Chapter 28

3.3K 158 64
                                    

Hindi rin nagtagal ay muling bumaba si Ms.Galang at ako naman ay nangangalhati na sa iniinom kong kape.

"Inumin mo na 'to, baka lumamig na" saad ko na ang tinutukoy ay ang kapeng tinimpla ko para sa kan'ya.

Lumapit naman s'ya at tiningnan 'yung kape "Grabe Sir, nag abala ka pa"saad n'ya at umupo sa tabi ko sabay kinuha ang kape. Pag nagtatabi naman kami, hindi naman 'yung tabi na tabi ah! Yung mga 1 foot away, ganern! Aldub be like.

Uminom naman s'ya ng kape at parehas kaming tulala habang nakatingin ng diretso sa isa sa mga aklatan n'ya rito sa harap.

Mga ilang segundo kami hindi nag-usap.

Sa tingin ko'y naubusan na ya'ta kami ng salita sa isa't isa.

Nagdaan pa ang ilang minuto ay may pumasok na tanong rito sa isip ko.

"Psst"pagtawag pansin ko habang nakatingin parin sa harap.

"Hmm" pagsagot n'ya.

"Mahirap ba maging magulang?"tanong 'ko.

Naramdaman ko naman 'yung pagtataka n'ya sa naitanong ko sabay napatingin s'ya sakin.

"Bakit mo po natanong Sir?"

"Tama bang sagutin ang tanong ng isa pang tanong?"paglaban na tanong ko at napatingin sa kan'ya.

"Ay, sorry"bulong n'ya at tumingin sa harap. Bumalik na lang din ang tingin ko doon.

"Sir sabi kasi nila, ang anak daw ay ang kadugtong ng pusod mo. Di ko alam kung pano nangyari 'yun pero naniwala na lang din ako. Noong pinagbubuntis ko pa si Nathan, akala ko madali lang pero mahirap pala"

"So mahirap?"tanong ko.

"Mahirap pero masaya"pag aayos n'ya.

"Pero mahirap parin?"

"Pero masaya parin"

Napatingin ako sa kan'ya habang medyo nakanoot noo.

"Paano naging masaya ang mahirap?"tanong ko.

Napaisip s'ya habang nakatingin sakin. Tinaas n'ya ang paa n'ya sa couch at tinitigan ako sa mga mata ko. Nag iisip ng isasagot 'to.

"Sir niligawan mo ba si Mrs.Torres?"tanong n'ya.

"Oo naman"kagad na sagot ko.

"Madali? Mahirap?"

"Mahirap"sagot ko.

"Nahihirapan ka pero patuloy ka parin naman sa panliligaw di ba?"

"Oo"

"Nahihirapan ka pero sa dulo ng araw, masaya ka parin di ba?"

"Tama"

"Oh! Yun na 'yung sagot sa tanong mo. Paano naging masaya ang mahirap? Eh kasi napapasaya ka n'ya. Gaya sa anak rin 'yun. Kasi ang anak di lang saya ang ibibigay sayo"

"Di lang saya kundi kuntento at pag asa?"tanong ko.

Napakunot noo s'ya "Oo andun na 'yun pero ang sasabihin ko sana, Di lang saya, kundi init at sakit ng ulo rin"

"Ahaha"

Napatawa naman ako ng bahagya sa sinabi n'ya. Sabagay, tama ang mga sinabi n'ya.

"Pero alam mo Sir"

"Hmm"

"Nung nag aaral ulit ako tapos bagong panganak lang halos ako kay Nathan. Kahit pagod na pagod ako sa La Salle, everytime na uuwi ako, makita ko lang si Nathan talagang nawawala ang pagod ko"

The Girl Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon