Chapter 41

1.4K 103 70
                                    

"Tito"

Napatingin siya sa akin nang makalapit ako at halatang nabigla siya.

"Paupo naman ako diyan, inagawan mo kaagad ako eh"pagbibiro ko at natawa naman sila.

"A-are you done already?"tanong niya. Napangiti na lang ako.

Tumayo siya at medyo bumulong "What are you doing?"

Ngumiti lang ako nang bahagya kay Tito "Following my heart"

Pagkasagot ko noon ay umupo muli ako sa tabi ni Ara. Napangiti naman siya nung makita niya ako sa tabi niya.

That smile. My decision was right.

"I will get you guys a drink"saad ni Tito "Do excuse me"

Pumayag naman kami at umalis na si Tito. Bahala na kung ano ang iisipin nila, masaya naman ako sa pinili kong desisyon.

.

.

.

.

.

After 30 Minutes

Nagtawanan kami habang nagkukuwento si Rex. Walang katapusan talaga ang kwento nito, lalo na kung katatawanan. Syempre, itong si Maddie. Kilig kilig na naman.

"Anyway, kamusta na nga pala kayo?"tanong ni Rex sa akin.

Dahil medyo hilo na rin ako ay napakunot noo ako sa tanong niya.

"Anong kayo?"tanong ko.

"Sir naman, syempre kayo ni Ma'am Ara ang tinutukoy ni Kuya Rex"saas ni Ricci.

Napangiti na lang ako at nagtawanan naman sila. Uminom na lang ako ng tequila at hindi sumagot.

"Naku Thomas, magpapabebe ka na naman"saad ni Cienne.

Napangiti na lang ako at pinigilan kong ipakita ang pagkakilig ko. Ayoko namang pagtawanan na naman nila ako.

"Kilala kita, Peng. Alam kong kinikilig ka na"dagdag pa ni Avo.

"No, I'm not"sagot ko habang medyo natatawa.

"Then tell us. What's with you and Ma'am Ara?"tanong ni Mika.

I raised my eyebrow "Ginaganiyan niyo na lang ako ah"

"Hahahaha!"

Natawa sila at ganoon na rin si Ara.

"Oh sige ganito na lang"saad ni Camille "I will give you a dare and you shall do it"

"What is it?"tanong ko.

Ngumiti siya "You will look at Ara's eyes and tell her what do you like or love about her"

"Wooooah!"

Nabigla naman sila at napakipit balikat ako "Stop this shit"sagot ko at muling uminom.

"Come on! Do it"

Sabay sabay nila akong pinilit at hindi na ako nakatanggi pa. Natawa na lang din ako at tumingin kay Ara.

"Ayan naaa! Hahaha!"

Nagtawanan sila at sigawan. Tumingin na lang ako sa mga mata ni Ara at nagkatitigan kami.

Ano ba itong ginagawa ko? Bakit ako gumagawa ng mga bagay na ikakakilig ko? Nakakabakla tuloy!

Tinitigan ko siya at tumahimik naman sila.

"I like your eyes"

"Waaaaa!"

The Girl Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon