Chapter 18

1.9K 101 8
                                    

Ara's POV
June 3 2020
8 AM

Patuloy ako sa pagtratrabaho habang si Rex at si Jessey ay may ginugupit dun sa sahig. Masyadong maaga para mag trabaho pero medyo rush na kasi eh kaya kailangan naming gumalaw galaw.

"Rex!"pagtawag ni Sir sabay labas sa office nya.

"Asan na damit ng crews natin?"

"Na kay Ricci po"sagot ni Rex.

"Oh? Kelan papasok yun? Wednesday na ngayon uy! Nafollow up nyo na ba?"tanong ulit ni Sir.

Napatingin naman si Rex sakin. Ay shit! Wala na kong balita kay Ricci!

Napatingin naman ako kay Michelle.

Napakunot noo sya "Why are y'all looking at me?"

"I'm here"

Napatingin naman kami sa may pinto.

"OH! Chi!"nabiglang pagbati ni Rex.

Mukhang pagod sya ah.

"Sir the clothes are being prepared na"sabat ni Ricci at naglakad papuntang cubicle nya "By 5 PM daw po kunin na sa shop"

"Ikaw pumunta, isama mo si Michelle"utos ni Sir.

"Hindi Sir"kagad na sabat nya at nilagpag sa cubicle ang bag nya "Ako na lang po"

Napakunot noo naman si Sir "Tinataliwas mo ba ko?"tanong ni Sir.

Napailing naman si Ricci.

"Then do what I've said"sagot ni Sir at muling pumasok sa room nya.

Oooh! I forgot! Di nga pala sila okay kaya ayaw ni Ricci magpasama.

Hanggang ngayon, di pa kami nakakapag usap ni Michelle about dun pero maybe we're too busy to talk about that kaya medyo di na namin naaalala.

"Girl, asan na yung commercial advertisement lists of sources nyo?"tanong ni Mika sakin.

"Girl, si Michelle tanungin mo"sagot ko habang busy sa pagtatype.

Lumapit naman si Mika kay Michelle at narinig ko ang usapan nila.

"Ching"panimula ni Mika "Kung narinig mo yung tanong ko kay Ara, paki sagot na lang"

-________-

Nice Girl.

"Ha? Eh Ate Mika di ko na natapos kagabi"

"Ha?!"napasigaw naman si Mika sa bigla.

"Di pa namin nacocollect ni Ricci lahat eh"

Sa boses palang ni Michelle pakiramdam ko napapakamot na to sa ulo.

"Eh di ba sabi k- ay ewan!"bad trip na saad ni Mika at umalis na dun.

Ang bilis talaga mabeast mode. Yan kasing si Mika ayaw sa mabagal. Gusto palaging mabilis.

Bumalik si Mika sa cubicle nya at nag start syang mag edit. Ang dami pa naming gagawin! Jusko lerd (Lord)

Habang nagtatype ako ay napansin kong dumaan si Ricci sa tabi ko at pumunta sa cubicle ni Mika.

"Oh"saad ni Ricci.

"Ano to?"tanong ni Mika.

"List of advertising commercial sources"

Oh! Napatingin ako dun sa dalawa. May hawak na papel si Ricci at binigay ito kay Mika.

"Akala ko b-"

"Nagawa ko na kagabi"kagad na saad ni Ricci

"Oh eh kumpleto na ba to?"tanong ni Mika.

The Girl Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon