Chapter 51

1.5K 189 149
                                    

Thomas' POV
Saturday Night

"Hindi ba't sinabihan kita?"tanong ni Tito habang nakatuon ang aking siko sa tuhod na siyang sumusuporta sa aking ulong nakatungong umiiyak.

Hinawakan niya ang likod ko "Sinabihan kita na bilisan mo, kasi baka mahuli ka"

"Tito, kahit na"saad ko at tiningnan siya "Mahuli man ako o hindi, mukhang nakapili na si Ara at hindi ako yun"

"Thomas, siya ang Ama ng anak niya. Darating at darating talaga sa punto na ipapakilala ni Ara si Jeron kay Nathan. At kailangan mong tanggapin yun"

"She don't love me anymore, Tito. Hindi na niya ako mahal"saad ko.

"That's impossible"bulong ni Tito.

Napatingin ako sa kaniya "Nagsisisi na ako"bulong ko "Pakiramdam ko mali ang naging desisyon ko na palayuin siya. Mali ang desisyon ko"

"Lahat tayo nagkakamali"saad niya.

"But this is the best mistake I've ever made"sagot ko "Yung palayuin si Ara kahit mahal ko siya"

Hindi naman nakasagot si Tito at hinawakan na niya ang likod ko.

"There's a will and a way"mahinang saad niya.

Meron nga ba?

Pakiramdam ko ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Nandito naman ako kay Arra ngayon. Nandito siya sa akin pero bakit ako nasasaktan ng ganito? Bakit masakit yung pagbalik ni Jeron kay Ara?

Dahil ba alam kong wala na akong papel sa kanila? Dahil ba alam kong ubos na ang pag asa namin ni Ara?

Masaya si Ara ngayon at masaya ako para sa kaniya pero bakit nakakaramdam ako ng lungkot? Ang gulo ng puso't isip ko.

Hindi ko na tuloy alam kung kakayanin ko pa.

Kung lalabanan ko pa.

.

.

.

Ricci's POV

Nanatili akong umiiyak habang nagmomotor at sadyang nauubusan na ako ng lakas ko.

Pang ilang araw na ito pero hindi pa rin kami nagkaka ayos ni Michelle. Pabigat ng pabigat bawat araw, bawat oras o minuto. Mabilis kong pinatakbo ang motor papunta sa bahay niya. Matagal tagal na sumula nung huling punta ko rito pero wala na akong magawa, sadyang kailangan ko ito.

Pagkadating ko sa bahay niya at huminga ako ng malalim sabay kumatok. Nandito pa kaya siya?

Umalis na siya ang alam ko.

Pero umaasa lang ako.

Umaasa akong nandito pa siya.

Pero nabigla na lang ako kasi bumukas ang pinto.

Siya ang nakita ko. Nabigla siya.

"Oh? Chi- what are you doi-"

"Kuya"

Kaagad ko siyang niyapos at umiyak na ako sa balikat niya.

"here"pagtutuloy niya sa sasabihin niya.

Alam kong nabigla siya pero mas hinigpitan ko na lang ang yakap sa kaniya. Alam ko kailangan ko siya. Kailangan na kailangan ko siya. Masyado nang mabigat sa pakiramdam.

"Ricci, ayos ka lang ba?"tanong niya at medyo niyapos na rin niya ako.

"Huwag ka munang umalis Kuya"saad ko "Kailangan kita"

The Girl Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon