Chapter 35

2.1K 108 22
                                    

Ara's POV
September 10
5 PM

"Ma'am Ara umamin ka na please?" Michelle begged "Ano po 'yung magandang gift para kay Baby Nathan? Ano yung mga paborito n'ya?"

Natawa naman ako "Hindi nga pwede, hulaan mo"

"Kasi naman, lahat ng ideas ko nakuha na ni Ate Mika at Ate Cyd. Naubusan na ko kung kelan malapit na"pagtatampo n'ya.

Sa September 12 kasi ang celebration ng Birthday ni Nathan. Ang 16 kasi Wednesday, syempre hindi kami pwedeng umabsent lahat sa trabaho kaya ginawang sa 12 na lang para Sabado. Makakapunta lahat at sa Wednesday, ako na lang yung aabsent para umuwi sa Pampanga at makapagcelebrate kami ng 16.

Well, things have changed! Lahat sila ay alam na na may Nathan at lahat na sila ay alam kung anong meron sa family ko.

Believe me or not, Ma'am na talaga ang tawag nila saakin. Wala ng Ate simula nung nalaman nilang may Hacienda kami. God, it's really nothing kasi kina Mama naman 'yun pero talagang pati ako, Ma'am na. Nakakailang pero sa nagdaang halos dalawang buwan ay nasanay na.

Maraming nabago pero ang estado, ay hindi nagbago.

We're not still 'on' ha. Same na same parin.

Hatid at sundo, dinner or lunch together. Talk to phone everynight. The fun and excitement are not changing. Naandun parin 'yung kaba at inis at kilig AT inis kapag nagpapakilig s'ya. Kainis nga eh! Hindi mawala wala 'yung charm n'ya saakin.

"Ching, kanino ka sasabay sa Sabado?"tanong ni Jessey.

"Kay Ate Mika po"sagot naman ni Michelle.

Sa sabado ng umaga kasi sila pupunta ng sabay sabay sa Pampanga. Kasama na si Sir doon.

"Dapat kasi talaga saakin ka na sumabay Ching"biglang sumabat si Ricci habang bitbit ang mga papeles.

Napataas ang isang kilay ni Michelle "Sa motor mo? Utut, mag isa mo! Pampanga 'yun"

"Ano bang meron sa motor? Bakit ba ayaw na ayaw n'yong mga babae 'yun?"takang tanong ni Ricci habang nagpri-print ng mga papel.

"Same"sumabat si Rex na padaan sa gawi n'ya sabay nag apir sila ni Ricci.

"Ay naku, as if namang maiintindihan n'yo kami. Tabi nga"saad ni Maddie.

Naku, ang magsyota nga naman.

"Ito naman, tampo agad"saad ni Rex.

Medyo nilambing naman ni Rex si Maddie at biniro nila sila. Napatawa na lang ako at kinuha ang bag ko.

"Oh s'ya, una na ako ah"pagpapa alam ko.

"Sige Madame, bye!"sabat ni Cyd at nagbeso na kaming lahat.

"Magpa alam ka dun sa Boss mo uy"pangloloko ni Mika.

"Tsk, wag na. Maraming iniisip 'yun"sagot ko

"Ang arte! Dali na"sabat ni Cyd. Ano ba 'yan?

Kumatok na lang ako sa pinto n'ya at pumasok.

"Sir, una na ako"pagpapa alam ko.

"Ah talaga? Hindi ka mag o-OT?"

Napangisi ako "Marami pa po akong aasikasuhin eh"

"Ganun ba? Teka, hatid na kita"

"Hala? Wag na Sir! Tapusin mo muna 'yan. Alam ko, maraming pinapaasikaso si Sir Vincent sa'yo"

Napatango tango naman s'ya "Keep safe" he said "Call me when you get home"

IH! KAINIS! Nakakakilig pag nag gaganyan s'ya.

The Girl Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon