Chapter 39

1.5K 78 19
                                    

Ara's POV

Minulat ko ang mata ko na ang nakita ko ay si Nathan na mahimbing ang tulog habang nakayakap sa akin. Siguro'y nakatulog na lang kami kakatahan ko sa kaniya. Dahan dahan akong bumangon at nakita ko sa orasan na 6 pm na. Kaya lumabas ako ng kuwarto at pagkababa ko tanging sina Mika lang ang nakikita ko. Siguro, umalis na siya. Pagkapunta ko sa sala, naglalaro lang sila ng monopoly at ang nakakatawa pa sila Mika ang naglalaro at yung mga bata taga tingin lang. Palapit palang ako sa kanila ay nagsalita na kaagad si Kuya.

"Nasa kuwarto siya, tinatry ka niyang kausapin kanina kaso mukhang tulog ka naman daw"

Hay naku.

"Hindi pa ba siya aalis? Mahiya naman siya"tanong ko.

"Nahihiya nga siya pero si Papa na mismo ang hindi nagpa alis sa kaniya. Mag usap daw muna kayo"sagot niya. Jusko, si Papa talaga.

Umupo na lang ako sa tabi ni Mika at saktong pagkaupo ko ay sumigaw siya sa tuwa. Mukhang dagdag pera na naman sa game.

"Huwag ka ngang maingay, magigising si Nathan"pagsasaway ko.

"Well actually, you just woke my nose with your mouth smells like dumpster"

"Hahahahaha!"kaagad silang natawa sa sinabi ni Mika.

"Ulul, bagong gising ako eh"saad ko.

"Mag toothbrush ka nga muna! Kadiri ka"sagot niya at pinalo ko na lang ng bahagya ang braso. Pumunta ako ng kusina at nakita ko si Papa na nagluluto. Walang sali-salita ay kumuha na lang ako ng yogurt drink doon sa ref ng magsalita si Papa.

"Hindi mo ba siya kakausapin?"

Bumuntong hininga ako "Para saan pa?"tanong ko at binuksan ang inumin ko.

"Init lang yun ng ulo, baka naman hindi talaga niya sinasadya"sagot niya habang abala sa pag gagayat ng manok.

"Dapat kasi hinayaan mo na lang na umuwi yun. Utang na loob Pa, kapag si Nathan ang pinag uusapan alam mong iba ako"

"Alam ko naman 'yun anak pero hindi ka ba nagsasawa na hanggang diyan ka na lang? Kayo na lang ni Nathan palagi, bakit hindi mo subukang paltan na ulit si Jeron"

"Ano?"natatawang tanong ko.

"Anak, ayan na yun oh. Ang sa akin lang naman, ayokong makitang mag isa kang naghihirap. Subukan mo na kayang mag asawa at malay mo, siya na yun, napipigilan lang dahil sa mga away away"

"Papa naman, sa tingin mo ito na yun?"

"Bakit hindi pa ba?"

"Hindi"kaagad na sagot ko.

"Sigurado ka?"

"Sigurado!"

"Sure ka?"

"Oo"

"Edi ba mahal mo na?"

Napatigil na lang ako ng tignan ako ni Papa ng nakakaloko. Napalunok ako.

"Naku Ara, kilala kita. Subukan mong itanggi na mahal mo siya, isasaksak ko talaga itong manok sa baga mo"

"Tsk, Pa naman eh"

"Naku Ara, huwag ka na ngang mag inarte pa. Alam kong mahal ko na yun, sa tagal ba naman ng paglalambing niya sa'yo, imposibleng hindi ka mahuhulog diyan"

Nakakainis! Kay Papa pa talaga nanggagaling itong mga salitang ito ha! Kaasar.

"Papa naman eh. Alam mong may asawa siya. Malaking problema pa"saad ko

"Paano mangyayari yun eh wala na nga siyang asawa? Byudo na siya at pwede pang magmahal ng bagong babae ang isang byudo"

"Sure ka ba mamahalin din niya ako?"

The Girl Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon