Jasmine,
Nagising ako sa yugyug ni Mama sa akin dahil mag aala singko na at si Mama aman patulog na rin. Dali dali akong bumangon at nagligo kasi kailangan hindi ako malalate dahil exam namin ngayon. Pagkalabas ko ng banyo si Mama tulog na halos di na natangal ang make up nya kagabi. Naawa ako sa Mama ko dahil kahit ganun ang trabaho nya sinikap nya na makapag aral ako at makagtapos balang araw kaya nagsisikap din ako para mailayo ko na ang Mama ko sa maduming lugar na to. Pagkalabas ko sa kwarto naabutan ko ang mga babaing nagtatrabaho sa bar ni Tito Alfonso na gising pa at wala pa yata balak magsitulog. Alam ko na kung bakit, siguro nakatira naman ang mga to kaya sila gising na gising.
"Magandang umaga italianang hilaw..sabi ni Barbara.
"Hoy! Jasmine eto na yung sabi ko sayo dagdag mo sa baon mo. Mag almusal kana.."sabi ni Betty at sabay abot ng isang daan sa akin.
" Wag na Betty dagdag mo na ipadala yan sa baby mo. Baka wala ng pambili ng gatas yun..."sagot ko sa kanya.
"Wow! ang bait, kagabi galit na galit sa akin dahil sa ingay ko...sabi ulit ni Betty at tumawa pa.
"Italaina bakit ang aga aga mo?..tanong naman ng isa pa na si ate Maricar.
" Exam po kasi ayaw ko malate. Sige na po mauna na ako sa inyo.."sagot ko na lang sa kanila.
"Sya, sige baby ingat ka. Ayusin mo ang pag aaral mo ha para di ka matulad sa amin na eto hanggang dito na lang kami pagbibinta sa mga sarili namin para makakain at makatulong sa pamilya...malungkot na sabi ni Betty sa akin.
"Salamat po..."sabi ko na lang sa kanila at nagmadali ng lumabas.
Nakalabas na ako sa lugar namin wala pa naman masyadong tao dahil ala singko emidya pa lang. Nagkasabay ko si Erick na isang bakla nag working student. A sa lugar din namin sya nagtatrabaho. Pero mag kaiba ang school na pinapasukan namin sya FEU ako naman sa may PUP pero iisang jeep lang ang sinasakyan namin mas mauna akong bumaba kay sa kanya.
"Italiana ang aga aga mo girl..."sabi sa akin ni Erick.
"Exam kasi eh ikaw bakit ang aga mo din..?tanong ko pabalik sa kanya.
"Wala lang, gusto ko lang maaga kasi daming cute sa school namin eh.." masayang sagot nya sa akin.
"Ikaw talaga boys sa gabi pati sa umaga boys parin. Mag aral ka na lang ng maayos para makalayas na tayo sa lugar na to.."sabi ko sa kanya.
"Tama ka girl ayaw ko na ng ganitong life magulo pa sa ilog pasig.."sagot nya at sabay nagtatawana pa kami.
"Sana magka graduate na tayo no pero matagal pa yun.."sabi ko naman sa kanya.
"Oo nga girl, kumusta na pala si mother dear mo at yung tatay tatayan mong hinayupak? Nga pala may balita ka na ba sa real father mo?...sunod sunod nyang tanong sa akin.
"Ganun pa din hinayupak pa din si Tito Alfonso at si Mama ayun nagtitiis pa din. About sa totoo kung tatay naku kalimutan na natin yun baka nga stugi na yun.."sagot ko kay Erick.
"Sa bagay kung naalala ka nun baka matagal na yun nagparamdam pero waley..."sabi nya sa akin.
"At saka sabi ni Mama di naman nya alam na buntis sya nung umalis sya. Kaya walang alam yun tungkol sa akin.."malungkot kung sabi.
"Sad naman pero okay lang yun kasi look at you girl subrang ganda ganda mo. Alam mo sali ka kaya sa mga binibining pilipinas.."sabi ni Erick na ang lawak ng ngiti.
"Hay, naku Erick di ko na pinapangarap yan. O sya, sige, bakla dyan na school ko.."paalam ko kay Erick.
"Sige, ingat ka.."sabay hawak sa kamay ko.
Nagmadali na akong bumaba sa jeep at patakbong pumasok sa classroom. Paara maka pag exam at makauwi ng maaga. Nag start na nga ang examination at subsub na kaming mga classmate ko mga test paper namin. Pagkatapos ng ilang oras natapos din kami pero di pa rin tapos may bukas pa. Sa totoo, sa school loner ako, di ako masyadong nakikipagkaibigan dahil ayaw kung malaman nila kung saan ako ng galing. Kaya di talaga ako nakikipaghalobilo sa mga classmate ko. Kaya akala nila sakin may sarili akong mundo. Oo may mga kaibigan ako pero di ko sila as in closed kasi naman yung iba mapera, gala lang ang gusto sa buhay. Pero ako kailangan masusumikap para makaahon sa pinanggagalingan ko.After nag exam lumabas na ako agad mag alas tres na ng hapon at medyo nag uumpisa na angbtraffic. Habang nag hihintay ako ng jeep may bigla na lang huminto sa tapat ko na napakagarang sasakayan at nagtatanong ng direction. Feeling ko naliligaw sila at mukhang magjowa pa, ang babae ang natanong sa akin at english pa ang salita. Sa isip ko " wow! social speaking english" itinuro ko sa kanya ang tamang direksyon. Nagpasalamat naman sya at mabilis na umalis. Now ko lang pansin na ang gandan ng sasakyan nila porsche sya. Sa isip ko, paano nakarating ang sasakyan yun dito subrang traffic dito sa manila baka mamaya eh mahold up ang mga yun. Maya maya din nakasakay na ako pabalik ng lugar namin. Medyo mabagal ang takbo ng jeep kaya nakaidlip ako. Buti na lang sumigaw ang pahinanti kaya nagising ako, dali dali na akong pumara nag napansin kung malapit na ako.

BINABASA MO ANG
JASMINE
RomanceSPG po eto......A story of young woman trying to survive or escape her world, the world that she hated so much because in her world the only way you survive is to sold your soul to man that all they wanted is to satisfy there self needed. Sa mundo n...