Chapter 14

2.5K 86 16
                                    

Michelle's POV
9 PM

"Eh pano na po yun? Di pa nga po tayo nakakapili ng wine na pwedeng ipainom sa kanila eh"saad ko kay Ate Ara.

"Ih! Wine lang naman yun saka na natin problemahin"sagot ni Ate Ara.

Kami na lang kasing tatlo ang natira rito sa room at naghihintay na lang kami halos ng himala para umuwi at iwanan na lang sana si Ricci rito 😒

"Oo nga, problemahin natin yung DJs or Hosts. Wala pa tayo nun eh"saad ni Ricci.

"Akala ko ba sina Jess bahala dun?"tanong ni Ate Ara.

"Eh yun nga eh, wala pa daw pong nahahanap. Pero si Ate Mika na lang din daw tutulong dun"sagot ko.

"Ay weh? Ang bilis kasi kumilos ni Mika at Maddie eh. Nakakatuwa yung dalwang yun kung kumilos"saad ni Ate Ara.

"Oo nga po, parang sa isang iglap, meron na nito. Meron na nyan pag sila ang kumikilos. Ang galing nga po eh"Saad ko.

"Tayo rin naman Michelle ah"pagsingit ni Ricci "Ang galing kaya natin"

Inirapan ko sya "Ako lang kaya"

"Graaaabe naman"sabay na saad ni Ate Ara at Ricci.

"Teka, tanong ko lang, di ba magkabatch kayong dalwa?"tanong ni Ate Ara.

"Opo"sagot ko.

"Eh bakit parang hindi kayo magkakilala? Dito lang sa office kayo nagkakilala"tanong nya.

"Sa mukha lang Ate Ara"sagot ni Ricci "Tsaka high school palang kami magkakilala na kami nyan"

"AY WEH?!"nabiglang sagot ni Ate Ara.

"Oo, nitong friday lang halos naconfirm na oo nga, sya pala yung nakikita ko noon"sagot ko.

"Ay weh? Pano? Bakit?"tanong nya ulit.

"Yung ex nya po kasi kateammate ko po sa volleyball noon. So parang everytime na sinusundo sya or something,nakikita naming teammate nung ex nya"sagot ko "Although before nakikita na namin isa't isa, di kami masyadong nag uusap noon kasi di naman kami gaanong kaclose nung ex nya para ipakilala ako kay Ricci"

"Ah weh? Ahahahaha! Ang cute naman"tuwang saad ni Ate Ara.

"Opo, di ko talaga sya napapansin noon"saad ni Ricci "As in parang pagnakakasalubong ko parang wala lang. Normal girl lang na dumaan. Kaya natatawa na nga lang ako ngayon pag naaalala ko yung mga panahon na nanonood pa ko ng games nila. Andun nga pala sya, ngayon ko lang naalala"

"Oh di ba? Ahahahaha! Ang cute! Destiny na yan"saad ni Ate na syang kagad hinindian ko. Ang imposible.

"Eww"bulong ko na lang.

"Ang tagal nyo na palang pinagtagpo! Wrong timing nga lang pero ngayon oh! Kita nyo naman, right place at the right time na"pangloloko ni Ate Ara.

"Oo nga po, kaya naniniwala na ko sa forever"saad ni Ricci.

"Eewww! Utut!"

"Ahahahahahaha!"

Tang ina, lakas maka James Reid -___-

"Ang cute mo nun Mich. Para kang barbie doll na pandak"saad ni Ricci.

Ito nanaman sya 😒 Mambubully nanaman.

"Heh! Tigil tigilan mo ako"saad ko sa kanya.

"Hindi mo ba talaga sya napapansin nung high school pa kayo?"tanong ni Ate Ara

"Nakikita't napapansin ko po kasi makulit to eh! Ang gaslaw na babae pero I never minded kasi nga di naman sya pinakikilala ni Fel sakin tsaka yung girlfriend ko lang nun yung apple of my eye sa team nila"

The Girl Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon