Chapter 16

2.4K 97 24
                                    

Tumigil kami sa isang family mart dahil hindi ko talaga maintindihan kung bakit trip kong mag unli-twirl ngayon.

"Meron ba dito?"I asked her.

"Yes po"sagot nya.

Good, makakapag ice cream din. Bumaba ako at ganon rin sya. Siguro alam na nyang magrarap nanaman ako pag di pa sya bumaba.

Pumasok kaming dalwa at lumapit sa counter.

"I'm not good at this, are you?"tanong ko.

Napangiti lang sya ng konti at umiling. Pano nga ba ulit to? Ahh yun, dahan dahan yung ikot ng cone para matibay yung structure ng ice cream. Naks! Structure 😂

Bumili kami ng dalwang cone at di ko alam kung bakit ako nae-excite. Ito nanaman ako. Nagbabalik bata.

"Ikaw muna"saad ko sa kanya.

"Kayo na Sir, baka mapahiya ako eh"saad nya.

Ahaha, shit. Sayang yung bayad kung konti lang makukuha kong ice cream. Bwisit na this.

Tumahimik ako at huminga ng malalim. Dahan dahan akong nagtwirl at talagang tahimik lang ako.

"Naks! Concentrate na concentrate Sir ah"saad nya.

"Sshhh! Wag kang magulo"natatawang saad ko at natuwa ako ng tila ba napapataas ko na yung ice cream.

"Sir, maguhulog yan"saad nya.

Mahuhulog? Eh ang ganda ganda ng pagkakagawa.

"Sir mahuhulog yan"natatawang saad nya at kagad ko nang tinigil ang paglalagay pa ng ice cream sa cone ko.

Kagad kong dinilaan ito at natawa sya.

"Mahihirapan ka dyan Sir"saad nya.

Bakit naman ako mahihirapa---

Nabigla ako nang unti-unting napapatumba na yung katawan ng mataas kong ice cream. Oh no!

Oh no no no no no!

Kagad akong tumalikod kay Ms.Galang at dinilaan ko yung ice cream ko paakyat ng paakyat.

"Ahahahaha! Sir, mukha kang pusa na dinidilaan yung kamay dyan"pagtawa nya sa likod ko.

Bwisit,nakakainis! Ahahahahaha! Bakit alam nyang matutumba to?! Kainis naman.

Dali dali kong dinilaan ito paakyat ng paakyat.

"Brain freeze na ko"saad ko pero patuloy parin ako sa pag aayos ng ice cream ko.

"Ahahahaha! Ayaw mo kasing maniwala sakin Sir eh"tawang tawang saad nya.

Matapos kong mabalik sa pwesto yung ice cream ay muli akong humarap sa kanya.

"Ang sakit sa ulo"saad ko. Natawa naman sya sakin.

"Ayaw mo kasing maniwala sakin eh"saad nya at sya naman ang nag try.

"Ang dapat dinadahan dahan ay yung pagrerelease ng ice cream"saad nya at para bang tinuturuan ako.

"Dapat mabagal lang para yung pagikot ng kamay mo para sa cone ay nasa tamang pwesto at sabi nga nila,structure ng ice cream"

Ayun, mismo.

Tinitignan ko lang sya habang naglalagay nun at napamangha na lang ako kasi ang taas na nung ice cream nya hindi parin ito natutumba!

"What the hell"bulong ko at napatulala na lang ako.

"Titigil na ba ko Sir? Baka di ko na to maubos eh"may halong pang aasar na tanong nya.

"Ang yabang mo naman"may pagpapikon na saad at nataa nanaman sya. Tumigil na sya sa pagtwirl at napangiti sya.

The Girl Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon