Chapter 37

1.8K 83 29
                                    

Ara's POV

Nandito kaming lahat sa terrace habang nagkukuwentuhan. At dahil malamig, halos lahat kami ay nagkakape at naka jacket. Umuwi na sina Rex, Maddie, Cyd at Jessey sa Manila. Kasabay na nila si Avo at Cienne. May mga gagawin daw kasi sa Manila kaya umuwi na.

Kaya ngayon si Thomas, Mika, Ricci, Michelle, Kirell at Camille na lang ang natira dito.

"Lahat naman po kami nabigla eh! Ito kasing si Ara ang haba ng hair! Mga Boss pa talaga namin ang bisita"saas ni Mika.

Ay naku, ako nanaman ang nakita.

"Tita 'yan talagang si Ara ang lakas sa Manila. Kahit hindi ligawin, kapag may manligaw naman. Napaka bigtime!"pagdagdag pa niya.

Palibhasa siya lang yung may lakas ng loob magdaldal kasi siya ang kakilala talaga nina Papa.

"Ang bibo mo Ye, napasobra ka yata sa kain"saad ko.

"Uy, napipikon. HAHA!"

Hay naku, si Mika Reyes talaga.

"Wala namang masama kung boss ni Ara ang mga bisita ah"saad ni Tita "Welcome na welcome naman eh"

"Tsaka for Nathan naman kasi"dagdag ko pa.

"Tsaka kapamilya ng manliligaw mo hehe"dagdag na naman ni Mika.

Ang lakas mang asar samantalang andito si Sir ah. Di na nahiya.

"Manliligaw na nga ba?"tanong ni Camille na may panglolokong tingin. Napasulyap naman ako kay Sir at nakita ko siyang ngumisi lang at uminom ng kape.

Kapag ngumingisi itong si Thomas hindi ko alam kung bakit iba ang pakiramdam ko. May something sa mata niya at pagngisi niya. Ewan ko, weirdo lang talaga siguro ako.

"Ano na nga ba? Ano ng status?"tanong ni Papa. Konsintidor! Di na nagbago! Ayayay.

Kaagad namang ginatungan nina Mika itong si Papa. Todo panloloko sila. Malamig na nga, lalo pang palalamigin itong kamay ko dahil sa kilig. Kainis. Hahaha.

"Sir, ano na ba?"tanong ni Ricci kay Thomas.

Umiling lang si Sir habang medyo natatawa.

"Kilala kita Thomas, alam ko kapag ganiyan ang itsura mo"saad ni Kirell at sabay sabay silang natawa.

Nakakahiya talaga kay Sir Thomas. Hindi pa naman kami nagtataas ng estado eh, kung ano kami rati, ganon parin naman ngayon. Pero itong pang aasar at panunukso nila sa amin, mas tumataas na.

"Ano pa nga ba kasi ang problema? Bakit hindi mo pa idiretso Sir?"tanong ni Mika.

"Yun kasi oh"pagsagot ni Kirell at may nginuso. Napatingin naman kaming lahat doon. Itinuro niya gamit ang labi niya ang kaliwang kamay ni Thomas na kung saan, naandoon ang kaniyang singsing.

Si Arra.

Halata namang nagtaka sina Mika. Hindi naman nila kasi alam 'to.

"Kib, ano ba?"narinig ko ang pagsaway ni Camille kay Kib. Mukhang naramdaman ni Camille na hindi pwedeng buksan basta basta ang usapang iyon.

Sa nagdaang mga buwan, hindi na nababanggit ni Thomas saakin ang asawa niya. Nakakapagtaka kung bakit, kasi kapag kasama ko siya, wala na siyang nababanggit tungkol sa past niya. Ni hindi ko na nga naririnig ang mga kuwento niya tungkol sa pinagsamahan nila ng asawa niya. Hindi ko alam kung nakalimot na ba siya o talagang ayaw lang niyang magkuwento pa tungkol sa kanila. Alam kong hindi basta basta malilimutan ni Thomas ang asawa niya, kaya nga hinay hinay lang din ako. Inaalalayan ko ang sarili ko kasi baka tuluyan na akong mahulog at walang sumalo? Oo alam ko mahalaga na siya sa buhay ko, pero kahit papano pigil parin. Ayokong masaktan sa dulo.

The Girl Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon