Jasmine,
Kinabukasan maaga akong pumasok kasi after launch may photoshoot pa ako sa Antipolo. Habang nasa MRT ako naisip ko ang nangyari sa amin ni Harris kagabi. Sobra akong naaawa kay Harris sana okay lang sya. Pero kailangan ko rin gawin to para sa sarili ko kailangan ko magfocus muna kung anong mayron ako. Alam ko mali ang ginawa ko kay Harris pero yun lang alam kung tama sa ngayon. Maya maya pa nakababa na ako ng MRT at nakasakay na rin ng jeep, after ten minutes nasa baba na ako ng building ng may tumawag sa akin.
"Jasmine wait..."si Jericho tinatawag ako.
Naghintay ako sa kanya dahil nasa kabila sya at patawid.
"Jasmine let's have some coffee..."yaya nya sa akin.
"Okay..."sagot ko.
Sumunod na lang ako sa kanya,tinitingnan ako ni Jericho habang nag lalakad kami.
"Anong nangyari sayo bakit namamaga yang mata mo.."biglang tanong ni Jericho.
"Wala.."sagot ko.
"Don't lie to me,nagkausap na kayo?...tanong nya.
Tumango lang ako, di na ako sumagot sa kanya baka magagalit sya. Maya pa nakapsok na kami sa isang coffee shop at umorder sya drinks at pagkain. Ako naman naghanap ng table para makaupo na. Mga five minutes tapos na sya mag order at lumapit sa akin umupo sa opposite side ko at nakatitig sa akin.
"Stop looking at me. Don't worry hiwalay na kami.."sabi ko sa kanya.
Inabot nya ang panyo nya sa akin kasi nakita nya na tumulo luha ko,napailing iling na lang sya.
"Babae nga naman kayo nakakikipaghiwalay pero kayo din ang umiiyak. Pareho lang kayo ni Steph yung unang ko syang nakilala, ganyan gayan umiiyak dahil nakipaghiwalay.."sabi nya nya at napapailing.
" Ganun lang siguro kami. Ang sakit sakit kaya akala mo lang.."sagot ko rin sa kanya.
Mga ilang minuto naserve na yung drinks at food namin. Piling ko naman sampong tao ang kakain sa dami ng sweet food na inurder ni Jericho.
"Ang dami naman nito may kasama ba tayong kakain nito?..tanong ko sa kanya.
"Wala,ubusin mo yan para maging sweet ulit ang mukha mo. Stop crying namamaga na yang mata mo may photoshoot ka pa mamaya..."sabi nya sa akin.
"Thanks...sagot ko na lang at inumpisahan kumain.
Maya maya nagsalita si Jericho.
"Next week I want you to work with Harris.."sabi nya ng diretso.
Nabulunan ako sa sinabi nya sa akin,sa isip ko, nag bibiro ba sya o pinaglalaruan nya ako.
"Jericho wag nga magbiro di nakakatuwa.."sabi ko at sabay ubo ko at inom ng coffee ko.
"Jasmine kaylan ba ako nagbiro sayo. I'm serious, his going to work with Steph and you. Hindi kasi ako pwede at wala na rin yung isang photographer natin so we hired him just for this project.."explain ni Jericho.
"Pero Jericho alam mo naman na kakahiwalay lang namin. Hindi ako pwede magtrabaho sa kanya ang awkward kaya nun.."naiinis kung sabi kay Jericho.
"Jasmine si Stephanie ang may gusto dahil she trusted him. Magaling si Harris kaya wala na kaming ibang choice kundi kunin sya. Ayaw ko din kumuha ng iba kasi baka puro photoshop ang abutin natin.."sabi ulit ni Jericho.
"Bakit sya pa ang dami naman dyan magaling.."sagot ko ulit.
"Jasmine madaming magaling dyan pero di kasing galing ni Harris. Minsan talaga Jasmine kailangan mo tong pagdaanan. Be professional Jasmine, alam ko may issue pa kayo pero please paki sit a aside muna para sa trabaho mo okay?...mahaba nyang sabi.
BINABASA MO ANG
JASMINE
RomanceSPG po eto......A story of young woman trying to survive or escape her world, the world that she hated so much because in her world the only way you survive is to sold your soul to man that all they wanted is to satisfy there self needed. Sa mundo n...