Chapter 24

2.8K 99 47
                                    

Ara's POV
June 24
7 AM (Wednesday)

Pumasok ako sa office at nakita ang pagbabago rito.

May mga decorations at may banner na ang nakalagay ay Congratulations.

Aba naman, ready na ready sa party.

May table na, may red cups pa.

May designs kahit ang cubicle namin. Hmm, mukhang pinaayos ni Sir Vincent para mamaya.

Umupo na lang ako sa cubicle ko.

Hay.

Sa dalwang araw na may pasok kami, hindi na naman pumasok si Sir Thomas.

Siguro'y masama parin ang pakiramdam n'ya. Siguro'y may sakit parin. Hindi ko na lang s'ya kinausap pa or tinext pa.

Kahit may tanong ako at kailangan ako sa kanya tungkol sa trabaho eh hindi ko na lang s'ya nilalapitan.

Hinahayaan ko na lang s'ya makapagpahinga. Sa pagkaka alala ko kasi, umuulan ng malakas sa Manila nung weekend kaya itong si Sir eh baka nilagnat.

Tsaka, ayoko talaga s'yang kausapin muna.

Ang awkward kasi.

Nalaman ko 'yung sikreto n'ya.

To the fact na new boss namin s'ya at lalaki s'ya, napaka rare na makatala ng ganun.

Boss na magsasabi ng personal problems sa subordinate? Good Lord, it's very aberrant.

Baka naman pumasok ngayon si Sir. Ngayon yung party na ibibigay ni Sir Vincent eh. Sabi ni Rex, dito lang din naman daw mag ce-celebrate. Baka daw dito rin sa office.

Ako palang at si Cyd ang nandito sa office pero nagsisimula na kaming magtrabaho.

"Good Morning Sir"

Huh?!

Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang bati ni Cyd. Teka, pumasok na ba si Sir?

Napasilip ako sa may pinto at TAE!

Pumasok nga s'ya!

Nahulog yata ang puso ko nung makita ko s'ya. Naka jeans lang s'ya at black sweater with white polo inside. The sleeves are rolled up near to his elbow and I can find it very masculine and ahem ahem macho 😝

Napatingin s'ya sakin at nagising naman ako sa katotohanan.

"Good Morning Sir"bati ko at ngumiti lang s'ya ng konti at dumiretso sya sa office n'ya.

Tae, ito nanaman ako sa pagkakilig sa kagwapuhan n'ya.

Good luck Ara.

.

.

.

.

.

.

5 PM

Dumaan yung araw na halos di kami nag usap ni Sir. Nakakulong lang kasi sa room n'ya eh. Tapos nakasara pa yung pinto, mukhang busy talaga kaya di na kami nagka usap.

Siguro naman ngayon na may mi-mini celebration kami ay magka usap na kami.

"I'M READYYY! TO PARTYYYY!"

Napakunot noo naman ako ng kumanta si Mika na napaka ayos ng kilay ngayon.

"Yung kilay mo parang Ateneo Lady Eagles, flying high ah. Palipad na yung drawing ng kilay mo"

The Girl Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon