Chapter 11

2.8K 90 26
                                    

Michelle's POV
12:45 AM

We all decided to go home. Medyo pagod na rin kasi kami katatawa at sigawan eh. Ang ganda kasi ng usapan.

Ang havey rin kasi ni Sir. Actually kanina,tuwang tuwa nga ako sa kabaitan nya. Para syang kabarkada lang namin na kakwentuhan. For the first time,I've found my favourite boss.

Nabigla ako kasi ang bait nya. Nakipagkwentuhan talaga sya samin na parang hindi sya ang boss. Nakikipag murahan pa nga eh. Ibang iba pala talaga sya pag nasa work at pag biruan. Siguro kaya trip na trip ni Ate Ara magtagal rito sa office kasi itong kakulit na lalaking to ang nakakausap nya. Hahahahahaha!

Kinuha ko yung bag ko at sinakbit na.

"Tara na,sabay sabay na tayo"saad ni Sir pagkalabas nya ng pinto. Nagmadali akong makuha ang lahat ng gamit ko para magkasabay sabay kami makauwi. Lumabas na kaming apat sabay sabay.

"Kung ano man napag usapan natin,sikreto lang yun ah"saad ni Sir.

"Kami pa ba Sir ahaha"sagot ni Ricci.

"May tiwala ako sa inyo pero kasi pag nalaman ng lahat na ganto ako naku! Baka wala nang matakot sakin at wala ng sumunod"

"Grabe Sir,nakakatakot ka kaya pag nasa work na"saad ko

"Sabi nga nila pero ewan ko ba. Bipolar yata ako sa office"sagot nya.

"Oo nga Sir,di parin kaya ako makalimot dun sa pwede na ba session natin"saad ni Kuya Rex.

"Kainis!"kagad akong natawa ng naalala ko.

"Di ko alam yun. Wala lang siguro akong magawa kaya nag gaganun ako"saad ko at pinindot yung down button ng elevator.

"Di nga ako makapagfocus sa trabaho katatawa eh"saad ni Ricci.

"Tawang tawa kami ni Ate Jessey dun. Sumakit yung tyan ko talaga dun"saad ko.

"Ahahaha,jusko,si Jessey pa ba? Alam nyo naman may gusto kay Sir yun"saad ni Kuya Rex.

"Ay hala ka! Nilaglag mo"saad ko.

Napansin ko na medyo napangisi lang at tungo si Sir habang nakalagay sa bulsa yung dalwang kamay nya.

"Sus,wala na naman kay Sir yun. Siguro naman sanay na si Sir. Gwapings si Sir eh"saad ni Kuya Rex.

"Ha? Hindi ah,yung asawa ko nga lang yata nagwapuhan sakin ever since"saad ni Sir

"Weh? Sir! Impossible"saad ni Ricci.

*TING*

Bumukas ang elevator.

Tumingin sakin si Sir.

"Ladies' first"

"Ladies' first"

-______-

Sabay pa talagang nagsalita si Sir at Ricci ah.

"Sir,bakit mo naman inunahan si Ricci?!"pagbibiro ni Kuya Rex at kagad natawa si Sir.

"Sorry na ko,sige na Ricci. Kunwari wala kaming narinig"pagbibiro ni Sir. Lakas talaga makisakay.

Tumingin si Ricci sakin.

"Una ka na"saad nya

*roll eyes 360 pak!*

Pumasok ako sa elevator at sumunod sakin ang nagtatawanang si Sir at Kuya Rex. Ang cute nila tingnan kasi si Sir nasa bulsa lang ang dalwang kamay tapos si Kuya Rex nasa likod ni Sir nakahawak sa dalwang balikat nito.

Parang close na close silang dalwa eh.

Pumasok na rin si Ricci sa loob na medyo natatawa na rin.

The Girl Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon