Chapter 58

1.5K 208 112
                                    

Ara's POV

Yakap yakap ko si Mama habang umiiyak siya at halos lahat kami ay nagtatawanan na lang. Nandito kami sa van at papunta na kaming lahat sa airport.

Siya na lang itong umiiyak ngayon, lahat kami nakakamove on na sa pag alis naming tatlo ngayon pero siya, todo iyak pa rin. Well, I understand. She's a Mother. That's they do.

"Ma, tahan na. Jusko, pasimula Pampanga hanggang Manila iyak ka ng iyak. Pati ba naman papuntang airport ganyan ka?"tanong ni Kuya Djun at lalo kaming nagtawanan.

"Che! Hindi ikaw ang Nanay"saad ni Mama at mas lalo ko na lang hinigpitan ang yakap kay Mama.

3 Days lang ako na nanatiling gising sa Hospital at umalis na ako. Ayokong ipamove pa ang flight namin dahil another asikaso na naman kaya nung gumaling na kaagad ako ay umalis na kami. Sabi naman ng Doctor ayos na ako kaya wala na rin namang problema.

After naming nag-usap ni Thomas, hindi na siya bumalik pa. Though kahit bumalik pa siya hindi na niya mapapabago ang desisyon ko.

Buong buo ang desisyon kong sumama kay Jeron.

Alam ko bumitaw na sa mga problema si Thomas at handang handa na siya para sa amin kaso huli na ang lahat.

Buo na ang desisyon ko na umalis kami ni Nathan sa Pilipinas at sumama sa Tatay niya, kay Jeron.

Masakit para sa akin pero mas maganda naman na rin kasi ito.

Pero aaminin ko, umaasa talaga akong sa huling pagkakataon makita ko man lang siya.

I want to see Mika and Cienne and lahat ng mga naging kaibigan ko sa Manila, sana makita ko pa kaso mukhang abala sila at wala na silang oras pa. Pero kahapon naman, nakasama ko pa sina Mika at ang iba ko pang officemates kaya ayos na rin sa akin yun. At least, nagkaroon ng last bonding.

Nasaan kaya siya?

Ayos lang kaya siya?

Dumating kami sa airport at itong si Mama, todo pa rin ang iyak. Kala mo naman ay hindi na ulit kami magkikita.

Yapos yapos ko pa rin siya habang si Nathan ay buhat ni Kuya Djun at si Jeron naman ang naghahakot ng mg bags namin.

"Anak, mag ingat ka doon ah"saad ni Mama.

"Oo nga, Ma. Ako na bahala sa pamilya ko at sa sarili ko. Kaya ko 'to"sagot ko at medyo ngumiti.

Pinigilan ko na lang ang luha ko para hindi pa siya lalong maiyak.

"Betchay, bitawan mo na nga si Bunso. Kaya na niya 'yan"natatawang saad ni Papa.

"Paano ba naman kasi? Mamimiss ko 'to"sagot naman ni Mama at binitawan na ako.

Hinatid kami nina Mama hanggang sa makapila na kami at ito na ang final goodbyes namin sa isa't isa.

Si Tita Tess, kanina pa nagbibiro tapos yun pala, iiyak din. Mamimiss daw kasi niya si Nathan. Si Nathan naman tahimik lang, parang walang alam sa nangyayari. Pero sure naman akong naintindihan niya ako nung sinabi ko sa kaniyang aalis na kami. Basta pumayag na lang siya nung sinabi kong sasama na kami kay Jeron. Tuwang tuwa rin kasi siya sa Tatay niya.

Niyakap ko na silang lahat pati ang mga pinsan at pamangkin ko ay nandito kaya lahat sila ay hinalikan ko at niyakap.

Huli akong humingi ng paalam ay kay Papa. Niyakap ko siya nang mahigpit at pinigilan ko ang maluha.

"Salamat sa lahat, Pa"bulong ko "Salamat sa pagpayag sa desisyon ko"

"Alam mo namang kakampi mo ako eh"saad niya "Nagtitiwala ako sa'yo kaya alam ko na alam mo ang ginagawa mo"

The Girl Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon