Chapter 52

1.4K 178 113
                                    

Ara's POV

Iniupo ko si Jeron sa sala at kaagad kong kinuha ang pang gamot sa labi niya. Wala na akong naiisip kundi si Jeron.

"Ito na"saad ko habang papalapit sa kaniya. Ginamot ko naman ang labi niya.

Titig na titig naman sa akin si Jeron.

"Masakit pa ba?"tanong ko at alalang alala ako sa kaniya.

Hindi naman siya sumasagot kaya napatingin ako sa mga mata niya. Nabigla naman ako kasi nakita kong nag-aalala rin ang mata niya habang nakatingin sa akin.

Hinawakan niya ang pisngi ko "Ara mahal mo siya"saad niya.

Hindi ko pinakinggan ang sinabi niya.

"Gagamutin ko na lang 'yang labi mo. Wag ka na-"

"Hindi mo dapat ginawa yun"

Napakunot noo ako "Ano ba Jeron? Ginawa ko lang ang dapat kong gawin"laban ko.

"Nadala ka lang ng galit mo pero alam ko mahal mo siya"

"Jeron ano ba?"

Napatingin ako sa ibang direksyon at napapaiyak na ako.

"Ara, are you really willing to come with me and leave him?"

Napaiyak ako at tiningnan siya "Yun ang tama, Jeron. Kaya ko nagawa yun"

Pinunasan niya ang luha ko.

"Remember what I told you when we found out that you're pregnant?"tanong niya "I told you that we must follow our own happiness. Not the right or wrong in this world"

Lalo akong napaiyak at sinabi ang lagi niyang pinapaalala sa akin.

"There's no right or wrong in love"saad ko. At tumango siya.

"Only happiness and regrets"sabay naming sinabi ito.

Napangiti siya "You always follow that"saad niya "Pero bakit mo ginawa ito ngayon?"

Napaiyak na lang ako lalo at umiling

"He doesn't deserve me"sagot ko "He broke me"

Lalo namang nag alala ang mukha niya at niyakap niya ako. Napaiyak naman ako sa may chest niya.

"Take me with you, Jeron"bulong ko "Ilayo mo na ako rito"

.

.

.

.

.

.

.

.

Thomas' POV
10 AM

Habang nagbabasa ako ng ilang reports and statistics may kumatok sa pintuan ko. Napatingin naman ako doon at nabigla ako at si Ara iyon.

Hindi ako nakapagsalita.

Lumapit lang siya at may binigay na envelope.

Binuksan ko yun at nakita ko na lang ang isang resignation letter.

Putang ina.

"Where is he taking you?"tanong ko habang binabasa ang letter niya.

"Rome"sagot niya at hindi na ako nakasagot. Bumuntong hininga ako at tinago muli yung letter.

"I'll ask Sir about this"saad ko at dire diretsong umalis ng office.

Habang bitbit ang envelope ay pumunta ako sa office ni Tito na medyo naluluha. Binabati ako ng mga tao pero hindi makasagot sa kanila at hanggang ngiti lang ako.

The Girl Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon