Chapter 4

3K 92 12
                                    

Thomas' POV
12 : 30 AM

"Ms.Galang?"

Pagtawag ko sa kan'ya mula sa loob at kaagad naman s'yang pumasok.

"Yes Sir?"

Tiningnan ko s'ya at kumunot ang noo ko sa kan'ya.

"Grabe ot mo"saad ko "Paano na yan? Uuwi na ko, mag isa ka na lang"

Napangisi naman s'ya ng konti "Okay lang Sir"sagot n'ya "Magpahinga na lang po kayo, maaga pa bukas"

Ngumiti na lang ako ng konti "Okay then"sagot ko at tumayo. Kinuha ko ang bag ko at sinuot ito sa katawan ko.

"Una na ko"pagpapa alam ko.

"Sige po Sir,ingat"

Lumabas ako ng office habang nilalaro yung earphones ko. Binuksan ko ang phone ko at tumambad saakin ang wedding picture namin ni Arra na lock screen ko.

Uuwi na po ako, hintay ka lang dyan sa bahay.

Ngumiti ako sa kan'ya at alam kong masaya na 'to kasi pauwi na ko.

.

.

.

After 45 Minutes

Pagkapasok ko sa bahay ay bumuntong hininga na lang ako. Nilagay ko sa sofa ang bag ko sabay umupo. Pumikit muna ako dahil nalasap ko na ang pahingang kanina ko pa hinahanap hanap.

Naramdaman ko ang kamay n'ya sa mga balikat ko.

"Ba't ngayon ka lang?"malambing na tanong n'ya.

Napangisi na lang ako "Overtime"

"Nanaman?"tanong n'ya ulit.

Hinawakan ko ang mga kamay n'ya habang nakapikit parin at pasimpleng hinalikan ito.

"I love you,baby"bulong ko.

"Take care of yourself, please?"bulong n'ya sa tainga ko at naramdaman ko ang halik n'ya sa pisngi ko. Minulat ko ang mga mata ko pero 'di ko na s'ya nahagilap. Pagkamulat ko ay wala na s'ya.

Arra, kailan ba ulit tayo magkikita?

.

.

.

Ara's POV
The Next Morning
6 AM

Pumasok ako ng office at binuksan ang pantry.

"Mam Ara"

Napalingon ako at nakita si Manong na janitor.

"Yes, Kuya?"

"Sabi po nung bago nating Director, ako na raw po hahawak nung susi ng pantry"

"Ha? Eh nawawala mo lagi susi nito ah kaya sabi ni Sir Vincent ako na hahawak"saad ko "Tsaka ako lagi mas nauuna rito"

Napakamot s'ya sa ulo n'ya.

"Sabi po nung bagong Director eh"saad n'ya.

"Si Sir Thomas?"

"Yun nga po yata"

"Eh hindi pwede yun. Si Sir Vincent na mismo may sabi eh"sagot ko.

"Ano yun?"

Napatingin kami sa likod ng may magsalita. Si Sir Vincent.

"Good Morning Sir"bati ko at medyo ngumiti.

"Good Morning"bati n'ya at lumapit samin "Ano yung sinasabi mo?"

"Ah sabi kasi ni Kuya,s'ya na raw hahawak nitong susi kasi utos daw ni Sir Thomas"paliwanag ko.

The Girl Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon