Chapter 23

2.3K 105 32
                                    

June 19 2020 (Friday)
2 PM

Nagdaan ang isang linggo, medyo naging okay na muli kami ni Sir Thomas.

Nakikipagkulitan nanaman. Tipong, ayan nanaman s'ya sa pakikipagtext sakin kahit magkasama kami sa iisang lugar.

Kahit nga may meeting kami nagtetext s'ya at nagsasabi minsan ng jokes para mapahiya ako kasi natatawa ako sa gitna ng meeting.

Makulit nanaman s'ya.

Although minsan seryoso lalo na sa work. Pero 'pag kami lang ang magkasama ang kulit kulit. Lalo na pag O.T. ko.

Ang lakas kumanta dun sa office n'ya. Minsan nga biglaang dumalaw si Sir Vincent samin eh kumakanta s'ya ng malakas.

Kahit si Sir Vincent natatawa sa kanya. Tas nung nakita s'ya ni Sir Thomas napatahimik kagad s'ya at halatang napahiya.

Pag natatarayan man n'ya ako, okay lang kasi para sakin parte lang ng trabaho. Bawing bawi naman kasi 'pag kami na lang ang magkasama. Walang ibang ginawa kundi patawanin ako ng patawanin.

Kung ituring na n'ya ako. Parang malapit na sa pagtuturing n'ya kina Cienne. May galang parin naman s'ya sakin kasi di pa naman kami ganun kaclose pero atleast, sakin s'ya komportableng makipagkulitan.

Pero hanggang ngayon, di parin n'ya nababanggit 'yung nasabi sakin ni Sir Vincent. Ayoko naman s'yang madaliin na paaminin pero ayos lang din naman kasi mukhang okay naman na s'ya.

Anyway, ngayong araw na 'yung result namin sa Chinese Company. Sana nga this time, mapa oo na namin.

Napatingin kaming lahat sa may pinto nang lumabas si Sir.

"Conference room. Now"saad n'ya at tinaas ang papel.

"Ayan naaaa!"

Biglang sumigaw si Rex at natawa kami.

Ang cute lang

Pumunta kaming lahat sa conference room at halos kasabay ko si Sir na maglakad papunta dun.

Nasa likod kaming dalwa at 'yung mga katrabaho ko naman ay nagtatawanan at para pang na eexcite rin.

Napatingin ako kay Sir at pansin ko na blangko ang mukha n'ya. Di ko tuloy matanto kung masaya o hindi

Bigla naman s'yang napatingin sakin.

"Bakit?"bulong na tanong n'ya.

"Binabasa ko lang utak mo Sir kung masaya ka o hindi"

"Bakit naman?"natatawang tanong n'ya.

"Eh kasi baka nasa mukha n'yo na yung saya kung pasok ba tayo o hindi"

Bigla n'ya akong tinaasan ng kilay sabay inirapan ako na parang bakla.

"Hala!"natatawang saad.

Tinignan n'ya ako kasabay ng pag papout lips n'ya.

Putah, daig pa si Awra!

Tinaasan ko s'ya ng isang kilay sabay sinagot n'ya ng pag pa-pout lips ulit n'ya.

"Namo"saad ko.

"Namo rin!"sagot n'ya.

Natawa ako ng konti "Letche?"

"Letche"sagot n'ya at pumasok na kami sa conference room.

Habang natatawa ako ay umupo na lang ako sa isang swivel chair.

Yung meaning ng Namo? Jusko, mura 'yan.

It's tang ina mo o putang ina mo.

Hanep di ba? Nagmumurahan na kami in a nice way

The Girl Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon