~thesurvivalchapter~
Past two years...
Jasmine,
Nakaupo ako ngayon sa isang waiting area kung saan nahihintay ako tawagin ang pangalan ko. Nakaharap ako sa salamin at tinititigan ang sarili ko,sabi ko sarili ko "Jasmine kakayanin mo lahat para sa ikakagaling ng nanay mo. Kaya wag kang mawalan ng lakas ng loob,sumayaw ka ibigay mo lahat at sa pagsayaw mo ibuhos ang lahat ng sama ng loob mo sa mundong eto. Naging belly dancer ako sa club nila Edward. Nung una di sya pumayag pero nagpupumilit ako dahil sa kailangan kung makaipon ng malaki pera para sa pagpapaupera sa mama ko. Mahigit three hundred thousand hanggang kalahitin milyon ang kakailanganin ko. Tinutulungan ako ni Edward pero kulang parin kaya nagdisisyon akong pumasok sa club nila. Kahit na anong iwas ko na wag gumaya sa trabaho ng Mama ko pero eto parang isa na rin ako sa kanila pero eto lang din ang alam kung madaling kumita na malaking pera. Bigla kung naalalala ang nangyari sa Mama nung makalipas ang dalawang linggo.(Flashback)...
Naririnig kung maingay sa baba pero di ko pinansin kasi busy ako sa project ko. Kailangan kasi maireport ko to after tomorrow. Nagulat ako ng biglang may bumukas ng pinto at sabi lumabas ka dyan, nataranta ako kaya bigla kong napasigaw at dali dali tumakbo palabas.
"Ms. Ilang taon kana,nagtatrabaho ka rin ba dito?...tanong ng isang pulis sa akin habang hinahalughug ang kwarto ko.
"Sir twenty years old na po, nanay ko lang po ang nagtatrabaho dito..."sagot ko sa mga pulis na nagtatanong sa akin.
"Alam mo ba ang mga nangyayari dito sa loob bar na to?..tanong ng isa pang pulis.
"Sir hindi po,ang alam ko lang eh dyan sa baba may naiinuman at nagsasayaw na mga babae yun lang alam ko sir. Ano po ba ang nangyayari?...tanong ko pabalik sa isang pulis.
"Ms., rade to nabalitaan kasi namin na ang bar na to ay naglilive show at nagbibinta ng party drugs. Alam mo ba yun?..."tanong agad nya sa akin.
"Wala po akong alam dyan sir...sagot ko sa kanila.
Pinababa kaming lahat at ang daming pulis sa baba at may mga reporter pa nagtakip ako ng mukha baka makita ako sa tv. Nang biglang nagkagulo, si Tito Alfonso inagaw ang baril ng isang pulis kaya nakaputukan. Sa takot ko, di ko alam na kung anong nangyari, nakita ko na si Mama duguan. Kaya sigaw ako ng sigaw.
"Ang mama ko please tulungan nyo sya..."sigaw ako ng sigaw.
Isinakay si mama sa ambulansya at isinugod sa hospital. Mag isa lang ako dun iyak ako ng iyak. Di ako pweding pumasok sa emergency room dahil bawal. Habang nirerevive nila si Mama panay naman iyak at dasal ko. Maya maya dumating si Edward at si Betty kasi nagkataon na umalis sya kaya di sya nasali sa rade.
"Edward si Mama..."sabi ko sa kanya na umiyak pa rin ako.
"Tahan na magiging okay din ang lahat. Pray ka lang okay..."sabi ni Edward na yakap yakap ako.
"Oo Jasmine wag ka mawalan ng pag asa maging okay din si mama mo.."sabi naman ni Betty sa akin habang nakahawak sa kamay ko.
Maya maya lumabas na ang doctor na nag asikaso kay Mama tinanong nya sa amin kung sino ang makamag anak ng pasyente. Tinuro ako nila Betty, sabi ni doc kailangan mauperahan si Mama sa madaling panahon para matanggal ang bala sa dibdib nya, dagdag pa nya medyo lucky si mama dahil di tumama sa puso nya ang bala kung hindi patay na sana sya. At sabi pa rin ng doctor medyo stable na sya sa ngayon pero under comatose sya. Di ko alam kung saan ako hahanap ng pera ni wala akong kamag anak na kilala or mautangan. Lito lito ako sa oras na yun, kinabukasan kahit kanino nino ako humingi ng tulong pero di parin kasya, kaya nag disisyon akong huminto muna at magtrabaho. Nagkataon namang nawalan ng isang performer sila Edward kya pinilit ko sya na ako na lang ipasok nya para makaipon ako,nagmamakaawa ako kay Edward hanggang napiltan na sya pumayag narin sa kundisyon. Na sasayaw lang ako at matatakip ako ng mukha para walang makakakilala sa akin habang sumasayaw ako. Isang linggo na ako nagsasayaw sa club nila Edward nung una nahihirapan ako kasi wala akong alam hanggang sa nasanay ako. Yung mga hayop na lalaki tuwang tuwa sa akin, ang di nila alam bawat paggiling ko ay kasabay din ng paluha ko. Di ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin to,mahirap man gawin pero kailangan para sa buhay ng kaisa isang tao sa buhay ko.
"Jasmine....tawag sa akin."Jasmine, ikaw na next.."nagulat pa ako ng may tumawag sa akin.
"Okay sige susunod na ako..."sabi ko sa kay Trina na floor manager ng club.
Bumuntong hininga ako at isinuot ang maskara na tanging nagtatago sa mukha ko,lumabas na ako at nakasalubong ko si Edward. Niyakap nya ako para pampalakas ng loob,laging ginagwa ni Edward sa akin to bago ako umakyat sa dance floor."Good luck.."sabi nya sa akin.
"Salamat Edward..sagot ko sa kanya.
At hinubad nya ang manipis robe na suot ko pra makita ang suot ko na halos kita na ang buo kung katawan. Umakyat na ako at hinawi ko ang kurtina na nakatakip sa likod ng stage. At nagsisigawan na mga kalalakihan. Nasanay narin ako sa kanila na parang mga asong ulol at nababaliw lahat sila piling ko gusto nila akong lapain.
BINABASA MO ANG
JASMINE
RomanceSPG po eto......A story of young woman trying to survive or escape her world, the world that she hated so much because in her world the only way you survive is to sold your soul to man that all they wanted is to satisfy there self needed. Sa mundo n...