Chapter 29

3.4K 125 44
                                    

Thomas' POV
12:30 PM

Pagkapasok ko palang rito sa kotse ko ay nakita na kagad kami ng mga bata na naabutan naming naglalaro.

Sumigaw naman sila sa tuwa kaya agad 'ko na lang pinarada ang kotse ko para makababa kami.

Pagkababa namin ay sumalubong na kagad sila. Nakakatuwa dahil sakin kagad sila yumapos. Parang kahapon kay Ms.Galang sila tumakbo ah HAHAHA.

"Buti na lang Tito Thomas bumalik ka!"saad ni Avery.

"Syempre, ayoko pang umuwi sa Manila eh"tuwang saad ko.

"Tito Pogi!"bati nung mga batang babae at natawa lang ako. Binuhat ko ang maliit na si Ashley at nilaro na sila.

Napatingin naman ako kay Nathan. Ayun, pinapanood lang kami.

"Oh Nathan, sali ka"narinig ko ang malambing na pagyaya ni Bridgette sa kanya.

Umiling si Nathan sabay napatingin s'ya sakin. Ngumiti ako sa kan'ya.

"Tara"nakangiting saad ko.

Umiling muli s'ya at halatang nahihiya.

Lumapit ako sa kan'ya at hinawakan ang kamay n'ya.

"Di ba gusto mo ang makipaglaro?"tanong 'ko.

"Sa iyo lang po"sagot n'ya.

Napatawa naman ako ng konti "Nathaniel, paano ka 'pag 'di na ulit ako babalik pa rito? Dapat matuto ka ng makipaglaro sa kanila"

"Oo nga, Nathan! Di ka naman namin dadayain sa laro eh"saad ni Tam.

"Oo nga! Si Xander lang naman ang nangdadaya eh"saad ni Yanyan at medyo napatawa naman kami.

"Luh?! Bakit ako?"tanong ni Xander.

"Totoo naman Kuya eh"sagot ni Ashley habang buhat ko at napatawa nanaman kami.

"Grabe, huwag kang maniwala sa kanila Nathan. Di kita dadayain, promise"saad ni Xander.

Ngumiti lang si Nathan at umiling "Pasok na lang po ako"sagot n'ya at tumakbo s'ya papasok sa loob ng bahay.

Tinignan ko na lang s'ya habang tumatakbo papunta sa loob at hinawakan ang kamay ng Mama n'ya.

What's wrong with him? Kanina lang, kaming dal'wa ang nagkakaintindihan pero bakit naman ngayon umayaw s'ya?

.

.

.

.

.

"Ay! Si Sir Pogi bumalik"tuwang saad ng Tita n'ya ng makita ako rito sa loob ng bahay.

"Ay hello po"bati ko.

"Kumain na ba kayo?"tanong n'ya.

"Tapos na po"sagot ko at ngumiti.

"Asan si Ara? Bakit parang 'di ko nakikita?"

"Baka po nasa kwarto nila. Magkasama po yung mag-ina eh"

Napatango tango naman s'ya.

"Sir!"

Nabigla naman ako ng may sumigaw sa may pinto at nakita ko ang Kuya n'ya. Kagad akong napatayo sa kinauupuan ko rito sa sofa at nagfist bump kami.

"Di pa po pala kayo umuuwi sa Manila"nakangiting saad n'ya.

"Parang gusto ko pa kasing bumalik rito eh. Tinakbuhan ko muna buhay Maynila"sagot ko at natawa kaming dalawa.

"Naku, tamang tama Sir! Sabado ngayon, may linggo linggo kaming ginagawa rito tuwing Sabado. Isama ka na lang namin"saad n'ya.

The Girl Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon