa akin si Thomas.

Kahit gusto ko pa siyang makita, kahit hindi kausapin, mukhang hindi na maaari pa.

Siguro ang nasa isip na niya, wala nang makakapagabago sa desisyon ko. Sa desisyon kong iwanan siya.

Pero nagkakamali siya.

Ngayon, may umudlot sa desisyon ko.

Ngayon, ang kailangan ko ay siya. Gusto ko siya ang magdesisyon sa pag udlot nitong bagay na ito.

Kaso paano? Mukhang hindi ko yata mapaparating sa kaniya ito.

Mukhang pinapalaya na niya ako.

Nilapag ni Jeron ang isang envelope sa may paanan ko. Tinuon ko ang atensyon ko doon at hindi na pinakawalan pa ng mata ko yung envelope.

Bumilis ang tibok ng puso ko at halos nanginig ang buong kalamnan ko. Namawis ang dalawa kong palad at tumaas ang balahibo ko sa batok.

Kinabahan ako at hinintay ko ang sasabihin ni Jeron.

Alam na kaya niya?

"Sabihin mo nga sa akin ang totoo"medyo mahinang saad niya.

Napalunok ako.

"May nangyari ba sa inyo ni Thomas nung nakaraang linggo?"

Naging mabigat ang paghinga ko na tila ba itong balikat ko ay may binubuhat na mabigat na bagay. Diniretso ko ng tingin si Jeron at nakita ko na medyo may galit ang tingin niya sa akin.

"Ara, yung totoo"seryosong saad niya "May nangyari ba sa inyo?"

Hindi ako nakasagot pero pinantayan ko ang matapang na titig niya. Kahit mabagal ang paghinga ko dahil sa galit ay pinipilit ko na itong maging sandata ko upang kumalma.

"Tama yung hinala mo,Ara"saad niya.

Napatigil ako.

"Buntis ka"

The Girl Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon