Chapter 17

2.6K 95 24
                                    

Ricci's POV

Bwisit.

Bakit kailangan nya akong iwanan dito? Alam naman nyang hindi kami okay ng kapatid ko tapos gagawin pa nya to.

Akala ko naiintindihan na nya ako, yun pala hindi.

Katulad rin sya ni Fel eh.

Nang iiwan sa oras ng pangangailangan.

Napatitig na lang ako sa kisame at nanahimik. Now, this room is a hell.

"Girlfriend mo?"

Magsasalita pa. Pwede namang manahimik na lang 😒

"Tell me, is she your new?"

"Pwede ba?"inis na tanong ko.

"Oh, nagtatanong lang naman ako"saad nya "Napansin ko kasi yung hawakan nyo ng kamay at yapos thingy nyo kaya nagtaka lang"

Bwisit. Lahat kasi napapansin mo eh 😒

"Ganon ba kadaling makamove on kay Fel at nakahanap ka na kagad ng bago?"

Napabuntong hininga ako at mabagal na kurap.

"Sino bang may sabing nakamove on na ko?"I whispered.

"Ah hindi pa ba? Sabagay, ang tagal nyo rin ni Fel. Sayang naman at natapos na. Bakit di mo man lang sinabi sakin? Dati rati pag may problema ka kay Felicia, sakin ka natakbo ah"

"Again, that was before"saad ko.

"Nga pala, penge namang picture mo nung makagraduate ka. Hindi na nga ako nakapunta nung graduation mo, wala pa kong picture"

"Hindi naman ako pumunta ng graduation eh"

"Bakit?"

"Anong gagawin ko dun? Nakuha ko naman diploma ko sa Prof ko kahit di pumunta sa graduation"

"Ricci ano ka ba? One of the best life yun. Dapat hindi mo namiss yun"

Psh 😒

"Hindi ba nga't may usapan tayo dati na pagkagraduate mo ng college. Na kahit tayong dalwa lang ang nandun, isasama mo kong umakyat ng stage tapo--"

"That was before"kagad na sabat ko "Geez,how many times to I have to tell you?"

Napabuntong hininga naman sya.

"Bunso, what if change before to present?"he asked at napailing iling na lang ako

"Pwede naman nating ibalik lahat eh. Aminado ako, namimiss kita sa bahay. Namimiss ka na rin nina Papa"

"Who the hell is Papa?"tanong ko "Wala akong ganon"

"Ricci, that's too much"seryosong saad nya at kagad naman akong napabangon.

"Kayo yung sumosobra!"sagot ko "Bakit mo ba ko pinuntahan pa rito?"

"It's because you're sick and you're all by yourself"

"I'm not sick! I am fine! I'm perfectly fine! And I'm okay all by myself without you guys"kagad na sagot ko.

"I'm done about this Ricci. I'm just doing my responsibility here as a brother"saad nya na para bang umiiwas sa away.

"I am not your responsibility and I will never be again"saad ko "I left our family to have my own happiness. Can you just please leave me alone?"

"Ano ba kasing naisipan mo at iniwanan mo kami ng ganon? Alam mo kung hindi ka naisugod sa ospital ng mabait na pamilyang yun, hindi kita makikita ulit. Ni hindi ko na makausap ang nag iisa kong kapatid for almost 2 years tapos nung natagpuan ulit kita ganto pa isasabat mo sakin? Ano ba talagang problema mo satin? Wala naman kaming ginagawang masama sayo"

The Girl Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon