Chapter 50

1.6K 217 158
                                    

Ara's POV

Binuksan ni Mika ang pinto at si Mang Joni nga.

"Ma'am may naghahanap po na lalaki sa labas sa inyo"saad niya.

Napakunot noo ako. Sinong maghahanap sa akin sa labas? Pansin ko kay Mang Joni na parang may galit siya. Kilala ba niya ang naghahanap sa akin?

"Baka si Thomas"saad ko

"Ha? Ang lakas naman ng loob niya"sabat ni Mika.

Lumbas na lang ako ng kwarto at pumunta na lang sa labas.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng pinto ay laking bigla ko sa nakita ko. Napatulala ako habang nakatingin siya sa akin.

"Oh my God"bulong ni Mika sa likod ko at nabigla rin sa nakita niya.

Tinitigan niya ako gamit ang kaniyang chinito na mata. Bumalik na naman tuloy kami sa dati.

"Dito ka lang"saad ko kay Mika at lumabas ako para puntahan siya. Titig na titig siya sa akin habang papalapit ako sa kaniya.

Tumigil ako sa harap niya at medyo nakatingala na ako dahil sa tangkad niya.

"Buti naabutan pa kita rito"saad niya "Mukhang maglilipat bahay ka na ah"

His big yet smooth voice. I hate this. It makes me feel like the day we've first met.

"Ililipat lang sa Pampanga"sagot ko.

Napatango tango naman siya.

"Kamusta ka na?"tanong niya.

"Humihinga pa naman"sagot ko.

Napangisi siya "Same old Ara"

Napabuntong hininga ako "Same old, same old"bulong ko.

Napangiti siya at mukhang nauubusan na ng sasabihin.

"Can we please talk?"tanong niya.

"About san?"tanong ko naman at nilagay ang dalawang kamay ko sa bulsa ng pantalon ko sa may pwetan.

"About us"

Napalunok ako habang nakatitig sa kaniya. Bakit siya biglang babalik ng ganito? Bakit pa?

"Jeron, bakit pa ba?"tanong ko "Parehas na naman siguro tayong masaya ngayon"

Lumunok siya "Hindi ako masaya, Ara"

Naging mabigat ang paghinga ko dahil sa sinabi niya.

"All I want is to have my family back"

"You have no family, Jeron"matapang na saad ko "Anim na taon kang wala sa buhay namin ni Nathan at masaya na kami dun. We don't need you"

Tumalikod na ako sa kaniya pero bigla niyang hinawakan ang braso ko.

"Please Ara?"

Napapikit ako at huminga muna ng malalim. Lumingon ako sa kaniya.

"Bumalik ka na ng Roma"saad ko.

"I know what's happening, Ara"

Napakunot noo ako sa sinabi niya.

"Ano?"tanong ko at humarap ako sa kaniya.

Binitawan niya ang braso ko at medyo lumapit pa sa akin. Lalo tuloy akong napatingala.

"I know what happened between you"

Kinabahan ako.

"And Thomas Torres"

Nanlaki ang mata ko.

.

.

.

The Girl Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon