Chapter 22

2.2K 111 33
                                    

(A/N: Mapapansin nyo na puro talon talon na 'yung oras o araw dito. Medyo minamadali ko na 'rin po eh. Kaya pagpasensyahan nyo na)

Thomas' POV
June 11 2020
9 PM

"Parang bago yata 'tong tv mo"

Napatingin naman ako kay Kuya ng mapansin nya ang bagong bili kong tv. Sa totoo lang, kanina ko lang nabili.

Pumunta ako ng kusina at naghain ng pagkain para sa kanya. Bigla bigla kasing bumibisita eh.

"May kape ka,Peng?"

Sa lakas ng boses nya, mukhang andito na rin sya sa kusina.

"Andyan sa cabinet, pagtitimpla kita?"tanong ko.

"Wag na"sagot nya at mukhang sya na ang magtitimpla para sa sarili nya.

"Napadalaw ka"saad ko.

"Ah, balita ko kasi di ka napasok sa office"saad nya.

"Pati ba naman sa trabaho may absentee list? Baka naman pwede ang konting pag absent"pabirong saad ko.

"Peng, iba ang school sa office. Kung sa school, guidance lang katapat mo. Sa office, sweldo at reputasyon mo"

Humarap na ko sa kanya at binitbit ang pagkain nya.

"Ang lalim ng reputasyon 'tol"pagbibiro ko at hinatid sa hapag kainan ang simpleng pagkain.

Pumunta naman sya dun habang hinahalo na ang kape.

"Wag kang maging bias. Di porket Tito natin ang boss eh pachill chill ka lang. Tandaan mo, yung iba diyan trabaho ng trabaho pero di na aabot miski kalhati ng halaga ng sweldo mo. Tapos ikaw.. Hay naku ka"

Inawang ko ang isang upuan "Pwede bang kumain ka na lang?"

Napangisi lang sya at umupo doon.

"Babalik naman ako sa trabaho, 1 week won't hurt"

"1 week ka dyan? Oy, baka di mo alam. Ikaw tatanggap ng padalang result. Kaya kailangan ka sa office mo"saad nya sabay kain.

Hindi ko alam yun ah.

"Teka, kelan ko tatanggapin?"tanong ko.

"Bukas"sagot nya.

So kailangan ko talagang pumasok bukas? Kainis.

"Kaya kailangan mong pumasok bukas. Napano 'yang kamay mo?"

Napatingin naman ako sa kamay kong tinuro nya. Kanang kamay kong nagkasugat dahil sa pagsuntok ko noon sa pader. Hanggang ngayon masakit parin ito, mukhang yung buto na ng natamaan.

"Sugat"sagot ko na lang "Sige, bukas pasok na ko"

"Sigurado sugat lang?"tanong nya.

Hay naku.

Tinanggal ko ang bandage ng kanang kamay ko at pinakita sa kanya.

Binitawan nya ang hawak na tinidor at hinawakan ang kamay ko.

"Aray!"pagreklamo ko at hinila ang kamay ko.

"Pa x-ray mo na yan"saad nya sabay kain ulit.

"Ha?"tanong ko.

"Pa x-ray mo na. Buto na yan"

-_____-

Pano nya nalaman? Takte.

"Sugat lang to"saad ko at muling binalik ang bandage.

"Anong sugat? Kita mo, di mo maderetso? Ipa x-ray mo"may galit na utos nya.

The Girl Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon