Chapter 15

2K 80 7
                                    

Nanatili akong tahimik at hindi tumutunghay. Ang awkward kasi!

Nakalimutan kong naka tank top nga lang pala ako kaya ako nagjacket pero ano? Hinubad ko pa talaga ng biglaan para kay Ricci.

Ngayon nagets ko na kung bakit napatulala si Sir kanina nung nautusan ko kasi medyo naka bend pa ko nun dahil inaayos ko si Ricci. Mas nakita nya tuloy. Kainis.

Nakakahiya! Boss ko pa naman sya.

"Sir will be fine"saad nung nurse "Pag nagising na lang po sya, saka natin painumin ng gamot. Mahirap po kasi lagyan pa ng gamot yung dextrose nya baka po magalit si Doc especially wala syang permiso"

Napatango naman kami "Okay, thank you"saad namin at lumabas na sya.

"Well, I thought that was a disaster"saad ni Michelle at tumayo.

"Almost"bulong ni Sir.

"Bakit di pa po kayo umuuwi Sir? Madaling araw na oh"tanong ni Michelle.

"Actually, pauwi na nga ako kanina. Dumaan lang ako rito bago umalis kaso nasaktohan kong kinukumbersyon si Ricci"sagot ni Sir

"Oh, eh okay naman na po si Ricci. Pwede na po kayong umuwi"saad ni Michelle.

"Sige na nga, uwi na ko! Pinaalis mo na ko eh"pagbibiro ni Sir at umaktong aalis na nga.

"Hindi naman Sir! Grabe naman"sagot ni Michelle at natawa sya.

Napa giggle lang ng konti si Sir at kinuha ang phone nya na nakapatong sa paanan ng kama ni Ricci.

"But on the serious note, uuwi na rin ako. I need to go home medyo pagod na rin kasi ako"

"Ah okay Sir"sagot ni Michelle "Ikaw Ate Ara? Di ka pa uuwi?"

Oh? Bat ako nadamay? 😒

Napatunghay ako at tiningnan sya "Maya maya"

"Bat di pa ngayon?"

-_____-

"Pinapauwi mo na rin yata ako eh"pagbibiro ko rin at natawa ulit si Michelle.

"Eh kasi gabi na! Tsaka mahihirapan kang magbook ng taxi nyan"saad nya.

"Eh maya m-"

"Oo nga, umuwi ka na"

Oh em gee.

Napatingin ako kay Sir ng magsalita sya.

"Sumabay ka na sakin pauwi, saan ka ba?"

TOTOO BA ITUUUU?!

"Ah, umm, Marikina po"sagot ko.

"Tara"seryosong pagyaya nya sakin na para bang hindi nagbibirong isasabay nya ako.

"Oh, mas safe ka pa dyan"saad ni Michelle sabay kindat sakin.

I hate you! I curse you Michelle for this!

"Hindi Sir, mauna ka na po at maya maya na lang ako"saad ko.

"Tsk, halika na at nang maiuwi ka na ng maaga"

HA?! ANO DAW?!

MAIUWI?!

TEKA! SAN BA KO DADALHIN NI SIR?! Napatulala na lang talaga ako habang nakatitig sa kanya.

"Tara"yaya muli ni Sir.

Tsk, no choice. Napatayo na lang din ako at kinuha ang bag ko.

Urgh! Goodluck heart later 😭

"Bantayan mo ng maigi si Chi ah"saad ko kay Michelle at medyo niyapos sya.

The Girl Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon